Imbisibol Part 41

7.6K 301 31
                                    

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

Imbisibol

Season 2

AiTenshi

Sep 16, 2016

Part 41

"Mag kape ka muna tol." ang wika ni Kerby noong tumabi ito sa akin sa waiting area ng ospital.

"S-salamat." ang tugon ko.

"Huwag kana umiyak, magiging maaayos rin si Rycen. Kanina lang kita nakitang humagulgol ng sobra sobra. Ganun pala kahalaga yung gagong iyon sa iyo." ang salita nito sabay akbay sa akin.

Hindi naman ako sumagot. Tumingin lang ako sa kanya at binawi ko rin ito kaagad. "Maayos rin ang lahat tol. Tiwala lang." bulong niya.

Habang nasa ganoong posisyon kami ay dumating naman si Gabby dala ang isang supot ng gasa at band aid. May dala rin itong tsinelas na naka plastic pa. "Stable na ang lagay ni Rycen. Natahi na rin yung saksak sa tagiliran nya. Maliit lang naman iyon kaya't hindi siya napurohan. Ang nakapag pahina sa kanya ng todo ay yung mga suntok sa sikmura niya dahilan para mawalan ito ng malay." paliwanag nito sabay abot ng subot ng first aid kit sa akin. "Para sayo naman ito Jopet, gamutin mo na iyang paa mo bago pa pasukin ng bulate ang talampakan mo." ang dagdag pa nito at doon nga ay nakaramdam na ako ng matinding kirot sa aking paa.

Dito ko napansin na may malaking hiwa ako sa aking talampakan. Sa sobrang pag mamadali ko kanina ay nakalag ang sintas ng sapatos ko at nahubad ito sa aking paa kaya nawalan ng sapin ang aking talampakan sa pag takbo. At dahil sa pag katuliro ko ay hindi ko na ito binigyan ng pansin. Marahil ay nahiwa ito ng matulis na bato kanina habang kumakaripas ako sa pag takbo.

"Talaga palang wala kang sapatos na suot? Ang akala ko ay iniwan mo lang ito doon sa gilid ng emergency area." ang pag tataka ni Kerby habang inuusisa ang aking mga paa na panay galos.

Napabuntong hininga ito at kinuha ang first aid kit sa aking kamay. "Ako na ang gagamot nito ng paa mo tol. Relax ka lang." ang naka ngiti salita nito.

"Ako nalang tol. Salamat nalang." pag tanggi ko naman.

"Shhh, chilax lang kaya ko na to. Para saan pa at naging boyfriend mo ako kung hindi ko ito gagawin." ang naka ngising asong hirit nito.

"Naku Tuazon, tigilan mo na nga iyang si Jopet. Noong panget iyan ay tagpi ang tawag mo, ngayong gwapo na ay boyfriend mo na? As in? Agad agad? Tigilan mo nga ako." ang tugon ni Gabby sabay batok dito.

"Arekup.. Kaibigang lalaki! Iyon ang ibig sabihin ng boyfriend! Bayolente na to!" depensa nito.

Tawanan..

"Bakit ba naman kasi nabugbog ng ganoon si Rycen? Ang hindi ko maunawaan ay kung bakit may edad na lalaki yung bumira sa kanya. Nasa 40 na yata iyon eh!" pag tataka ni Kerby.

"Tumawag sa akin si Sir Espanyol kanina. Nahuli na raw yung mga lalaking nambugbog kay Rycen at binakuran na rin yung awang doon sa gilid ng campus. Ang dahilan daw noong lalaki ay nangabit itong si Rycen. Sa madali't salita yung model na babaeng girlfriend niya ay may orihinal na lalaking kinakasama at iyon ay yung sugar daddy nya. Matagal nang mag karelasyon yung dalawang ito bago pa dumating at nang gulo itong si Rycen sa eksena. Galit na galit daw yung lalaking iyon at talagang balak nitong lumpuhin si Rycen at hindi lang iyon dahil puputulan pa raw niya ito ng ari hanggang sa maging inutil." ang salaysay ni Gab.

Imbisibol (BXB RomCom 2016)Where stories live. Discover now