Past is Past

412 3 0
                                    


Babalikan pa ba o wala na talaga ?

Kasi yung kaibigan ko na girl, my Ex siya tapos nung nag break kasi sila nito pinag palit siya sa ibang girl hanggang nag kanya-kanya na sila ngayon ng buhay at pagkalipas ng 2 years, nagbreak ung ex niya at yung girl nito na pinalit sa kanya, tapos ngayon mahal na ng friend ko yung present boyfriend niya ngayon, tapos ngayon naman nag paparamdam yung ex niya sa kanya pero di na pinapansin ng friend ko yung ex niya kasi nung dati daw na mahal niya to eh, pinakawalan daw siya kaya past is past na daw kaya hanggang ngayon nag paparamdam pa rin yung ex niya sa kanya..

Ano ba ang dapat niyang gawin kasi hanggang ngayon yung Ex niya
nangungulit pa din sa kanya???

                                       By: MarmarBacarra


Hi poh,

Hmmm ? Siguro ang dapat gawin ng friend mo kausapin niya ng mabuti yung Ex niya para malaman ni Boy na wala na nga talaga siyang pag-asa kay girl. Nakikipag balikan si Boy kasi nahihinayang siya. Nahihinayang siya sa mga panahon na pinakawalan niya si girl. Ganyan naman tayo eh ! Kung kelan nawala satin noon ang isang tao na di natin nakikita ang halaga nila atsaka lang tayo manghihinayang kapag may iba ng nakikinabang..

Sana naman kasi bago natin pakawalan ang isang tao alamin muna natin kung anong halaga nila satin at kung gaano sila kahalaga sa buhay natin bago tayo magdesisyon. Atleast kahit sa huli may pagsisisihan man o wala. Atleast alam natin sa mga sarili natin na hindi tayo nagkulang sa kanila.


Sino nga ba ang mas matimbang si Present o si Past ? Si Past na pinakawalan ka noon at sinaktan ka dahil hindi nakikita ang halaga mo noon at ngayon nakikipagbalikan after 2yrs. At sasabihin Mahal pa rin kita. O si Present na Mahal na Mahal mo na ngayon at hindi ka iniwan sa huli. At siya ang nagpuno ng mga pagkukulang na hinahanap mo noon kay Past. Sino nga ba ang karapat-dapat ?

Para sakin, si Present kung alam mong mahal ka niya at mahal mo siya at di ka naman niya sasaktan katulad ng ginawa ng Past mo noon. Why not di ba ? Atleast alam mo sarili mo na nagdesisyon ka lang ng tama. Pero nasasayo pa rin naman ang desisyon, kung ano ipaglalaban mo, Yung minahal mo noon O yung mahal mo na ngayon ? Oo, mahirap. Pero sa 2 taon na tumagal alam ko makakapagdesisyon ka na ng tama.. May masaktan man sa huli atleast nagpakatotoo ka lang at di ka nangloko.


Pero kung si Past parin ang pinili mo sa huli dahil baka mahal mo pa rin. At hinihintay mo lang talaga siyang bumalik sayo. Ibig sabihin lang niyan, Tanga ka na nga, Martir ka pa. Dapat di ka na lang naghanap ng rebound. Kasi may masasaktan ka lang na tao. Mas okay na yung sarili mo na lang ang saktan mo, wag ka ng mangdamay pa ng iba.

Ano ang dapat niyang gawin sa Ex niya ? Itapon niya kamo sa basurahan dahil dun nababagay ang lahat ng lalaking manloloko at paasa ^O^V jk. Ang dapat kausapin niya ng matino, bigyan niya ng closure si Ex. Kung wala pa rin nangyari ang nangulit pa rin, wag ng pansinin dahil ang mga taong ganyan ay kulang lamang sa pansin. Dahil ang mga taong ganyan, hindi na pinag-aaksayahan ng oras..


Kaya bago ka magbigay ng one last chance dapat kilalanin mo muna siya at patunayan niya na nagbago na siya.

Huwag mo siyang babalikan kung gusto mo lang gumanti sa kanya, bad 'yun!


Tama si Friend mo, Past is Past.
Ang nakaraan ay nakaraan na. Hindi na pwedeng balikan pa.. Ang nakaraan o nakalipas ay ang parte ng oras na nangyari na, ito ay ang kasalungat ng kinabukasan. Hindi na natin ito maaaring ibalik. Dahil hindi na ito maaaring maulit. Maaari nating balikan ngunit sa alaala na lang sapagkat ito ay bahagi na lang ng isa sa pinakamagandang pahina ng ating buhay..

Once kasing naging Ex na, Ex na un!
We could be friends after the failed relationship but never be again the same relationship that we used to have.. Pero depende sa sitwasyon ng break-up.. At kung deserving pa ba siyang balikan, bakit hindi. Pero kung manloloko lang at mayabang. Hay naku wag na! Magback out ka na.


Give him/her another chance kung love mo talaga siya, malay mo talagang pinagsisihan na nya mga nagawa niya sayang naman kung di mo siya pinakinggan.. For me ayaw ko magsisi sa huli for not giving her/him another chance!

Minsan kasi may reason kung bakit nagagawa nila yun. Nobody's perfect so everybody have the right for another chance..





I LOVE YOU❤



Quotes:

"Chances are there not just to correct mistakes. But to determine worth."

Lesson Learned:

Kung love ka niya at alam mo sa sarili mo na love mo pa rin siya dapat ayusin mo muna kung bakit naging kumplikado ang relasyon ninyong dalawa. Kasi kung 'di maaayos 'yan paulit ulit lang ang situation, magiging mas complicated lang ang lahat.


Kung love mo pa rin siya pero ayaw mo na kasi sumakit ulo mo sa mga kasinungalingan niya eh, 'di pakawalan mo na. Ikaw na mismo ang umiwas sa kanya.


Kung love mo pa si EX pero siya 'di ka na love, simple lang move-on ka na lang! Huwag ipilit ang sarili sa taong ayaw na sa'yo..

#HugotAdvice❤Where stories live. Discover now