Worth it or Not ?

737 5 2
                                        


Kung mahal ka ng isang tao bakit may mga taong kaya kang iwan at talikuran ?

Naging kayo. Masaya kayo. Bigla nalang nawala lahat. Dahil hindi ka niya hinayaang magpaliwanag. Ang hirap ipaglaban na yung taong mahal mo walang bilib at tiwala sa pagmamahal mo. Isang araw hinayaan ka nya magpaliwanag pero di ka naman niya pinaniwalaan. Makatapos yung ilang araw gusto niyang maging kayo ulit pero huli na lahat para sainyo. Kasi di ko alam kung worth it pa bang ipaglaban siya. O ipaglaban ang KAMI. Na pag may nakita siyang hindi niya gusto o ayaw niya bigla ka nalang iiwan sa ere.

Biglang hahayaan o babalewalain ka. Kasi di ba ? Kung mahal mo ang isang tao ba't ganun mo kadali bitawan? Bat ganun mo kadali itapon lahat at sayangin ang sa inyo na hindi ka hinahayaan magpaliwanag agad? Bat ganun ka kadali i-judge ng taong sinasabing mahal ka.

Hanggang ngayon tinuturuan ko pa din ang sarili kong makalimot sa lahat kahit ilang buwan na ang nakalipas. Tinuturuan ko pa ding hindi na lumingon sa nakaraan namin kahit ang sakit sakit na. Tinuturuan ko pa din ang sarili kong kalimutan lahat ng pagmamahal ko sa kanya. Tinuturuan ko na rin ang sarili kong bumitaw na.

Bakit may mga taong hindi naniniwala kahit sinabi mo naman na kung ano yung totoo, bakit mas pininili pa nilang maniwala sa iba kaysa sa mga taong alam nila kung ano yung tama at mali ?

Hi Be,

Hmmm ? Ganun talaga kung bakit hanggang ngayon hindi ka pa din maka get over sa past mo. Alam ko naman na hindi mo ginusto iyan eh. Nagmahal ka lang naman eh, at hindi mo expected na masasaktan ka. Pero hayaan mo darating din yung time na makakalimutan mo din yung taong nanakit sayo. Darating din yung time na makakakita ka ng right guy for you, yung mamahalin ka, tatanggapin ka kung ano ka at hindi ka na ulit sasaktan. Alam ko naman na hindi ganon kadali pero darating din yung right time na yun.. basta wait ka lang... Siguro nga hindi pa siya yung guy na laan para sayo ni papa God, siguro pahiram lang siya sayo para matuto ka na hindi lahat ng bagay sa mundo ay magtatagal habangbuhay..


Sa ngayon bigyan mo muna ng time yung sarili mo. Yung bang mag focus ka muna sa sarili mo.. Wag ka ng umiyak kung siya naman din yung dahilan ? Kasi nonsense lang din naman eh.. umiiyak ka pero yung taong iniiyakan mo hindi ka naman inaalala kasi masaya na siya sa ibang babae.Hmmm ? Isipin mo na lang pinagbigyan mo na sya ng chance before, nung time na bumalik siya sayo ibinigay mo pa din naman puso mo eh, kaso tinanga ka lang.. pinaasa.. Kasi tignan mo after a week ayan na naman sinaktan ka na naman.. Hindi na siya naniniwala sayo.. Siguro baka may nagawa ka ring mali sa kanya ng di mo alam. Masakit isipin pero wala na talaga wag ka ng umasa, kasi the more umaasa ka mas lalo mong sinasaktan sarili mo. Kung kayo talaga sana sa pangalawang beses na bumalik siya naayos niyo pa.. Kaso hindi eh napatawad mo na siya pero ayan oh sinaktan ka ulit..


Hindi naman kasi pag mahal mo lahat bigay, lahat paniniwalaan mo.. Kasi kadalasan sa mga lalaki ganyan.. Papakitaan ka ng maganda tapos sa huli iiwan ka din. Hindi sya worth it para sayo.. Sinaktan ka niya, Niloko.. Pinaasa.. So para saan pa para maghintay ka ? Tutal naman may bagong Bf ka na rin naman eh. Sinagot mo naman siguro siya kasi mahal mo ? Hindi bilang rebound. Kung ang dahilan mo kaya ka pumasok sa panibagong relasyon ay para makalimutan ang ex mo na nanakit sayo, that's a very wrong reason to be with someone. Being with someone should be because of one very good reason, and that's because you LOVE him/her.


