7 Deadly Sins 33

2.3K 75 9
                                    

7 Deadly Sins 33

*

Hindi halos makapaniwala ang dalawa na nasa Taiga sila. The largest forest in the world which starts from the Eastern of Russia and spreads till America.

"Papaanong-"

"Don't ask us Rage. Ikaw ang dahilan kaya kami naririto ngayon." Darius cut Rage before she could even finish her sentence.

"Hindi mo na kailangang ipaalala ang katangahan ko ngayong araw Tyler." Naiiritang wika ni Rage.

"Saka na kayo magsisihan. Problemahin muna natin kung paano tayo makaka-alis ng ligtas dito sa gubat na 'to." Awat ni Andrei sa dalawa.

"What now?" Rage asked. Ni isa sa kanila ay walang ideya kung saan sila tutungo.

"We don't have any compass with us. All we have is your useless bombs." Balewalang turan ni Andrei na nakapagpa-init lalo sa ulo ni Rage.

"Gago!" Rage hissed.

"That's the West. And basing from the time since we took off, we might be at the eastern part of the Forest." Darius pointed the sun which is about to set.

"You're about to bring us to Russia. Am I right?" Mariin na tinitigan ni Darius si Rage na namutla bigla.

"Your boss is there right?" Muli ay tanong niya rito pero hindi sumagot ang dalaga.

"Huwag muna 'yan ang unahin mo Emp. Ang problemahin natin ay kung saan ngayon ang North o South. Hindi tayo pwedeng magkamali ng direksyon dahil baka mas mapalala pa 'tong sitwasyon natin." Andrei said.

Following the East will bring them to the Pacific Ocean at hindi pwedeng doon sila dahil dead end ang parteng 'yon. Going West will bring them to Mongolia, South will be China and North will be Russia.

"We're going West." Darius said with finality.

"Are you sure with that Emp?" Andrei asked. Tumango lang si Darius bilang tugon.

"S-Sandali." Ceza stopped them. Kunot noong napatingin ang tatlo sa kanya.

"H-Huwag diyan." Ceza said.

"Bakit naman? That's the safest route Blaire." Andrei said.

"Kahit saan tayo pumunta, papatayin ko rin naman kayo kaya gora na!" Parinig ni Rage pero walang pumansin rito.

"Why?" Darius simply asked dismissing Rage' sentiment.

"That direction is a dangerous path." Ceza said. Makikita sa itsura ang dalaga na tila siguradong sigurado ito sa sinasabi niya.

"How did you know?" Darius asked.

"Kabisado ko ang lugar na ito. Going west is a forty days travel walk. Puno rin 'yan ng mga lobo at minsan may lion rin." Paliwanag ni Ceza.

"Paano mo naman nalaman 'yan aber?" Pinaningkitan ni Rage si Ceza pero nanatili lang na maamo ang mukha nito at nahihiyang itinuro ang isang malaking pine tree sa di kalayuan.

"I have been here. May mga iniwan akong palatandaan sa lugar na 'to. Tumira ako sa lugar na 'to ng halos isang taon." Nahihiyang paliwanag ni Ceza.

Hindi halos makapaniwala ang tatlo sa narinig. 'Imposible' 'Yan ang salitang nasa isipan ng tatlo sa mga oras na 'yon. Living in the forest is impossible especially when alone. Malamig ang kagubatan at gaya nga ng sinabi ng dalaga, maraming lobo doon. The possibility of meeting bears are also high. Imposibleng buhay pa siya kung nagkataon.

But then Darius remembered something. Ceza once said that she experienced living in a forest. Still he don't believe her.

Nabaling ang atensyon nila sa punong itinuro ni Ceza. Magkakasunod na naglakad ang tatlo para lapitan ito. Doon nakita nilang may nakaukit rito. Two perpendicular lines were there. Ang pinaka taas ay nakaturo kung saan sumisikat ang araw. Ang baba naman nito'y sa kanluran nakaturo at may naka-ukit na mga numero sa bawat dulo nito. 28 ang nasa taas, 40 sa baba. 1 sa kaliwa at ang kanan ay 17. All of them assumed that those numbers are days to travel before getting to the nearest settlement.

Seven Deadly SinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon