Eleven - Panlalamang

987 94 17
                                    

Medyo tinatamaan ako dito sa topic natin na ito. Hindi ko alam kung bakit pero ganun talaga eh haha! Joke lang!

From the word itself, PANLALAMANG! ako'y tinatamaan hehe! Pero nagbago na po ako Glory to God!

Malamang lahat ng tao ay nagawa na ito. Maski ako, inaamin ko at mamaya ay ikukuwento ko.

Ok eto na, ikukuwento ko na lang ang tungkol sa akin dahil wala akong maisip na sasabihin hehe!

Dalawa lang kaming magkapatid tapos ako yung mas matanda. Haha, natatawa ako dito!

Everytime na mag-uuwi ng pagkain yung Parents namin eh syempre nag-uunahan kami ng kapatid ko sa pagkuha ng pagkain haha!

Halimbawa, nag-uwi yung Mommy ko ng Empanada. Eh 5 yun so bale ang hatian ay 3 yung sa akin tapos sa kapatid ko ay 2 lang hehe!

Mali po itong gawain! Dapat ay hating kapatid! Dapat ay dalawa't kalahati yung sa akin at ganun din sa kapatid ko. Ang reason ko kasi ay mas matanda ako kaya dapat mas madami yung akin. Mali po iyon!

Panlalamang po iyon sa kapwa mo! Be fair po dapat sa lahat ng bagay. Kaya po ngayon ay natuto na ako hehe!

Sana ay huwag niyo akong gayahin. Nagbago na ako kaya magbago na rin kayo!

Lord Patawad, humingi tayo ng kapatawaran pati malinis tayo sa ating kasalanan.

Panlalamang

By risingservant

Ayan lang ba ang alam mo?

Ang manlamang ng kapwa tao?

Hindi ka pa rin ba kuntento?

Kahit lahat na ay nasa iyo?

Mag-isip ka naman minsan

At huwag managasa na lang

Gusto mo bang pukpukin kita ng kaldero?

Para ika'y magpakatotoo?

Maging pantay ka naman

Mayroong blessings na sayo nakalaan

Kaya maghintay ka lamang

At huwag umaktong parang mang-mang

Ang sarap makita

Lahat ng tao'y nagkakaisa

Kahit saan ka man pumunta

Pagmamahal ay dama sa tuwina

Panlalamang sa kapwa'y ipuksa

Nang maging mabuting halimbawa

Hindi lang sa salita

Kundi pati na rin sa gawa

Ok, sana po ay nagustuhan niya ang aking mumunting tula na tula nga ba kung matatawag haha!

-------------------------------------------

Elmo's Note:

I hope po na kahit papaano ay may natutunan kayo hehe!

Comment and Vote po! Salamat po!

Word of God

"Ituro mo sa mayayaman na huwag silang magmataas."

-1 Timoteo 6:17

Kung tayo'y biniyayaan ng maraming kayamanan

Dapat mayaman din sa paggawa ng kabutihan

Pagiging bukas-palad, nais ng Diyos sa atin

Upang nangangailanga'y matulungan natin

-Sper

Ang kayamanan ay magiging pagpapala lamang kung ibabahagi ito sa iba.

Copyright © risingservant

All Rights Reserved 2014

Lord, PatawadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon