Ang daming kabataan ang nahuhumaling ngayon sa ipinagbabawal na gamot na kadalasan ay marijuana.
Ano ba ang napapala nila kung gagamit sila noon? Nakakapagpalakas ng loob? Para kang timang! Nakakahigh kaya iyon kaya tiyak na lutang ka kapag sinubukan mo iyon.
Sabi ng teacher namin noong high school, may mga kabarkada raw siyang gumagamit nito at tinawag siya. At dahil hindi siya makatanggi sa mga ito, sinubukan niya itong gamitin.
Nang subukan niya raw ito, tila umiikot ang kaniyang mundo. Tapos hindi raw siya makatulog at kung anu-ano ang pumapasok sa isipan niya.
Marami naman akong kabataan na nag-aaddict din! Yung iba, humihithit ng rugby, yung iba, gas naman, yung iba katol at ang matinda pa, pati cutics ay pinatulan na.
Nakakalungkot lang dahil ang daming kabataan na napapariwara ang buhay. Sana, tulungan natin silang magnagong buhay.
Sabi ni Dr. Jose Rizal, "Ang kabataan ang pag-asa ng Bayan." Pero tingnan mo ang mga kabataan ngayon, sa tingin niyo ba matatawag pang pag-asa ng Bayan ang mga iyan lalo na't pariwara na masyado ang kanilang mga buhay?
Kaya magtulungan tayo para mabago natin ang buhay ng isang kabataan.
Kabataan din ako, 17 na ako at Servant ako ni God. Gusto kong tulungan ang mga kabataan na magising sa katotohan hindi yung nabubuhay tayo sa kasinungalingan o maling pamumuhay.
Seek God! At tiyak na siya ang mangunguna sa buhay mo.
Kaya mga kabataan na katulad ko, kung mahal niyo ang buhay niyo, pahalagahan niyo ito at huwag niyong sayangin.
Ang buhay natin ang pinaka precious gift na ibinigay ni God sa atin kaya pahalagahan natin ito at huwag sayangin.
Tula ko..
Ipinagbabawal na Gamot
By risingservant
Nang dahil sa Barkada
Naudyukan ka nila
Masayang gawain ay natutunan mo rin
Hanggang sa sinusinod mo ang lahat ng sabihin nila na parang alipin
Tinuruan kang uminom at maglasing
Pati humithit ng sigarilyo kahit na ika'y magkandabahing
At ang nakakalungkot pa rito
Pati ipinagbabawal na gamot ay pinag-aralan mo
Ika'y naging naging mabisyong tao
Naging addict pa't nakatambay lang sa kanto
Dulot ng gamot na sinubukan mo
Hindi ka na nakuntento kaya hinahanap-hanap mo na ito
Ang buhay mo'y napariwara nang dahil sa katigasan ng ulo
Pero habang maaga pa ay maaari ka pang magbago
Talikuran ang lahat ng iyong bisyo
At mamuhay sa mundo kapiling si Cristo
I hope na nagustuhan niyo po ang aking mumunting tula. Isabuhay po natin ito at let's spread the word of God.
-------------------------------------------
Elmo's Note:
Salamat po sa patuloy niyong pagsubaybay dito. I hope na marami kayong natutunan kaya ibahagi sa iba ang natutunan niyo.
Comment and Vote po!
Salamat!
Word of God
"Kapag ikaw ay lumalakad sa apoy, hindi ka masusunog; at hindi ka tutupukin ng apoy."
-Isaias 43:2
Ang paraan ng Panginoon para pabanalin tayo ay padaanin sa 'nag-aapoy' na mga pagsubok.
Copyright © risingservant
All Rights Reserved 2014

YOU ARE READING
Lord, Patawad
SpiritualLahat tayo ay makasalanan Hindi ito natin maiiwasan Ngunit buksan ang isipan Nang magising sa katotohanan -Kuya Elmo Bakit nga ba tayo nagiging makasalanan? Dahil na-impluwensyahan? Na tukso? Etc. Pero kaya ba ng konsensya niyo na araw-araw, oras-or...