The End

43 1 0
                                        

"Issa hoy gumising ka tara at sasamahan mo pa ko" rinig kong tawag sakin ni Reymark

Kung panaginip lamang to please wag niyo na ko gisingin

"Hmmmp" nag uunat pa lang ako ng bigla niyang halikan ang labi ko

"Ano ba kita mong hindi pa ko nag to-tooth brush eh" angal ko at bigla siyang dumagan sa katawan ko

"alam mo Issa mabaho o mabango ka man tanggap kita ok mahal kita kahit ano pang maging amoy mo tandaan mo yan" sabi ni Reymark saakin totoo ba to? Sinabihan niya na ko na mahal niya ko?

"M-mahal mo ko?" Utal kong tanong

"Tinatanong pa ba yan malamang oo mahal na mahal kita Alyssa, kunin man ako ni Lord ngayon tandaan mo mahal na mahal kita at wag mong kakalimutan yan, kapag wala na ko ipag patuloy mo pa din ang buhay mo ok" sabi niya sakin kaya hinampas ko siya sa braso at tinulak siya patayo sa kama sabay ayos ng pag upo ko

"Anong Kukunin ni Lord baka sapakin kita diyan mabubuhay kapa ng matagal mag sasama pa tayo at magkakaron ng madaming anak" sabi ko sakaniya at tinawanan lang niya ko bago sagutin

"Mang yayari lang yan kung maliligo kana ngayon dahil aalis na tayo" sabi niya sabay hatak at tulak sakin papasok sa banyo

Natawa pa ko at napailing kaya naligo na lang agad ako nang makatapos na ko maligo ay wala siya sa kwarto namin kaya lumabas ako sa sala hindi ko pa din siya mahanap halos malibot ko na ang buong bahay

"Reymark asan kana?"

"Hindi magandand biro to"

"Reymark nasan kana lumabas kana hindi na ko natutuwa"

"Rey—"

"Issa gising binabangungot ka" sigaw ni kuya sakin

Napadilat naman agad ako at hinanap si Reymark sakaniya

"Kuya si Reymark? Andito lang siya kanina ginising niya ko, aalis daw kami kuya nasan na siya" namamaos kong sabi habang pinipigilan ang pag iyak ko nanaman

"Issa ano kaba ngayon  ang libing ni Reymark tsaka wala si Reymark patay na hindi matutuwa si Reymark niyan kung ganyan ang makikita niya kaya tumayo kana hindi ka kayang makita ni Kuya ng Ganyan sige ka hindi matutuwa si Reymark niyan" sabi ni kuya at niyakap ako hindi ko na napigilan ang luha ko

"Kuya sabi ni Reymark sakin mahal niya ko bakit niya ko iniwan" sabi ko habang humahagulgol pa din

"Ganon talaga Issa hindi lahat ng tao at baba at pang habang buhay mag s-stay sayo panandalian pero iiwan ka din bandang huli" sabi ni kuya kaya mas llo akong humagulgol ng iyak habang yakap yakap niya

Ngayon ay ang huling araw na masisilayan ko ang katawan mo Reymark sana masaya ka man kung nasaan ka ngayon mahal na mahal kita

Ang LOL PLAYER ng buna ko...

I'm Inlove with a LOL PlayerWhere stories live. Discover now