Chapter 15

146 2 0
                                        

"Doc how's my son?"

Parang gumuho ang mundo ko sa binalita ng doktor, bakit ganito hindi to puwede

Reymark akala ko lalaban ka...

"Are you the parents ma'am? The Patient did not survive pinilit po namin na iligtas siya pero hindi po kaya natamaan ang small intestine niya kaya po nag tuloy tuloy ang dugo, at nakakasiguro ako na Icepick ang pinagsasak kaya ito nangyari hindi na nakayan ng pasyente sinalinan na din po namin siya ng dugo pero bumaba po ang vitals niya at..." Kusang bumagsak ang katawan ko paupo sa sahig ng hospital dahil hindi ko alam kung paano nangyari at bakit sobrang bilis ng pangyayari

Tinignan ko ang Mommy ni Reymark na umiiyak din at pilit na pinapatahan ng asawa niya at ni Kuya

"Hindi to pwede Reymark bakit hindi ka lumaban" bulong ko sa sarili ko habang patuloy pa din sa pag iyak

Yakap yakap ako ni Chesca maging siya ay umiiyak na din

The next thing I knew nahimatay ang mommy ni Reymark kaya agad itong inaalalayan

Hindi ako makapaniwala sa nangyari

"Kuya si Reymark" hagulgol ko sa bisig ni  Kuya,

-

Makalipas ang ilang oras ng pag iyak hanggang ngayon ay umiiyak pa din ako dito sa labas ng Morgue sa hospital kung saan dinala si Reymark hindi ko kayang pumasok kahit nasa loob na ang mga magulang ni Reymark dahil sa hiya at takot na baka hindi ko makayanan na makita siyang ganon nakahiga at walang malay

Ilang minuto pa ang lumipas ay lumabas si Kuya, Chesca at Daddy ni Reymark nagulat ako sa bigla nilang pag sulpot sa harap ko

"Iha pumasok kana sa loob, andon ang Tita mo" sabi sakin ng daddy ni Reymark

"Sir ayoko po hindi ko po kakayanin na makita si Reymark na nakahiga doon at walang malay dahil baka ako ang sumunod sakaniya kaya dito lang po ako" sabi ko

"Issa mas lalong malulungkot si Reymark niyan kung ayaw mo siyang makita gusto mo ba yon ha? Malungkot siyang aalis kasi ayaw mo siyang makita kaya Issa sige na pumasok kana andon si Tita" pag pupumilit ni kuya sakin

Nilingon ko sila pati na din ang tatay ni Reymark na nag bigay lamang ng matipid na ngiti

Bumuntong hininga na lang ako at tumayo pero bago pumasok sa loob ay nag salita ang Daddy niya

"Call me Tito iha, I'm sure Reymark will love to hear that" sabi nito natulala naman ako sa sinabi niya,

"Sige po Tito" ani ko at  pumasok na sa loob ng Morgue

I'm Inlove with a LOL PlayerWhere stories live. Discover now