Imbisibol Part 16

7.4K 311 5
                                    

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

Imbisibol

AiTenshi

August 18, 2016

Part 16

Sinulit namin ang bakasyon sa probinsya nila Gabby, lahat ng magagandang pook pasyalan ay aming pinuntahan. Tumulong din kami sa pag ani ng mga presa at pag gawa ng mga matatamis na kakanin tulad ng mga jam at peanut brittle. Ang lugar na ito may potensyal na maging toursit spot at sinisigurado ko na pag sumapit ang taong 2000 ay mas dadami pa ang bisitang aakyat dito sa Baguio City.

Marami masasayang activities rin kaming ginawa katulad ng pag babangka, pag bibisikleta pero ang pinaka gusto kong parte sa lahat ay ang pag susuot namin ng tradisyonal na damit ng mga ifugao at sumali kami sa kanilang pag sasayaw. Damang dama ko ang lumang tradisyon ng mga taga rito at isama mo pa yung nakaka tuwang pag indak ni Rycen habang naka bahag na sya namang hinangaan ng lahat. Mapa babae, lalaki o nasa ikatlong kasarian man ay humihinto at pinapanood sya habang hawak ang gangsa.

Mabilis na lumipas ang mga araw, katulad ng isang magandang pelikula ang lahat ay nag tatapos din at sa araw na iyon ay inihatid namin si Rycen sa airport para sa kanyang flight pabalik ng Cebu. Bago ito tuluyang lumisan ay pinabaunan pa namin ito ng mga suvenir items at ilang remembrance sa aming masayang bakasyon. May lungkot sa kanyang mata at syempre ganoon din sa akin dahil tiyak na hahanap hanapin ko ang kasiyahang pinag samahan namin sa probinsya nila Gabby. "Mauulit pa naman ang bakasyon na iyon. Sa susunod ay doon tayo sa amin sa Nueva Ecija." ang naka ngiti kong salita sabay yakap dito biglang tanda ng pansamantalang pag papa alam.

"Salamat mga tol. See you after ng holidays." naka ngiting wika nito at kumaway pa bago tuluyang lumakad palayo.

Muli kaming nahiwalay ng landas ni Gabby sa terminal. Sya ay sumakay pabalik ng Baguio City, at ako naman ay sa Nueva Ecija. Habang nakatanaw sa bintana ay hindi mabakbak ang matamis na ngiti sa aking labi, pilit kong binabalikbalikan yung mga gabing mag katabi kami ni Rycen sa higaan. Para bang naka sanayan ko nang inaamoy sya bago matulog. O kaya naman ay mag kukwentuhan kami hanggang sa kapwa kami dalawin ng antok. At sa umaga naman pag sapit ng bukang liwaway ay mukha niya agad ang aking masisilayan pag mulat ng aking mata. Lahat ng iyon ay mga ala-alang babaunin ko pabalik ng aming probinsya.

Masaya kong pinag diwang ang pag sapit ng pasko at bagong taon. 1996 na kaya't muli akong gumawa ng isang new years resolution at iyon ay maipag tapat kay Rycen ang nararamdaman ko bago kami mag tapos ng high school. Ewan, basta ayoko nang paabutin ng kolehiyo. Kung sakaling iwasan nya ako pag katapos noon ay lilipat nalang akong paaralan at susubukang mamuhay ng masaya. Yung malayo sa kanya, kahit na masakit. Basta, mainam na yung mareject ng maaga kaysa pag tagalin pa.

"Tatlong buwan nalang, malapit ang graduation. May karangalan o wala ay proud na proud kami sa iyo anak." ang wika ni mama habang inaayos ang aking gamit na dadalhin sa dorm.

"Mas masarap grumaduate ng mayroon karangalan ma.. Kaya nga ginagawa ko ang best ko para makamit ito." sagot ko naman.

"Tama yan anak, at pag katapos mo ng kolehiyo ay doon ka raw mag wowork sa mga tito at tita mo sa Amerika kasama nila. Hindi ba't magandang balita iyon?"

"Oo naman ma, at sisiguraduhin kong sa kolehiyo ay mas pag bubutihin ko pa para sa inyo ni papa."

"Iyan ang anak ko, napaka swerte talaga namin sa iyo." wika ni mama sabay yakap sa akin ng mahigpit.

Imbisibol (BXB RomCom 2016)Where stories live. Discover now