Saturday, Food trip. Picnic ang peg namin magpipisan, sa likuran lang ng bahay. Food trip kung food trip. Syempre si Kuya Ice pwede ng uminom, si Sid pinapayagan na din naman tutal boys will be boys, pero mga light beer lang naman. Ako at si Luke, nagpapakalunod sa juice. With matching pulutan na groceries ng chichiria at luto ni mama.
"nakakainip, anong pwedeng pagtripan?" habang lumalamon ng sponge cake si Sid.
"uy, nahiya naman ako sa sponge cake, hind pa pala yan ang trip mo?" asar ko.
Umiinom lang ng beer si Kuya Ice.
Nagbuntong hininga kami ni Sid at palagay ko pareho kami ng iniisip. "may sanib nanaman ang snowman nato"
Napalingon ako sa bodega, nandun si Luke, sumisilip sa bintana.
"Luke? lumakad ako papunta sa kanya. "anong ginagawa mo dyan?"
"naglalaba" pilosopong sagot nito. Corni ng joke nito oh. Sumisilip pa din siya sa loob ng bodega.
Paglapit ko, biglang may dumaan na anino galing sa loob ng bodega, maalikabok ang bintana kaya, hindi ako sigurado. Nagulat ako at bigla kong nahila si Luke. Napatingin lang siya sakin.
"Bakit ate Cass? pilit nyang tanong, habang nakatingin padin ako sa bintana. Sinubukan ko ulit lumapit.
"dyan ka lang" sabi ko kay Luke. Papalapit na ang mukha ko sa bintana ng biglang... may naghagis ng kung ano sa loob, napaatras ako at napaupo. Akala ko tinamaan ako sa mukha.
"C.L.? Luca!" si kuya Ice at Sid. inalalayan akong tumayo.
"ano yun" sabay sabay nilang tanong.
"anino? bulong ko.
Tinitigan ako ni Sid "anino ng ipis?, ikaw ha! hindi mo na ko makukuha sa kalokohan mong yan"
Hindi ako kumibo. Naging seryoso din siya at tumingin kay Luke.
"little bro, anong nangyari?", nakita mo din yung anino? tanong ni Sid
Medyo shock din si Luke. Umiling ito. "may narinig lang ako"
"anong narinig mo? tanong ni Kuya Ice.
Bago pa siya nakasagot.
"Apo! anong ginagawa nyo dyan?" si lolo. Lumapit sya samin. "di ba sabi ko, bawal kayo dyan, baka may ahas dyan o malalaking daga"
"pero lolo, may tao po sa loob" sabi ko. Napatigil siya.
"imposible yan apo, baka daga lang yun".
Alam naming ililigaw lang kami ng lolo, at hind kami paniniwalaan. Kunwari sumangayon nalang kaming lahat na daga lang ang nakita namin.
Nagliligpit na kami ng pinagkainan namin. Bitbit ko ang huling baso na ibabalik sa bahay. Bigla nalang akong napalingon sa may puno, may anino nanaman, tumigil ito sa maliit na statue na angel. Lalapitan ko sana. Pero bigla itong naglaho.
Sa bahay, nasa second floor kaming magpipinsan. As usual chikahan ng bongga! Pero hindi maiwasan mapagusapan yung kanina.
"Is it possible na maghagis ng kung ano yung daga sa bodega?" tanong ko.
" at nakakapagsalita pa siya" singit ni Luke.
Napatingin kaming lahat kay Luke. Ordinaryong bata lang si Luke, as far as we know ito ang first encounter nya na magkwento ng kababalaghan.
"Luke? nakita ko lang ay anino, pero wala akong naririnig" paliwanag ko.
"ano bang narinig mo?" tanong ni Kuya Ice.
"ewan, hindi ko maintindihan, pero boses lalaki" paliwanag ni Luke.
"Parang lalaki nga din yung aninong nakita ko" dagdag ko.
"baka naman, dati ng umaaligid dito yun C.L at hindi mo lang masyadong pinapasin"
"ewan ko Kuya Ice, siguro nga, madalas kasi dine deadma ko nalang talga sila. Dahil talagang dead naman na sila eh, aha!" corny ko nanaman.
Oras n para matulog. Nasa kwarto na ko.
Sa may terrace... nandun siya. Ang anino...Maliwang ang gabing yun dahil full moon, nung sinubukan kong sumilip ng bahagya. Unti-unti, dahil sa liwanang ng nanggagaling sa buwan, nagiging malinaw ang image nya.
Isang binata, kasing edad ko siguro... nakatayo lang siya sa terrace, nakatingala sa buwan. May kung anong liwanag ang nakapaligid sa kanya. Malungkot ang mga mata niya, kahit kaluluwa lang sya, sumasabay sa hangin ang buhok nya, hanggang leeg ang kulot nyang buhok, wild pero astig. Modern nadin naman ang porma nya. Kaya for sure, kakamatay lang siguro nito. Baka naligaw lang siya sa bakuran namin.
Pero... siya lang ang kauna-unahang kaluluwang nakapasok sa kwato ko, ang alam ko, nilagyan ko din ng talisman ( a magical protection against evil or disease) ang terrace ko.
Unti-unti siyang lumingon sakin. Hindi ako makagalaw. Nagkatitigan kami, ang ganda ng mga mata nito, maamo ang mukha. Bigla siya ngumit sakin. What a sweet smile.
Lumalapit siya sakin. Nakatitig lang ako sa kanya. Nang papalapit na siya. Biglang may kumatok. Nahimasmasan ako. Paglingon ko sa kanya wala na ang lalaki.
Binuksan ko ang pinto. Si Luke.
"oh baby, bakit" nagtataka ako, dahil iba ang aura nito. Parang takot at malungkot.
"ate Cass? mag-iingat ka ha?" mahinang sagot nito.
"Ha? bakit? pagtataka ko.
"ang totoo, pangalan mo ang binabanggit nung lalaki kanina sa loob ng bodega", "hndi ko sinabi kanina dahil magagalit si Kuya Ace, pinagsabihan nya kami ni Kuya Sid na tulungan ka na maging normal".
Nagbuntong hininga ako "uhmmn, sige, don't worry na, ako pa"
T umingin siya sakin at pilit sumilip sa kwarto ko.
Hinila ko sya papunta sa kwarto nila Sid. "sige na matulog ka na ulit ok."
Ayokong maging katulad ko ang mga pinsan ko. Mabait na bata si Luke, ayokong pagdaanan nya ang mga kawirduhang nangyayari sakin. Ilang beses nadin akong nabully dahil dun.
Bumalik na ko sa kwarto at humiga sa kama. Yayakapin ko na ang malaking unan ko sa kaliwa ng biglang pagharap ko.....
"Hi Cassett" malambing na boses ng isang lalaki. Muntik na kong napasigaw, pero tinakpan nya ang bibig ko. Malamig ang kamay niya. Pagkatapos, nag black out nalang ang paligid.
Nakatulog ako? I mean nahimatay yata ako....

YOU ARE READING
"Moon" My Guardian Ghost
Teen FictionThis is a story about an extra ordinary girl. About paranormal things, love and friendship. Creepy, exciting with the touch of funny story. I hope you like it. Cassidy Lunette ang weird at creepy pero talented sa pagpipinta. She can see dead people...