Chapter 16

27 0 0
                                        

Pag pasok ko  bumungad agad saakin ang isang madilim na at iisang ilaw lang ang meron,

Isang nurse at ang mommy ni Reymark na umiiyak habang nakaupo sa wheel chair, nahimatay siya kanina at pag kagising niya ay diretso agad siya dito

"Iha" pag tawag  niya sakin dahilan ng pag lapit ko sa bawat hakbang ko ay parang gusto ko ng tumakbo palabas ng silid na to

Dahil sa bawat pag lapit ko ay nakikita ko ang kabuan ang kabuan na walang malay na katawan ni Reymark at katotohanan na alam ko ay hindi na ko mag magmamahal ng iba bukod sakaniya

Ipinaglaban niya ko, hanggang sa dulo ng hininga niya hindi man niya nasabi na mahal niya ko pero alam ko at ramdam ko iyon

Nang tuluyan na kong makalapit sa tabi ni Tita ay mas llong hindi ko mapigilan ang daloy ng luha ko,

"Iha, alam mo ba kinukwento ka lagi samin ni Reymark sa bahay simula non doon lang siya naging masigla sa bahay dahil sayo kaya bumalik ang communication at sigla ng bahay namin, iha mahal ka nitong anak ko sinabi niya samin iyon bagama't hindi man niya ito nasabi sigurado ako na ramdam mo din ang pag mamahal niya" sabi ng mommy ni Reymark habang tulala na nakatitig sa bangkay ni Reymark

"salamat po Madame gustuhin ko man na marinig yon galing sakaniya wala na eh pero tama po kayo ramdam ko" sabi ko sabay balik tanaw kung paano ang oang aasar niya sakin tas pagiging concert niya saakin nung niloloko ako ni Ace

"Call me Tita, not Madame iha sana kahit wala na ang anak ko ipag patuloy mo ng buhay mo huwag kang mag s-stay sa nangyari ngayon dahil alam ko na mas gugustuhin ni Reymark na mabuhay ka ng masaya kahit wala na siya Issa sana wag mong sisihin ang sarili mo dahil si Reymark ang pumili non ang ipaglaban ka hanggang sa huli niyang hininga" sabi ni tita saakin dahilan ng mas lalo kong  pag iyak wala na kong nasabi pa na maski isang salita dahil sa ipinadating sakin ni tita

Niyakap ko na lang ang Mommy ni Reymark at sabay kaming naiyak

'Reymark mahal kita, kahit hindi ko man marinig mula sayo ramdam ko naman ng pag mamahal mo sakin...

-

Makalipas ang tatlong araw ay hinatulan na ng kaso ni Ace at ang mga kasama na bumugbog kay Reymark

Finally makakahinga na din ako, Sorry Ace kahit papano naging kaibigan kita peo mali ang ginawa mo kay Reymark

"Iha bukas na ang burol ni Reymark inaasahan namin na pupunta ka" sabi ng daddy ni Reymark pero hindi na ko sumagot kaya ko na ba?

Kaya ko na makita siya na onti onti ng binabaon sa lupa ang katawan? Kaya ko na ba napalaayin na siya?kaya ko na ba na hindi na muling makikita ang mukha niya kakayanin ko ba?

Maraming katanungan sa isip ko, akala ko ay malilibang ko ang sarili ko sa pag tulong sa pag huli kay Ace pero hindi pala

"Aasahan ka namin bukas Issa, iintayin ka ni Reymark" huling kataga na binitawan na salita ng Mommy ni Reymark tsaka tinapik ang braso ko bago umalis

I'm Inlove with a LOL PlayerWhere stories live. Discover now