7 Deadly Sins 4
*
THREE YEARS AGO:
"Damn it!" Bugnot na bigkas niya bago ibinato ang hawak na cellphone. Na-iinis ito dahil bagong lipat pa lamang sa kanyang pamamalakad ang Gangster Underworld pero napakarami na niyang gusot na kinakaharap. He's just 15 yet he already have to handle such a big responsibility.
"O-ouch!" Natigilan siya sa panggagalaiti nang marinig niya ang isang malamyos na hinaing at base sa tinig ay boses ito ng babae.Tumingin siya sa direksyon ng pinagbatuhan niya at duon ay may nakita niya ang bulto ng nakatalikod na babae at sapo-sapo nito ang ulo na sa tingin niya ay tinamaan ng cellphone na ibinato niya.
Napamulagat na lamang siya nang lumingon ang dalaga. She's indeed beautiful at talagang na-starstruck pa itong napatitig sa kanya. Hindi gaanong mahaba ang kulay tsokolateng buhok nito ngunit maayos at bumagay ang mga iyon sa bilugang mukha nito na sinamahan pa ng mapupungay na pares ng hazel brown na mata. Her lips were luscious pink at maganda ang hubog ng katawan nito sa kabila ng edad nitong sa tingin niya ay ka-edad lamang niya.
Sa tingin niya ay bago pa lamang ang dalaga sa Empire University dahil liban sa hindi siya pamilyar sa mukha ng babae ay tumapak pa ito sa lugar kung saan ay off-limits ang ibang estudyante. Ito ang lugar kung saan maski ang mga kaibigan niya ay hindi pa nakakarating doon.
"Ikaw ba yung nambato nito?" Tanong ng di kilalang babae na walang kangiti-ngiti sa kanya habang hawak ang cellphone niya kaya't natauhan siya at agad na ibinalik ang kanyang bugnot ekspresyon.
"And what will you going to do if I'm the one who throw that?" Matiim na sagot nito sa kanya ngunit pakiramdam niya ay tumigil ang pag-ikot ng kanyang mundo nang ngumiti ito ng matamis sa kanya. It's an innocent yet warm genuine smile.
"Your sorry can be more than enough mister-"
"Darius Kohen Tyler." Hindi niya namalayan na naipakilala na nito ang sarili sa dalagang nasa harapan niya kaya't mas nainis siya sa sarili sapagkat ngayon lamang nagkaganun ang reaksyon niya sa isang estranghero.
"An apology is enough already Darius." Sagot ng dalaga na unti-unti ng nakalapit sa kanya dala-dala parin ang ngiti nito kasabay ng pagnining-ning ng kanyang mga mata.
"Sorry." Natitigilang naisagot ni Darius sa babaeng kaharap.
Mahal ang sorry para sa kanya kahit pa man siya ang may kasalanan ay minsanan lang siya humingi ng tawad yet indeed he just apologize with the woman he just met. Higit sa lahat ay ito pa lamang ang tumatawag sa kanya ng Darius dahil karamihan ay Emp ang tawag sa kanya at ang kanyang pamilya ay Kohen naman ang tawag sa kanya.
"Apology accepted." Nakangiting sagot ng dalaga sa kanya tsaka iniabot kay Darius ang cellphone nito. Hindi man lang napapalis ang ngiti nitp na tila ba ang pagsimangot ay wala sa kanyang bokabularyo.
"W-what's your name." Na-uutal na tanong ni Darius sa babae.
Maraming dalaga ang naghahabol sa kanya at gustong magpakilala but it's his first time to treat a woman like that. Lahat ay nakakaranas ng pagiging masungit at suplado niya ngunit sa pagkakataong iyon maliban sa kambal, kaibigan at pamilya niya ay ang dalaga ang kauna-unahang tao na trinato niya ng ganoon. She was his first love. And it was a love at first sight.
"I'm Sapphire Athaliah Wagner, Saphy for short." Nakangiting pagpapakilala ng dalaga sa kanya.
*
BLAIRE's POV:
I walk on the alley with my usual attire and slutty expression. Wala namang nagbago mas tumindi lang ang tingin at atensyong ipinupukol sa akin ng lahat. I learned to just ignore it though naiilang talaga ako nung una.

YOU ARE READING
Seven Deadly Sins
ActionIt is the sequel of Demon Princess: The Gangster Queen ----- Teaser: "You won't beg." It's more of a statement than a question. "Begging is useless. You won't listen anyway and I'm not afraid of death." She manage to smile sweetly kahit pa man nakak...