Kimmy's POV
Kasalukuyan akong naghuhugas ng plato sa kusina nang bigla kong marinig ang isang basag na baso sa likuran ko.
Lumingon ako at nagulat. Sinadya palang ihulog ng kina-kapatid ko ang isang baso para mabasag at gumawa ng ingay sa kusina.
Wala naman kasing gagawa ng ganoong eksena kung hindi ang pangatlo sa anak na babae ng tiyahin ko - si Mercedez.
"Ang bagal kasing maghugas ng plato e. Ayan tuloy nabasag!" Nakapamaywang na naka-cross arms sa harap ko at taas kilay akong pinagsabihan.
"E, sino ba kasi ang nakabasag? Ako?" pagsagot ko sa kanya ng pabalang.
"EXCUSE MEEE! Ako ba ang pinagbibintangan mo HA?" Nakapamaywang na niyang wika sa akin.
"E, wala namang ibang gagawa nito kundi ikaw. Nakit-" Hindi ko na tinapos ang sasabihin ko dahil hinila na niya ako sa buhok at nagsalita.
"At sumasagot ka na pala ngayon ha? Pwes, heto sayo! Pulutin mo yan at linisin mo ang mga basyo ng basag dito kung ayaw mong putulin ko ang mga hibla na buhok mo at hiwain ang nguso mo gamit ang mga bubog ng baso. Naintindihan mo? SAGOT!" Sinabunutan niya ako. Hawak-hawak pa rin niya ang buhok ko.
Magsasalita na sana ako nang...
"Anong nangyayari dito Mercedez? At bakit mo na naman pinag-ti-tripan yang si Kim?" Sigaw ni Melinda. Ang panganay sa magkakapatid.
"At ano naman ang pakialam mo ha? Palamunin lang itong babaeng ito rito. Ampon, mutchacha, beggar, hampas-" Isa-isa niyang sinabi ang tungkol sa pagka-sampid ko. Tatapusin pa lamang niya ang kanyang pagsasalita, pero isang malutong na sampal ang nakuha niya sa kanyang ate.
"Ate Melinda! Huwag niyo na po siyang saktan. Pasensya na po. Hindi po niya sinasadya," pagtatanggol ko kay Mercedez.
"At kakampihan mo pa siya? Dapat lang sa kanya 'yan. Ikaw Mercedez, sa susunod na makita mo pang sinasaktan mo ang pinsan nating si Kimmy, hindi na ako magdadalawang isip na sampalin ka or worst... hindi lang sampal ang aabutin mo sa akin. Naintindihan mo?" Seryoso at aresibong sabi ni ate Melinda habang tinutulungan niya akong tumayo.
"I HATE YOU ATE! ISUSUMBONG KITA KAY MAMA!" Padabog na wika ni Mercedez at agad na lumabas ng kusina. Hindi na siya sinagot ni Ate Melinda.
"Ate Melinda, hindi mo na sana pinagbuhatan ng kamay si Mercedez," saad ko kay Ate.
"Huwag mo ng pansinin yong babaeng yon. Napuno na kasi ako e. At isa pa, narinig ko kasing may nabasag, kaya bumaba ako para tingnan. May hinala na kasi akong si Mercedez lang ang may gawa no'n. Siya lang naman kasi ang mahilig magbasag ng gamit. Pasalamat ka, ako ang bumaba kasi kapag si Mama pa yun, baka pinagtulungan ka na nila rito." Pagpapaintindi niya sa akin at nginitian ako. Pagkatapos, tinulunga niya akong pulutin ang mga bubog.
"Salamat talaga, Ate Melinda," naiiyak kong sabi.
Si Ate Melinda lang ang nakakasundo ko rito sa bahay. Siya lang ang kaisa-isang kakampi ko. Minsan nga, napapagalitan pa siya dahil sa pagtatanggol niya sa akin, pero wala lang iyon sa kanya. Sanay na sanay na kasi siya sa kanyang pamilya.

ESTÁS LEYENDO
Summer Crush
De TodoAng pag-ibig parang init ng summer din yan. Kapag first time mong makapunta sa beach at nagustuhan mo ang lugar, hahanap-hanapin at babalik-balikan mo ito. Minsan nga mag-isa ka na lang. Pero paano kung just one summer ay may nakilala ka. Naging cru...