3rd Person POV
Sa hindi inaasahang pagkakataon,nagkita ang dalawa sa tabing dagat.
Mga katagang "Chad?Kimmy?" lang ang unang lumabas sa kanilang mga labi.
Pero, rumirigodon ang bawat tibok ng kani-kanilang mga puso. Nagkatitigan lang ang dalawa matapos banggitin ang kani-kanilang pangalan.
Matagal.
Napako lang sila sa kanilang kinatatayuan.
Walang umiimik.
Walang unang nagsalita.
Ramdam nila ang pagkasabik.
Nangungusap lamang ang mga mata ng bawat isa.
Hindi alam ni Richard kung uumpisahan na niyang basagin ang katahimikan. Marahil, kailangan siya ang maunang magsalita.
Lalaki siya! Dapat gentleman.
Hindi naman mapakali ang isip ni Kimmy sa tagpong iyon. Hindi niya aakalaing sa ganitong pagkakataon niya masisilayang muli si Richard.
Hindi rin niya malaman kung tama ba para sa isang babae ang unang magsalita. Pero, mukhang wala yatang may lakas ng loob na basagin ang namumuong ilang minuto ring katahimikan.
Hanggang sa si Richard na mismo ang unang nagsalita.
"Ah, Kimmy? Bakit ka nga pala nasa labas ng bahay niyo? Madaling araw na, hindi ka pa natutulog?" panimula ni Richard.
"Hindi kasi ako makatulog e. At saka nakasanayan ko ng madaling araw magising. Marami kasing nakatokang gawain sa akin mamayang ala y singco ng umaga. Kaya naisipan kong magliwaliw. Ikaw bakit ka nga pala napadpad dito?" pagsisinungaling ni Kimmy.
"Ganun ba? Hindi rin kasi ako makatulog e. Dahil sa mga huni ng kuliglig sa paligid, kaya naisipan kong maglakad-lakad muna. Yun nga lang napadpad na naman ako rito sa lugar niyo," palusot naman ni Richard.
Bagama't halatang nagsisinungaling ang dalawa, hindi pa rin maitago ang saya at tuwang nagkita sila. Parehong kumakanta sa labis na kagalakan ang kani-kanilang mga puso.
Si Kimmy ay sa dagat lang nakatingin samantalang si Richard ay nakatitig sa anyo ng dalaga.
"Ang ganda talaga niya! Kahit saang anggulo mo tingnan ay namumukod tangi ang kanyang kagandahan. Idagdag mo pa ang kanyang kulay gintong buhok na kumikislap-kislap sa maliwanag na sinag ng buwan na animo'y alitatap." bulong ni Richard sa sarili.
"Kumusta naman ang bonding ninyo?" tanong ni Kimmy habang nakatingin pa rin sa dagat.
"Gusto mo bang umupo muna rito sa buhanginan?" paanyaya ni Richard.
"Sige ba!" tanging sagot ni Kimmy.
"Okay naman ang bonding namin. Minsan lang rin kasi ako sumama sa mga ganitong pagtitipon e. Ayaw na ayaw ko kasi talagang mag-outing lalo na kung kaharap ko ang dagat," pagkukuwento ni Richard.
"Bakit ka naman galit sa dagat? Wala namang kasalanan ang kalikasan sa buhay natin di ba?" wika ni Kimmy.
"Hindi mo kasi naiintindihan. Dahil sa dagat kasing yan, nagkanda-letse-letse ang buhay ko. Nawalan ako ng nanay, tapos sinisi ako ng aking ama sa nangyaring pagkalunod ng aking ina. Nagawa lang naman niya akong iligtas. Tapos, hihingi na sana ako ng tulong pero, huli na ang lahat. Nalunod siya sa pagkakaligtas sa akin. Kaya, dahil doon, kinamuhian ko na ang dagat," Mangiyak-ngiyak ng kwento ni Richard habang nakatingin sa kalangitan.
"Alam mo, hindi kita masisisi kong ganyan ang naging karanasan mo. Kung ako man ang nasa kalagayan mo, kamumuhian ko rin ang bagay o taong nagbigay sa akin ng kalungkutan. Pero, payo ko lang sayo ha? Subukan mong kalimutan ang bagay na nagbigay sa iyo ng mapait na karanasan. Kung nabubuhay ang nanay mo ngayon, iyon din ang sasabihin niya sa iyo. Kailangang mong kalimutan ang mga bagay na magiging sagabal sa mga mithiin mo sa buhay. Wala kang karapatan, wala tayong karapatang magalit sa kalikasan. After all, sila pa nga ang nagbibigay sa atin ng kasiyahan." pahayag ni Kimmy na pinag-isipan namang mabuti ni Richard ng malalim. Tumango lang siya at muling ibinaling ang tingin sa karagatan.

YOU ARE READING
Summer Crush
RandomAng pag-ibig parang init ng summer din yan. Kapag first time mong makapunta sa beach at nagustuhan mo ang lugar, hahanap-hanapin at babalik-balikan mo ito. Minsan nga mag-isa ka na lang. Pero paano kung just one summer ay may nakilala ka. Naging cru...