Minsan may mga ganyan talagang tao. Sinabi mo na nga yung totoo sa kanila. Akala pa nila sinungaling ka. Iyan yung mga taong walang tiwala o taong makikitid ang utak.. Di kasi nila alam ang tama sa mali. Yung bang parang sa sobrang matured nila mag-isip ng iba't-ibang bagay o paniniwala. Nakakalimutan na nilang mag-isip ng tama. Hindi nila alam nakakasakit na sila ng damdamin.. Hindi ko rin maintindihan kung bakit may mga taong kaya tayong iwan pagkatapos ng lahat. Siguro nga lahat talaga ng bagay may dahilan. At lahat ng mga katanungan hindi nabibigyan ng kasagutan. Ikaw lang mismo sa sarili mo ang makakasagot sa mga tanong na gumugulo sa isipan mo..


Minsan kahit wala kang pagkukulang, iiwan ka parin ng partner mo. Kahit nga sobra sobra na ang ibinigay mo, iiwanan ka parin. Minsan ang mabigat na dahilan ay hindi na sila masaya sa atin. At kailangan nating tanggapin iyun. Ang tao, aminado naman iyan sa mga kasalanan nila, pero kung lalo mo pang ipapamukha sa kanila na mali sila, lalo mo lang silang binibigyan ng dahilan para iwanan ka.




I LOVE YOU❤




Quotes:

"People aren't always going to be there for you. That's why you need to handle things on your own."

Lesson Learned:

Pano nga ba magmove on? Pano nga ba kayanin ng wala na yung taong mahal natin? Wag mo kayang madaliin yan. Ang pag-ibig, parang pagkain lang din naman yan eh, hinay hinay lang baka mabilaukan ka. Mas okay yung wala kang kasama sa pagmomove-on. Yung rebound ba? Wag ganun. Dapat kayanin mo ng mag-isa 'to. Yung pagmomove-on, isang journey din yan. Isang bahagi ng buhay mo na pwedeng makapagpabago sayo. Yung mga perspectives mo, mga pananaw mo... Hindi man lahat mag-iiba pero may bahagi na mag-iiba. Aminin mo man o hindi. Darating ka din sa punto na pag nagmahal ka ulit tapos hindi mo na magagawa yung mga bagay bagay na nagagawa mo dati. Bakit? Kasi takot ka na. Kasi para di ka na masaktan ng sobra. Wag ganun. Dapat pag nakamove-on ka na, iwan mo na lahat. Oo, hindi madali yun. Kaya nga, wag ka agad-agad maghanap ng makakasama mo habang nagmomove-on, eh para makayanan mo lahat ng mga bagay bagay.


Ang pagmomove-on kasi ay mangyayari lang iyan pag tinulungan mo sarili mo. Isipin mo na lang ha, ilang taon pa lang ba para magmukmok diyan? Para isipin na katapusan na ng mundo dahil iniwan ka niya? Haba haba pa ng buhay mo para pag-aksayahan ng panahon ang mga bagay bagay na di worth it. Madaming taong nagmamahal sayo at ni-katiting hindi mo kailangan ng lalake/babae para sumaya. Tingin ka sa paligid mo, ang daming rason para sumaya di ba ? Hindi mo lang makita kita kasi iba yung hinahanap hanap mo.


Oo, mas masaya pag meron kang girlfriend o boyfriend pero habang wala pa, habang wala na... Magpakasaya ka na muna sa mga taong nasa paligid mo. Higit sa lahat, hindi ibibigay sayo ng Diyos iyan kung hindi ka niya bibigyan ng mas better. Mas okay yung plano ni God kesa sa gusto mo. Mga nararanasan mo ngayon, lilipas din lahat yan. Hinay hinay lang, ha ? Enjoy mo muna lahat ng meron ka ngayon. Sige lang kayanin mo kung gusto diba ? Dami pa tao sa mundo.


 Sa love wala namang right or wrong, pag alam mong tama ka do it. Kahit pa mali sa paningin ng iba. Care ba nila ? Kung sakali namang mali ka sino bang masasaktan ? Ikaw naman di ba ?

#HugotAdvice❤Where stories live. Discover now