Chapter 14

146 1 0
                                        

tinakbo na namin sa hospital ngayon sj Reymark, agad na inassist kami ng mga Doctor at Nurses

"Reymark I love you please hold on" sabi ko habang pumapatak ang luha sa mata ko, finally na sabi ko na din kahit walang kasiguraduhan kung nanirig ba niya ito dahil patuloy pa din ang pag tagas ng dugo nito

"Miss hanggang dito na lang po kayo" sabi ng Nurse at pinigilan na ko, hindi ako mag kandaugaga kakaisip na dahil saakin kaya nasaksak si Reymark ni Ace,

Sakto din na dumating si Kuya At Chesca

"Kuya wala pa din siyang malay nasa loob pa din siya ng ER" sabi ko habang umiiyak sabay yakap kay Kuya

"Tinawagan ko na ang Parents niya papunta na sila dito" sabi ni Kuya sakin dahilan kung bakit mas lalo akong umiyak, panigurado magagalit sakin ang mga magulang ni Reymark

Makalipas ang ilang oras ay hindi pa din lumalabas ang Doktor,

"Where is my son?" Tanong ng magandang babae na kadarating lang kasama ang isng matipunong lalakis siguro ay sila na ang mga magulang ni Reymark huhuhu pano na to, Issa mag isip ka

"Tita nasa loob pa din po siya" si kuya na ang sumagot

"What happened to my son?" Tanong naman ng daddy ni Reymark

"Uh- sir k-kasi po" utal utal kong sabi pero naputol din ng tinignan ako ng magulang niya hindi ko alam kung san ako kukuha ng lakas ng loob

"What happened ija tell us" sabi ni Mommy ni Reymark

"Madame kasi po si Reymark hinatid ako saamin tapos pag pasok ko po sa bahay wala pang  5 minuto nakarinig na kami nag nag aaway sa labas ng bahay nakita ko po na si Reymark binubugbog ni Ace kasama ang mga kaibigan niya, iniisip ko pong dahilan ay bukod sakin ay dahil din sa pag katalo sa LOL nila kanina" dire-diretso kong sabi tsaka yumuko bahala na kung mapagalitan o sisihin man nila ko may kasalanan din naman ako

"Dahil sayo? At sa LOL?" Tanong ulit ng Mommy ni Reymark

Sasagot sana ako pero si kuya na ang sumagot

"She's my sister Tita Alyssa may gusto kasi sakaniya si Ace pero si Issa ay may gusto kay Reymark kaya siguro bukod sa LOL ay dahilan din ito ng selos" paliwanag ni Kuya

Nakita ko ang  pag tango ng mga magulang ni Reymark,

"Honey tawagan mo ang kapatid mong general para mahuli na yang Ace ngayon" dikta ng Mommy ni Reymark sabay baling saakin

"Don't worry iha labas ka dito you'll only our witness —" hindi na natuloy ang sasabihin ng Mommy ni Reymark ng biglang  sumabat si Chesca "ako din po ang kasama ni Alyssa Maam titistigo kami parehas diba beshy?" Sabi ni Chesca

"Yes madame" pag sang ayon ko dito bigla naman ngumiti at tumango ito kasabay ng pag labas ni Doc

"Doc how's my son?" Agad na tanong ng Mommy ni Reymark

I'm Inlove with a LOL PlayerWhere stories live. Discover now