Sa kubo, alas-kuwatro y medya ng hapon.
"Wala pa ba sila Lemuel at Kate?" nag-aalalang tanong ni Alice.
"Magpahinga ka muna, matulog ka sa tabi ni Eloisa."
Halos limang oras na mula noong naglayas si Kate. At kung idaragdag pa ang mga kaganapan kagabi, siguradong mapapaisip ka't mag-ala-ala hindi lang para sa mga kasama mo ngunit pati na rin sa personal mong kaligtasan.
"Paano ka?" balik-tanong ni Alice.
"Magbabantay ako rito sa labas. Sasabihan kita 'pag andyan na ang kuya mo at mga kabarkada natin."
"Gusto kitang katabi."
"Ako rin. Subalit sa ngayon, mas mabuting magpahinga ka muna."
Isang matamis na halik ang iniwan ni Alice bago tumuloy sa kubo.
Nasa likuran ako ng barung-barong kung saan may duyan na nakasabit sa dalawang puno ng mangga. Kaharap ko ang napakalawak na taniman ng mais at mga talahib. Para nga akong haciendero — wala nga lang sa hacienda.
Sa harap ng kubo ay nakagarahe pa rin ang van. Hindi ito dinala nila kuya kahit pa minungkahi ito ni mang Leandro upang makabalik sila agad ni Sarah.
Ayon sa may-ari nitong tinutuluyan namin, may iba pang naninirahan sa San Isidro, bukod sa kanila at sa mga anino. Aniya, may mga tao raw sa baryo na maaari naming mapagtanungan.
Iyon ang dahilan kaya kinailangang umalis nila kuya Marco. Maga alas-nwebe siguro sila lumakad, kasama ang asawa ni Mang Leandro na nakalimutan ko na ang pangalan. Mahigit tatlong oras raw ang kailangang lakarin patungo roon. Kaya nga maski kami ay pinipilit naming dalhin niya ang van upang sila'y makabalik kaagad.
Gayunman, mas pinili nilang iwan ang sasakyan upang may magamit kami sa oras na magkagipitan. Katuwang nito'y pinangako naman ni kuya na kaya niyang siguruhin ang kaligtasan nila ni Sarah.
Bukod sa kanila, wala rin sa kubo ang nakababatang kapatid ni Alice at ang kababata kong si Kate.
Bago magtanghalian kasi ay nagkaroon nang pagtatalo sina Kate at Gio. Napagbuhatan ng kamay ng kaibigan kong lalaki ang kanyang kasintahan kaya't nagdamdam ito at lumayo. Sa totoo lang, matagal ko nang hinihintay matauhan itong si Kate.
Ilang buwan nang may lamat ang relasyon nila. Bukod dun, Gio's done nothing but take our friend for granted.
She doesn't deserve that, not one bit.
Ano man ang sabihin ng iba tungkol kay Kate, kilala ko siya. Lahat ng ginagawa niya ay nag-uugat sa kagustuhang mapagaan ang buhay ng kanyang pamilya. Maging tama man yun o mali.
Matagal na kaming magkakilala. Kung 'di nga dumating si Alice sa buhay ko, baka kami pa ang nagkatuluyan.
'One of the boys,' ganyan sya noon. Ilag ang mga lalaki sa kanya, matapang at malakas kasi ang kanyang loob. Nakakapanibago nga't tila naging napakalambot at maramdamin na niya ngayon.
She used to be full of surprises, positivity, and confidence. That's how I came to admire her.
Then, one day, she just approached us at iniharap si Gregorio sa aming barkada. Hindi ako makapaniwala nung una... ako, si Luke, si Eloisa, at lalo na si Sarah. Maging ang bagong kasintahan ko pa lamang noon na si Alice ay medyo duda sa paraan nang pagpasok ni Gio sa buhay ni Kate.
Ayoko kay Gio, yung tabas ng mukha niya at yung kung paano niya ipinagangalandakan na kasintahan niya si Kate sa buong campus. Balita ko nga'y ibinabahagi pa nito sa mga kaibigan niya ang halos lahat ng tungkol sa kanila ni Kate. Pati ang mga pribadong bagay.

YOU ARE READING
Tatlong Gabi sa San Isidro
HorrorThis is NOT your typical lost and found story; happy endings are not for everyone.