Chapter 3

2.5K 89 3
                                    

Chapter 3

NAPAHAWAK si Jing sa kaniyang ulo pagkatapos ulit niyang magising. Isa na namang pamilyar na senaryo para sa kanya, tila ba siya'y pinaglalaruan.

Inilibot niya ang kaniyang piningin sa buong paligid. Umiling-iling, saka napabuntong hininga dahil sa nasaksihan. Nasa loob siya ng hospital habang nasa tabi niya ang Mama Rossy at ang kaniyang pinsan na si Maggie. Mukhang nakatulugan ng dalawa ang paghihintay sa kanya na magising.

Bakit ganoon? Pakiramdam niya talaga totoo ang lahat ng nangyari sa kaniya kanina at noong mga nakaraang araw? Sa hinuha niya’y hindi lang ito panaginip lahat, kundi totoo ang lahat ng mga nangyayari sa kaniya.

“Ma. . .” tawag niya sa kaniyang ina sabay yugyog sa balikat nito.

Ayaw niya sa hospital--- ito ang pinakaayaw niya sa lahat na lugar.

Nagising naman si Rossy at pati na rin ang kaniyang pinsan na si Maggie. Napatingin ang dalawa sa kaniya na puno ng pag-aalala sa mga mata. Agad siyang niyakap ng mga ito. Ang Mama Rossy niya ay napaluha dahil sa saya na makitang ayos lang siya.

“Oh, God! Gising ka na rin anak.”

“Insan, ano ba ang nangyari? Buti nakita kita roon sa gilid ng kalsada na walang malay at nadala ka agad sa hospital.”

Umiling siya. “Hindi ko alam kung bakit nawalan ako ng malay. Hindi ko maintindihan."

Huminga nang malalim ang ina saka siya hinalikan sa noo. “Sabi ng doktor, wala ka naman daw na sakit. Nawalan ka lang siguro ng malay dahil sa sobrang pagod at kulang ang tulog mo nitong mga nakaraang araw.” Hinawakan nito nang mahigpit ang kamay niya. “Huwag mong pababayaan ang sarili mo anak. Ingatan mo naman ang sarili mo.”

Tumango siya sa sinabi nito na iyon. “Opo, Ma. Salamat at pumunta ka ngayon dito. Pati na rin ikaw insan, salamat sa iyo.”

Niyakap niya si Maggie nang mahigpit. Nginitian niya ang dalawa. “Ma, umuwi ka na po sa bahay at mamahinga. Huwag mo na po akong alalahanin. Okay na po ang pakiramdam ko.” Bumaling naman siya kay Maggie. “Sabay na rin tayong pumunta ng school, insan.”

Tumayo na siya mula sa kaniyang kinahihigaan. Alam niyang okay na siya at wala nang mangyayari sa kaniyang hindi maganda. Pero kahit na ganoon, hindi pa rin mawala sa isipan niya ang nangyari kanina. Paanong lahat ng iyon nangyari?

Inalalayan naman siya ng ina at pinsan sa pagbaba mula sa kama.

“Sure ka anak? Kaya mo na talaga?” tanong sa kaniya ng ina na ikinatango niya naman.

Hinawakan niya ang kamay nito. “Oo naman, ‘Ma. Kayâ, huwag ka na pong mag-alala sa akin.”

Tumango naman ito at wala nang nagawa pa.

Lumabas sila ng silid saka pumunta sa information desk para mag-out.

Naghiwalay sila ng daan ng kaniyang Mama Rossy. Sumakay na ito sa motor samantalang sila ni Maggie ay naghintay ng jeep na masasakyan papuntang school.

“Bye, ‘Ma!” Kumaway pa siya rito pagkatapos. Ganoon din ang ginawa nito, kumaway rin sa kaniya pabalik.

