"Pare, saan ka na naman galing? May pa walk-out walk-out ka pang nalalaman," pambungad na tanong ng best friend kong Chad din ang palayaw.
"Diyan lang sa tabi-tabi. Badtrip kasi ako kanina. At alam mo yun kung bakit. Tsk," sagot ko.
"Ha-ha. Para yun lang? Pare, it's time for you to relaks naman. Ilang team building na ang hindi mo sinamahan. Dapat unwind, unwind ka din pag may time," wika niya sabay akbay sa akin.
"Pare - alam mo naman na ayaw kong magpunta sa dagat e. At saka hindi ko talaga hilig ang maglakbay," iiling-iling na sagot ko habang binabasa kunwari ang mga sinasagutan kong e-mail ng customer sa station ko.
"Pare, eto lang masasabi ko ha? Subukan mong magpahinga. Pahingahin mo ang isip mo. Ilibot mo ang mga mata mo sa magagandang tanawin sa 'Pinas. Huwag kang bitter pagdating sa kalikasan. At saka maraming chickababes doon sa beach," ngingiti-ngiting may kasamang kindat na turan niya.
"Tsk. Ikaw talaga pagdating sa babae, ang landi mo. Pag-iisipan ko. Saan daw ba?" tipid kong sagot sabay wakli sa kamay niya.
"Sa Munting Buhangin daw sa Batangas. Huwag mo nang pag-isipan. Malay mo magkaroon ka ng crush doon at maging kayo. Ha-ha," tatawa-tawa niyang sagot.
"Ulol! Magtrabaho ka na nga riyan," saway ko.
Si Chad ang nag-iisa kong best friend. Magkapalayaw kami pero iba naman first name namin. Richard ako at siya naman ay si Chadrick.
Kung ako medyo mainitin ang ulo, madaling mainis kapag may hindi ako sinasang-ayunan, kabaligtaran ko naman si Chad. Kahit maiinis ka na sa mga walang kabuluhang usapan ng iba naming kasamahan sa trabaho, tatawanan niya lang yan.
Hindi katulad ko.
Ewan ko ba kung bakit ganoon na lamang ang pagka-disgusto ko sa dagat. Ayaw ko na kasing maalala ang nangyari sa akin... noon. Gusto ko laging bahay at trabaho lang ang inaatupag ko.
Ngunit, may punto rin si Chad. Baka nga kailangan ko ring magrelaks. Kailangan ko ring mag-explore ng mga bagay na makapagbibigay presko sa aking isipan.
At hindi ko alam kung ang dagat na dati ay nagbigay sa akin ng pasanin ang siya ring magtatanggal nito sa puso ko.

YOU ARE READING
Summer Crush
RandomAng pag-ibig parang init ng summer din yan. Kapag first time mong makapunta sa beach at nagustuhan mo ang lugar, hahanap-hanapin at babalik-balikan mo ito. Minsan nga mag-isa ka na lang. Pero paano kung just one summer ay may nakilala ka. Naging cru...