Chapter 33
MALAIM ang mga titig na ipinukol ni Avandro kay Lobonia. Nakikita niyang may agam-agam itong nararamdaman sa puso. Nagtatalo ang puso nito at isip sa balak na gawin sa kaharian ng Blackerous. Hindi maikakaila na may damdamin pa ang babaeng lobo sa kanilang hari na si Blackerous. Ngunit dahil sa nilamon na ito ng kasamaan dahil sa pagbitiw ng sumpa nito’y; hinangd na ng babaeng lobo ang kamatayan ng lahat at ang paghahari nito sa buong kaharian ng Blackerous. Hindi naman niya masisisi ang babae sa nararamdamang galit nito at poot.
Sino ba naman ang hindi magagalit sa dalawang tao na naging malapit dito ay pinagtaksilan at siya'y niloko? Kung siya sa sitwasyon nito’y magagalit din siya at magtatanim ng poot, ngunit hindi sa pamamagitan ng paglalagay ng sumpa. Marahil ay iba ang pananaw ni Lobonia kaysa sa pananaw niya.
Kung hindi ba naman kasi nagloko sina Blackerous at Rossia dini sana’y maayos pa rin ang lahat at normla pa rin. Ngunit hindi naman niya naman masisisi ang dalawa dahil nangyari na ang lahat. Isa pa naipaliwanag na sa kanila ni Blackerous ang lahat na isa lamang aksidente ang nangyari; na siyang hindi pinakinggang paliwanag ni Lobonia at naniwala ito sa dinidekta ng isip kaysa sa dinedekta ng puso nito.
Isa nang masamang nilalang ngayon si Lobonia, at ang tanging pag-asa lamang para mabago ang maitim na nitong puso ay ang pag-ibig nito kay Blackerous.
Kailangang magka-usap ang dalawa sa gitna ng labanan. Pero paano iyon? Kung susugod na kinabukasan ang mga alagad ni Lobonia sa kaharian ni Blackerous? Tuluyan na ngang nabago ang propesiya? Ang pinagtatakhan niya’y kung bakit nag-iba; ano ang dahilan?
“Tila yata kay lalim ng ‘yong iniisip, Avandro? Iniisip mo ba kung paanong makatakas sa kulungang iyan para tulungan sina Blackerous at mabalaan sa planong gagawin ko? Huwag ka nang mag-aksaya ng iyong lakas. Hindi ka makakalabas sa kulungang iyan, Avandro. Manonood tayong dalawa sa mahiwagang balon kung ano ang mangyayari sa mga kaibigan mo at sa buong kaharian bukas,” sabi nito sabay halakhak nang malakas na siyang pumuno sa buong silid nito.
“Magtatagumpay ka nga, Lobonia. Pero gusto mo ba talagang patayin ang lalaking pinakamamahal mong si Blackerous at ang kaibigan mong si Rossia? Hindi ba sapat sa iyo ang sumpa mong binigay sa kanila sa loob ng labing walong taon para pagbayaran nila ang kasalanang kanilang nagawa?” hamon niya rito.
Saglit niyang natanaw ang pagkabahala at lungkot sa mga mata ni Lobonia.
Tama si Avandro sa hinala niya. May nakatagong pagmamahal pa rin sa puso nito para kay haring Blackerous at Rossia. Pero saglit lamang iyon at napalitan iyon ulit ng poot at galit.
“Hindi! Niloko nila ako! Hindi sapat ang aking sumpa na ibinigay sa kanila. . . kulang pa iyon sa sakit at pighating pinaranas nila sa akin. Dapat lamang na sila ay mamatay!” sigaw nito sabay hampas nito sa kulungan niya dahilan upang siya ay umalog sa loob.
Napupuno ng galit ang puso nito pero may kabaitan pa ring natitira roon. Kailangan lang na mailabas iyon para matalo ang kadiliman na bumabalot sa puso ni Lobonia. Kung ano ang paraan ay walang ideya si Avandro. Ang tanging pag-asa na lamang nila ay ang Raven Girl.
MALAYO ang tingin ni Rossia sa kawalan habang abala ang mga ibang nilalang na uwak sa pag-ensayo kung paano tatalunin ang mga alagad ni Lobonia. Habang ang ilan ay abala sa pakikinig ng magiging hakbang nila kapag lumusob na ang mga kalaban.
Ang ilang plano ay magtatago sila sa mga patay na puno at susugurin ang mga kalaban. Papaulanan nila ng apoy at itim na kapangyarighan sa pangunguna ni Raven Girl at ng tatlo pang kaibigan nito.
Ang mga alagad ni Gurodo ay siyang maglilikha ng kakaibang tunog na siyang magpapalito sa mga kalaban. Ang mga alagad naman ni Ulang Imoy ay magdadala ng matinding karamdaman sa mga kalaban. At ang mga alagad naman ni Inang puno ay magdadala ng katakutan na siyang magiging dahilan upang mamatay ang mga ito sa hinagpis at pighati. Samantala ang mga alagad ni Avandro ay siyang magpoprotekta sa palasyo. Ang mga uwak na alagad ni Rossia ay siyang makikipaglaban sa mga lobo. Habang sina Raven, Itima, Higante, Beberno, Gurodo, Ulang Imoy at Inang Puno ay haharapin ang apat na malalakas na alagad ni Lobonia. Sina Rossia, haring Blackerous at Jing ay haharapin si Lobonia.
Hindi alam ni Rossia kung gagana ang plano nila lalo na at malalakas ang mga apat na sugo ni Lobonia. Sana ay makayanan nila ang lakas ng mga ito at malampasan ang labanan.
Sana ay walang magbubuwis ng buhay. Ngayon niya lang pinagsisishan ang lahat ng ginawa niya. Kung hindi sana siya nagpalamon sa kanyang inggit at selos noon ay hindi sana nila ito nararanasan. Wala sanang sumpa, sana ay maayos pa ang lahat at magkaibigan pa rin sila ni Lobonia. Hindi sana nagsasakripisyo at nagdurusa ang mga nilalang ng kahariang Blackerous.
Hindi dapat ang anak niyang si Jing ang magbabayad ng kanyang kasalanan. Hindi niya makakaya kapag may mangyaring masama sa anak at sa mga iba pang nilalang.
Matagal na niya naisip na pupuntahan niya si Lobonia at kakausapin. Kung ang buhay niya ang magiging kapalit para lamang maputol na ang sumpa ay gagawin niya. Mailigtas lang ang anak niyang si Jing at ang buong nilalang ng kahariang Blackerous.
Walang kasiguraduhan sa gagawin niyang plano pero hindi niya malalaman kung hindi niya susubukan. Tumayo siya mula sa kanyang pagkakaupo. Napatingin sa kanya ang isang nilalang na nagsasanay—isa sa mga alagad ni Avandro. Ang lalaking mandirigma na may mahabang puting balbas at buhok.
“Mahal na reynang Rossia? Saan po kayo pupunta? Hindi po ba kayo magsasanay sa mga ibang nilalang?” tanong nito.
Ngumiti siya rito. “Magpapahinga na lang muna ako. Pakisabi sa kanila na biglang sumama ang pakiramdam ko. Mamaya ay babalik ako,” naging sagot niya.
Pero alam niyang nagsisinungaling lamang siya.
Humakbang na siya at lumabas ng silid na iyon kung saan nagsasanay ang mga ito.
Hindi na niya paabutin pa ang kabilugan ng buwan. Kailangan niyang makaharap agad si Lobonia bago pa nito mapatay ang anak niyang si Jing o si Raven Girl.
. . .
#TRG
Ate Sari, <3

YOU ARE READING
The Raven Girl
Fantasy"I am the Prince, and you are my raven." Jing Trinidad, an ordinary student, has to face her mission in the Blackerous Kingdom to break the curse and defeat Lobonia. In her journey, there was a secret that she would unfold about her true personalit...