Sila naman ay sumakay na ng jeep nang may huminto sa kanilang harapan. Nang makasakay na sila ay napatingin siya sa kaniyang kaharap na pasahero. Hindi niya alam kung ano ang maramdaman sa mga oras na iyon. Pagkakita niya sa lalaki ay hindi niya maintindihan ang sarili. Bigla siyang nabahala at nabalisa  nanlumikot ang kung anong laman sa loob ng kaniyang tiyan.

Nakasuot ang lalaki nng kulay itim na jacket na may hood sa ulo, dahilan upang matabunan ang mukha nito. Idagdag pa ang nakalugay na kulay itim na itim nitong buhok sa harapan--- hanggang leeg iyon. Kung hindi ito pakatitigan nang mabuti mapagkamalan itong isang babae. Pero dahil sa suot at postura na sinisigaw ay nalaman agad ni Jing na isa itong lalaki. Napatingin siya sa suot nito na pantalon at sapatos na puro itim din. Hindi niya na lang pinansin ang lalaki at itinuon ang paningin sa unahan kung saan nakaupo ang driver.

Ilang minuto ang lumipas at nakarating na rin silang dalawa ni Maggie sa harapan ng school. Hindi naman kasi sila nag-aaral sa private kundi sa public. Kahit na may malaking sweldo ang kaniyang ina ay hindi naman siya magarbo. Kailangan din niyang magtipid sa buhay. Isa pa scholar din naman siya, kayâ wala na ring problema, utak nga lang at sipag ang puhunan.

Agad silang bumaba ni Maggie ng jeep pagkatapos mag-abot ng bayad sa driver. 

“Insan, kita na lang tayo mamaya. Punta na ako sa klase ko. Mag-iingat ka.” Paalam sa kaniya ni Maggie.

Tumango siya saka ngumiti rito. “Sige, insan. Salamat ulit. Mag-iingat ka rin!”

Naghiwalay na sila ng daan na dalawa. Sa kanan siya at ito naman ay sa kaliwa. Iba kasi ang strand na kinuha ng kanyang pinsan kaya hindi sila magkaklase. STEM kasi  siya samantalang ang pinsan niya ay HUMSS.

Huminga siya nang malalim saka dinama ang malamig na simoy ng hangin. Napatigil sa paglalakad nang maramdaman ang presenyang may sumusunod sa kaniyang likuran.

Lumingon siya't ganoon na lamang ang pagkasinghap nang makita roong nakatayo ang lalaking nakaitim kanina sa jeep. 

“Anong. . .”

Hindi niya nagawang makapagsalita pa nang makita niya kung gaano ito kabilis pumunta sa kaniyang harapan at hawakan siya sa kanang kamay.

Pagsayad pa lamang ng kanilang mga palad ay may kakaibang mahika ang naramdaman niya. Sa kabiglaan ay lumayo siya mula rito.

“Sino ka?” halos pabulong niyang tanong sa lalaki.

Hindi niya pa rin nakikita ang mukha nito dahil sa hood nitong suot at bangs ng buhok na nakalugay.

“Savior.” Isang malamig at malalim ang tinig nito, parang kahit na sino ay mapapatigil at mapapaintriga kung sino ang nagsalita, dahil sa sarap ng tinig nito sa pandinig.

Umiling siya, isang beses pa hanggang sa unti-unti siyang lumayo mula rito.

“Hindi, hindi kita kilala. You are a stranger!”

Pero kahit na ano ang gawin niyang paghakbang palayo ay naabutan pa rin siya nito.

“Hindi mo matatakasan ang tadhana mo, Jing Trinidad. Ikaw ang pinili ng mga uwak. Hinding-hindi mo iyon maipagkakaila. Hinding-hindi mo ako matatakbuhan. Hahabulin at hahabulin kita. Dahil ikaw ang itinadhana sa akin, ikaw ang pinili ko.”

Sa hindi niya malaman na dahilan bigla na lamang bumilis ang tibok ng kaniyang puso. Sa isang iglap nahawakan nito ulit ang kaniyang kamay at ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata niya nang may lumabas na itim na itim na pakpak sa likod ng lalaki.

“I’m the prince, and you are my raven.”

The Raven GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon