Chapter Six: My Trouble Maker Crush (Karis Special Chapter)

1.3K 57 10
                                        

KARIS POINT OF VIEW:

Ako si Karis, President ng klase namin, Top one sa class at nirerespeto ng mga classmates dahil sa angking talino ko... oooops... hindi ako nagyayabang ok.

Yup! I admit, I am such a nerd sometimes, hindi ako mahilig mag-ayos, manang sabi nga nila, at bookworm. Libro ang buhay ko.

May dalawang weird na best friend, isang babaeng sinasapian ng kung anu-ano at kinakatakutan ng iba, Si Cassett, para sakin, weird man siya, cool girl padin siya sa paningin ko. At si Rukia, malantong pero super sweet na friend.

At sino bang may sabing walang karapatang ma-inlove ang mga nerd? ang mga manang? ang mga weird?

Syempre, sa hilig kong magbasa, hindi ko maiwasang mangarap ng dream boy ko. Isang prince charming o Knight in Shining Armor. Ang Hero ng buhay ko.

Gusto ko yung, gwapo, kahit hind masyadong mayaman ok. lang basta masikap. Yung tipong, sweet, tahimik, mabait, matalino at higit sa lahat addict din sa libro tulad ko wahaha! I'm such a nerd talaga.

Anyway, bumaliktad ang mundo ko ng makaharap ko ang isang lalaki...

FLASHBACK:

One hour nanaman akong napaaga sa school, tulad ng dati tatambay muna ko sa likuran ng school.

Sa maganda at tahimik na garden nang school, maaliwalas nakakapagrelax ako ng husto dito. May paborito akong malaking puno, dito ako umuupo at madalas magbasa ng mga books o magreview ng mga lesson. I am such a nerd, I told you.

Walang masyadong pumupunta dito dahil, usap-usapang may mga kaluluwang ligaw na gumagala dito. Pero hindi naman kasi ako masyadong nagpapaniwala dun, more on scientific fact talaga ako.

Nag-shortcut ako sa isang hallway papuntang likuran, pero bago ko pa marating ang dulo. May naririnig akong ingay. Mga lalaki.

Nagtago muna ko sa isang pasilyo, habang sinisilip ko kung sino ang mga taong yun. Nanduon ang dalawang lalaki, nakahandusay sa sahig, may mga pasa sila sa mukha, at duguan.

Isang lalaki ang nakatayo at tinititigan lang sila, itinayo nya ang isang lalaki, at sinandal nya ito sa pader habang sinasakal. Wow action movie lang ang peg! Hindi ko na mapigilang makialam.

"hoy ano yan?, itigil mo yan" lakas loob kong sigaw. Mala wonder woman ang peg ko ngayon.

Napatingin siya sakin, ang sama ng tingin nya.

Gaga ka Karis, anong tong pinasok mo. "Hoy! Russ, sobra naman yata ang pagiging trouble maker mo?, makakapatay ka na ng kapwa mo students ha?"

Binitawan nya yung lalaki, pagkatapos kumaripas ng takbo ang dalawa.

Anak ng, iwanan daw ba ko? Patay!

Tatalikod nadin sana ko, papalayo sa mukhang demonyo pero super gwapo na si Russ.

"masyado kang pakialamera" pagtataray nito. "dapat lang patayin ang mga gago na yun"

"ha? bakit? ano bang ginawa nila sayo ha? pagtataray ko din.

Hindi siya kumibo... Naglakad na siya papalayo sakin.

Nagbuntong hininga ako. "haiyst! ano ba yun?, ang aga-aga, nakikipag-away?" Morning exercise nya ba yun?"

Anyway, diretso padin ako sa garden. Nandun ang puno naghihintay padin sakin para makapagbasa ako ng panibagong libro. Ewan ko ba, may pag weird din ako, tulad ng best friend ko na si Cassette, lagi nalang ako na-eexcite kapag nandito ako, para magbasa.

"Moon" My Guardian GhostWhere stories live. Discover now