Ten - Panghuhusga

856 89 13
                                    

Naku naku naku! Hahaha! Eto na yata makakarelate ang lahat.

Nanonood ba kayo ng Mirabella? Yung babaeng puno? Ano masasabi niyo? Oops, huwag manghusga! Haha!

Huwag po tayong manghusga ng tao. Huwag titingin sa panlabas na anyo.

Ayoko ng magbigay detalye pa. Alam niyo na ito! Malalaki na kayo haha!

Tula ko..

Betty Lafea

By risingservant

Oh Betty Lafea

Ika'y napakasaya

Kahit ika'y hindi maganda

Kuntento ka naman kung ano ang mayroon ka

Huwag mong isipin

Huwag mong damdamin

Hindi lang nila mapansin

Na sila'y may kapintasan din

Sa kilay mong kay kapal

Alam kong ika'y may dasal

Sa buhok kay sukal

Pinapatungan ng balabal

Lahat ng tao'y pantay-pantay

Bawat isa'y may gabay

Kaibigan mo'y kaagapay

Kaya huwag mawalan ng malay

Ang corny ng ginawa kong tula haha! Sana ay nagustuhan niyo kahit papaano.

-------------------------------------------

Elmo's Note:

Sana po ay marami kayong natutunan. Isabuhay niyo po! Thanks!

Comment and Vote po!

Salamat!

Word of God

"Ang pagtingin natin sa bawat tao ay hindi na batay sa sukatan ng tao."

-2 Corinthians 5:16

"Kung nagtatangi kayo ng tao, kayo'y nagkakasala."

-Santiago 2:9

Ang nilalaman ng puso ang siyang mahalaga.

Ang tunay na pag-ibig ay hindi naghihintay ng anumang kapalit.

Copyright © risingservant

All Rights Reserved 2014

Lord, PatawadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon