Malandi na agad ?

633 8 2
                                        

Hi poh ;)

Matatawag na bang malandi ang babae pag nabuntis ng maaga?

Nabuntis po kasi ako ng maaga sa edad na 19yrs.old. Tapos hindi naman po ako pinanugutan nung lalaking nakabuntis sakin. Muslim pa naman po yung tatay nito. Ano po ba ang dapat kong gawin aasa pa po ba ako sa kanya o hindi na?
                                                                    By: JorinaNavarro

Hello (",)

Kapag nabuntis, malandi agad?

Kapag nabuntis, malandi agad? 'di ba pwedeng umibig lang muna??

Alam nating lahat na sa panahon ngayon ay karaniwan na lang ang early pregnancy o maagang pagbubutis. Bakit nga ba? Sadyang mapusok na nga ba ang mga kabataan ngayon o 'di lang talaga nag-iisip?

Kalandian - Nabuntis kasi makati. Trip lang makipagsex kesyo masarap daw. Yun bang iba-iba ang pinapakisamahan sa kama. Kahit hindi pa masyadong kilala, kahit di nila nobyo, kahit nga sa text sa cellphone lang nila nakilala tapos unang kita o eyeball. Konting kalabit lang, bubukaka na agad. Tindi 'diba te?!

Sobra Magmahal - Sila naman yung mga babaeng ibinibigay lahat para sa mahal nila. As in walang natitira para sa sarili. Akala nila di sila iiwan ng lalaki kasi nga lahat na binigay nila. Pero sa huli, sila din yung kawawa. Kapag nabuntis na, magugulat na lang nawala na si boyfie.  Toinks!

Sunod sa uso - Sila naman yung mga ayaw matawag na 'manang' ayaw mapag-iwanan kaya nakikiuso. Iniisip nilang 'di naman na bago sa lipunan ang pakikipagsex nang hindi kasal. Sila din yung ayaw makantyawan ng barkada o yung tinatawag na peer pressure.

Broken Home - Sila yung mga napabayaan ng magulang. Hindi nabibigyan ng sapat na attention kaya kay boyfriend hinahanap. Basta sila yung kulang sa pansin, period.

Hindi ko naman sinasabing 'wag kayo makipagsex na di kasal eH, choice niyo kaya yan noh. Sa totoo lang din kase, 'di naman maghalaga yung dahilan bakit ka nabuntis ng maaga eh. Ang gusto ko lang na ma-realize niyo ay yung once na ginawa mo na yan, dapat handa ka sa mga possible results. Dapat may paninindigan ka. Di yung kapag nabuo si baby, sa abortinist takbo mo. Maraming ganyan diba? 'wag ganun! Ginawa at ginusto mo yan kaya panagutan mo. Maging ready ka din if ever na walang kwenta yung nakadisgrasya sayo na di kayang panagutan yung dinadala mo. Ipasok mo sa kokote mo na siya ang nawalan at hindi ikaw :)

Ano nga ba sa tingin mo ?? Ewan ko lang. Wala naman kasi ako pakialam sa iba at sa mga naka paligid ko eh. Pero kung ibabase mo sa bagong henerasyon natin na pinatutunguhan ng lahat. Hindi na kasi pang karaniwan yung mga ganyang sitwasyon. Kasi kahit saan ka lumugar o tumingin marami ka ng makikitang mga batang babae na nabubuntis ng maaga. Hindi ko nga alam sa kanila kung bakit nila ginagawa o sadyang ginawa nila na mapaaga yung pagbubuntis nila. Hindi pa naman End Of The World -_- Minsan kasi yung mga gumagawa ng ganyan yan yung mga taong rebelde o mga taong napariwara ang buhay o yung mga taong walang magawa sa buhay nila.

Di ba nila inisip muna kung kaya nila buhayin ang bata? Ano Ipapamulat nila sa bata kung gaano kahirap ang mundo at puno ng mga taong makasalanan? Tag hirap na nga yung Pilipinas sa kamay ng mga Gobyerno ng Pamahalaan tapos pati sila makikisabay pa. Anyare? Nganga! Tsk! Huwag kasi Libog muna ang pairalin, Aral muna bago Sarap. Ok? iYan ang natutunan ko at ito ay isang halimbawa ng kung Bakit Masarap Ang Bawal..

At doon naman sa tinatanong mo na kung ika'y mabuntis ba ng maaga malandi na ba ang tawag doon? Hindi poh. Bakit? Kasi lahat naman ng bagay may dahilan. Hindi porket nabuntis ng maaga. Malandi na agad. Di ba pwedeng ginusto lang talaga.. Huwag mong iisipin ang sasabihin ng iba kasi the more na naniwala ka sa sinasabi ng mabungangang bibig ng iba, ikaw din ang talo. Bakit? kasi ayan ang magtutulak sayo patungo sa kahinaan mo.

Kaya kung ano ang nasa puso mo, sundin mo. Tama man o mali yung tatahakin mong daan. Basta huwag ka lang susuko, dahil kahit saan ka man mapadpad ng mga pagsubok na iyong mararanasan. Ang Diyos ay laging lamang naka-agapay sayo at hindi ka papabayaan..

Dun naman sa tanong mo.

Panagutan mo yung bata kahit ano mangyari, wag mo ipapalaglag dahil masama yun. Wag kang tumulad sa iba na mga batang ina na walang konsensya at ipinapalaglag ang bata para lang masabing virgin pa sila. Maganda ka hindi sila ang kawalan sayo..

Mahirap kasi talaga pag Muslim mga walang konsensya ang ganung mga tao..

At kung dumating man yung panahon na gusto makasama nung ama yung bata, pagbigyan mo wag mo ipagdamot. Dahil walang kasalanan yung bata sa nakaraan niyo. Ang bawat sanggol ay blessing satin ni God. Kalimutan mo na kung ano man yung nakaraan niyo. Para walang sisihan.




I LOVE YOU❤



Quotes:

"Lahat ng bata ay biyaya kaya wag kang maghuhubad kung hindi mo kayang panindigan ang salitang RESPONSIBILIDAD."

Lesson Learned:

Kaya mahalin mo yung sarili mo at yung anak mo. Magtrabaho ka at magsumikap ka para sa anak mo.. Anuman ang mangyari sa buhay mo lagi ka lang magdasal kay God upang gabayan ka sa hamon ng buhay..

Wag kang panghihinaan ng loob maraming nagmamahal sayo..

#HugotAdvice❤Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