Katorse

425 18 10
                                        

Kimmy's POV

"Saan ka ba galing na babae ka ha? At sino yung lalaking yun kanina? Kung makapagtanggol parang syota ka niya ah!" Galit na tanong ng tiyahin ko.

"Tita, tinulungan ko lang po siya na makabalik sa mga kasama niya. Naligaw po kasi siya," nakayuko kong sagot.

"Sa susunod na aalis ka, siguraduhin mong nakapagpaalam ka sa akin ha? Sayang naman ang pinapalamon ko sa iyo rito kung di mo pagtatrabahuhan. Pasalamat ka at kinupkop pa kita sa pamamahay ko. Naiintindihan mo?" Pinanlisikan niya ako sabay kurot sa aking hita.

"Aray! Opo, aray, opo tita." ang sagot ko."At kung ako sayo, huwag ka na magpapakita dun sa lalaking yun ha? Baka mamaya, itakas ka pa dito. At kapag nangyari yun, malilintikan ka talaga sa akin. Ikukulong kita sa bodega. Naiintindihan mo ha?" ang sabi niya.

"Opo, tita. Susundin ko po mga sinabi mo." ang sabi ko."Good. Ngayon, pumunta ka na sa kusina at maghugas ng hugasan. Maglampaso ka na rin ng sahig. Punasan mo ang mga alikabok sa buong bahay at magwalis ka sa labas." ang utos niya.

Sinunod ko na lang ang bawat sinabi ng tiyahin ko. Wala naman kasi akong laban sa kanya eh. Tama naman siya dahil kailangan kong pagtrabahuhan ang mga kinakain ko. Pero minsan, hindi naman ako nakakakain eh. Kung meron mang natira, yung tirang para sa aso, yun ang kinakain ko.Matagal na akong walang kakampi.

Simula kasi noong mamatay ang foster parents ko ay mag-isa na lang ako. Mag-isa kong hinaharap ang bawat hamon ng buhay sa akin. Hindi naman ako basta-basta sumusuko eh. Malakas pa rin ang kapit ko sa Diyos na may tutulong at tutulong sa akin.Araw-araw akong umiyak sa kubong ako lang ang nakakaalam.

Minsan doon na rin ako natutulog. Kung suswertehen lang na makatakas napapadpad ako doon. Doon ko ibinubuhos ang bawat sakit na nararamdaman ko. Bawat patak ng luha ko ay hapdi, kirot, pangungulila, at pighati. Sa kubong yun nakakakaramdam ako ng kaunting kaginhawaan.

Salamat na lang kay Chad na nakilala ko kanina. Kung hindi ako nagkakamali ay dayo lang siya sa lugar. Ang sabi niya naligaw lang daw siya. Noong oras na ginamot ko siya, nakaramdam ako ng saya. Siya na marahil ang sagot sa mga dasal kong matulungan akong makita ang tunay kong magulang.

Kapag naalala ko iyon, unti-unting gumuhit sa aking mga pisngi ang ngiti. Ang kanyang mukha ay parang inosenteng batang ayaw mong masaktan. Ang kanyang mga labi ay parang mansanas ang kulay na nakapanggigil na halikan. Pero nung nagising siya, nakita ko sa kanyang mga mata ang bahid ng nakaraan.

Malungkot ito at parang may bagay na ayaw na niyang balikan.Noong nagkwento ako sa kanya tungkol sa akin, ramdam ko ang sinseridad niyang tulungan ako kahit kanina lang kami nagkakilala. Pakiramdam ko nagsisimula ng maging abnormal ang puso ko sa pagtibok.

Sana magkita kami ulit sa kubo. Sana makilala ko pa siya ng husto. Gusto kong tuklasin ang lungkot na nakita ko sa kanyang mata.

Summer CrushWhere stories live. Discover now