Grizzly Bear's Sin: Sloth
*
Sidd's POV
*
1 year ago.
Everything bores me. Reading, studying, talking, and even eating. This is me. I'm lazy and I always slack. I don't really care about anything.
"Alexander Sidd! Tanghali na!" narinig ko ang pagsigaw ni mommy sa loob ng kwarto ko. There's the nagging again. Narinig ko ang pagbukas ng pintuan ng kwarto ko.
"Bumangon ka na Sidd. Mahahambalos na talaga kita diyan!" Sigaw ni mommy. Pss, angsakit sa tenga!
"Mom, why are you so grumpy." Pupungas pungas kong turan saka tinatamad na bumangon.
"It's early in the morning, sige ka, bibilis kang tumanda diyan, iiwan ka ni daddy." I joked saka nagmulat na ng mata at ngumiti ng bahagya nang makita ko ang halos umusok nang ilong ni mommy. What she hated the most is when the topic is about being old.
"Tigil-tigilan mo ako diyan sa mga patutsada mong 'yan Alexander Sidd at talagang malilintikan ka na sa akin. Anong, early mo diyan! Alas-onse na oy!"
"Ma! Stop calling me by my whole name! Angsakit sa tenga! Saka, early pa ang alas-onse, wala namang pasok ah." I groaned when I felt my system's desire to sleep more. And who am I to decline. I closed my eyes then went back to my comfortable bed again.
"Ewan ko ba sa'yong bata ka! Hindi naman tamad si Daddy mo, at mas lalong hindi ako tamad! Kanino ka ba nagmana ha?" Naiinis na sigaw ni mommy. Napangiti na lang ako nang maramdaman ko ang unti-unting pagkawala ng kanyang presensya habang patuloy parin sa pagsasalita.
"Aalis pa sana ta'yo ngayon, pupunta kami kina Audrey. Balita ko dumating raw 'yong bunso nila galing Russia. They eveninvited us for a lunch."
My eyes immediately flew to the closed door of my room. Hindi ko alam kung pasadya bang ipinarinig ni mommy 'yon but it made my world filled with fireworks and flowers and musics. Did I hear it right?
'Adrianna's back. My beloved angel is back!'
Agad akong napabangon at lumabas na ng kwarto.
"Ma!" Sigaw ko. Mahirap nang maiwan.
Agad ka silang nabungaran sa sala, nakaupo habang nakangisi sa akin. Dad is back-hugging mom. Naka-ayos na rin sila't halatang hinihintay talaga ako roon. Nakakasuka silang tignan. Angtatanda na pero kung makalingkis sa isa't isa parang mga teenager.
"Huli!" Mommy smirked at me. She really knows me from head to foot. Nakakaasar!
"Mom! Stop teasing me!" I scowled.
"Pss, 'yan lang naman ang alam kong paraan para mapalabas kita sa lungga mo ah? Dahil higit pa sa sigurado, hindi ka lalabas ng kwarto mo hanggang gabi." Mom stated. Napabusangot na lang ako.
"Alam mo kuya ang tibay talaga ng sikmura mo," I heard Alyanne uttered. Nasa likuran ko siya.
Naramdaman ko ang paglalakad niya na nilagpasan ako at saka tumabi kina Mommy habang nakabusangot na nakatingin sa akin.
"Ano na namang problema mo ha?" Iritang baling ko sa kanya.
"Yang patpatin mong katawan, ipinarada mo na naman dito sa bahay. Mahiya ka naman! Wala ka ba'ng mas matinong damit kaysa sa boxer brief na suot mo ha, kuya?" taas kilay niyang tanong sa akin.
"Ano ba'ng masama sa suot ko? At hindi ako patpatin! Can't you see my abs?" I grimaced. Hindi ako patpatin.
"Abs kuya? Tinatawag mong abs yan? Asan? Di ko mahanap. At magdamit ka ng maayos, ilang beses na tayong nagpapalit ng maid sa bahay, lagi na lang nangingisay sa di malamang dahilan kapag nakikita ka. May Aids ka ata eh o di naman kaya Ngisay Virus!" Walang tigil na sabi nito. Natawa na lang rin ako sa Ngisay Virus na pinagsasasabi niya.

YOU ARE READING
Seven Deadly Sins
ActionIt is the sequel of Demon Princess: The Gangster Queen ----- Teaser: "You won't beg." It's more of a statement than a question. "Begging is useless. You won't listen anyway and I'm not afraid of death." She manage to smile sweetly kahit pa man nakak...