Panglima

3.8K 102 5
                                        

Mula sa kanyang nanlalabong paningin ay napabalikwas si Misty nang maaninag ang animo'y kulay pulang likido na ngayon ay kanyang hinihigaan. Nanginginig na itinaas niya ang kanyang mga kamay, punong puno iyon ng dugo. Hindi siya makagalaw sa kayang mga nakikita. Buong akala niya'y panaginip lamang ang lahat ngunit hindi, bangungot iyon. Totoong totoo ang mga nangyari.

Ibig sabihin...

"Huuuuuh.. Haaaaah.... Huuuuh....Haaaaah"

Napalingon si Misty nang marinig ang malalalim at malalakas na paghinga na iyon. Nakakakilabot. Ramdam niya ang panghihina at paghabol ng hininga nito. Tila nanggagaling iyon sa kabilang bahagi ng kanyang kama. Napansin rin niya ang ilang patak ng dugo papunta sa kung saan. Nang sundan niya iyo'y lalong lumalakas ang naririnig niyang marahas na paghinga na iyon. Ngunit nang andun na siya'y wala siyang nakitang kung ano. Wala na rin ang malalakas na paghinga.

Asan na yun?

Luminga linga siya ngunit wala siyang nakitang kung ano. Nang tumingin siya sa sahig ay wala na ang mga dugo. Binalikan niya ang lugar kung saan siya gumising, wala na ring bakas ng dugo roon. Pati sa bintana, wala na rin. Kinapa niya ang kanyang damit, tuyo iyon at hindi nabasa ng kung ano. Sunod niyang  tiningnan ang kanyang mga kamay, wala na rin.

Shit? Ano yun? Imagination ko? Imposible... Tangna!

Hinihingal na napaupo na lamang siya sa gilid ng pintuan na mailap ang mga mata. Mabilis niyang binuksan ang malaking ilaw sa kanyang kwarto. Hindi na niya magawa pang makatulog.

Bwisit.. totoo ba yun o namamalikmata lang ako? Gising naman ako..

Kinurot niya ang kanyang sarili, siguradong gising siya. Naiiyak na siya sa takot. Hindi niya alam ang mga nangyayari. Hindi naman siya pwedeng lumabas ng kanilang bahay. Siguradong mas nakakatakot doon. Madilim.. Wala na siyang lakas upang gumalaw. Tila naupos siya bigla, Kaya uupo na lamang siya at pagmamasdan ang paligid.

"Misty.."

Awtomatikong napatayo siya nang marinig ang napakahinang bulong na iyon. Nilingon lingon niya ang paligid pero wala siyang nakita. Lumayo siya sa likod ng pintuan saka bumalik sa kanyang kama. Kinuha niya ang maliit na vase sa gilid ng kanyang kama saka iyon inihagis sa bandang pintuan. Basag na basag iyon.

"GAGO KA! SINO KA? MAGPAKITA KANG GAGO KA TINATAKOT MO KO!"

Sumigaw siya upang mailabas niya ang takot at mabawasan ang panginginig na kanyang nararamdaman. Hingal na hingal siya na tila galing siya sa isang napakahabang pagtakbo. Naramdaman niyang lumamig ang paligid. Lalo siyang kinabahan nang biglang mamatay-sindi ang malaking bumbilya sa taas ng kanyang kwarto. Napaupo siya saka kinuha ang kanyang unan at tinakip iyon sa kanyang batok.

"GAGO KA! WAG MO KONG TAKUTIN!"

Naiiyak na hiyaw niya habang nasa ilalim pa rin ng unan. Mahigpit niya iyong hawak na akala mo'y may kukuha niyon. Ngayon ay biglang tumaas ang mga balahibo sa kanyang mga braso nang tila maramdaman niyang may nakamasid sa kanya. Nakakakaba. Naririnig na lamang niya ang tibok ng kanyang puso. Hindi niya magawang lingunin iyon, kinikilabutan siya. Hindi niya tiyak kung makakaya niya kung anu man ang makita niya. Nanginginig ang buo niyang pagkatao. 

SAYEHWhere stories live. Discover now