7 Deadly Sins 38

2.8K 92 16
                                    

7 Deadly Sins 38

*

“Wala dito ang anak ko.”

Tatlong araw nang hinahanap ni Dione si Bridgette. Tatlong araw na siyang pabalik-balik sa bahay nila para hanapin ito ngunit parehong sagot ang nakukuha niya. Bridgette isn’t there.

Nakahalukipkip lang ang kanyang tito Vince sa may hamba ng pintuan ng kanilang bahay. “Gustong-gusto kitang bugbugin alam mo ba ‘yon?”

Hindi na kataka-taka para kay Dione kung umabot man sa kanilang mga magulang ang ginawa niya kay Bridgette. Saka inamin rin naman niya ang kanyang nagawa sa kanyang mga magulang. His mom just hugged him and murmured, ‘Everything will be alright son.’

Sa isiping ‘yon ay mas lalo siya nakunsensya. His mother have been very supportive to him. Alam rin naman niyang galit ang kanyang mga magulang sa ginawa niya. Hindi nga lang nagkumento pa ang mga ito nang makita kung gaano kalaki ang kanyang pagsisisi sa nagawa.

“I’m sorry tito.” ‘Yon lang ang nagawang sabihin ni Dione.  He’s very sorry. He has been regretting everything the moment his emotional break down subsided. Lasing na lasing siya noon at hindi na niya nagawa pang kontrolin ang sarili. He knew very well. What he did to Bridgette was too much.

“Tell me Dione. What did you gain? Did it suffice anything?”

Mas napayuko si Dione dahil sa labis na hiya. Hindi, hindi nawala ang sakit na naramdaman niya. Bagkus ay mas lumala pa ‘yon dahil sa isang bagay na napatunayan niya nang gabing ‘yon. And every moment he close his eyes, bumabalik lang sa ala-ala niya ang pagsamo at pag-iyak ni Bridgette. Sinaktan niya ng sobra ang babaeng pinakamamahal niya. Nabulag siya sa galit at selos. “Please tito, intindihin niyo rin naman po ako. That time, I was just hurt because-“

“Anong gagawin mo kung ginawa talaga ‘yon ng anak ko?” Vince cut him.

Hindi makasagot si Dione. Hindi niya kailanman naisipang sagutin ang simpleng katanungang ‘yon. Ano nga ba? Matapos ang mga masasakit na salitang ibinabato niya kay Bridgette ay hindi niya kainlanman naisip kung ano nga bang gagawin niya? Hindi niya naisip dahil alam niya at sigurado siya sa mga nakita niya nang gabing ‘yon.

More than one year ago.

It was almost 10 in the evening. Naka-receive si Dione ng notification sa phone niya. Mabilis na pinindot niya ang application na siya mismo ang nagdesign at nagprogram. A dot immediately appeared. It is moving. Bridgette is moving!

Napangiti na lang si Dione. His design never failed him. Specialized application ito na siya lang ang nakakaalam. Ginawa niya ito para mabilis na matrack si Bridgette. Lahat ng pinupuntahan ng dalaga ay alam niya. Lagi lang siyang nakasunod dito. Obsessed mang matatawag but Dione won’t deny it. He’s an avid stalker of Bridgette. Mahal niya ito mula bata pa sila.

Mabilis at maingat siyang lumabas sa kanilang bahay. Umikot siya para puntahan ang kanyang sasakyang red Mazda MX5 ND na nakatago malapit lang sa kanilang bahay. Walang nakakaalam na sa kanya iyon. Sinadya niya iyong itago para hindi siya mabisto ni Bridgette. Ito kasi ang ginagamit niya lagi sa t’wing susundan niya ito.

His forehead creased when he saw the dot stop in a familiar place. ‘Anong ginagawa niya sa lugar na ‘yon sa ganung oras?’ And of all the places, why Eno’s Condo Unit?

Mas nagtaka siya dahil nang marating niya ang lugar ay nakita niyang tumatakbo palabas ng building si  Leigh. Leigh is Eno’s girlfriend at umiiyak ito!

He was calling her name but Leigh didn’t seem to hear it. Dirediretso lang ito sa pagtakbo. Dione wanted to go after his cousin but his curiosity about the reason of Bridgette being there was killing him. He just sighed. Nang maiparada niya nang maayos ang kanyang sports car ay mabilis niyang inakyat ang condo ni Eno.

Seven Deadly SinsDove le storie prendono vita. Scoprilo ora