Imbisibol Part 5

9.4K 349 7
                                    

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

Imbisibol

AiTenshi

July 20, 2016

Part 5

Naging makulay ang junior year ko dahil na rin sa pagiging malapit namin ni Rycen sa isa't isa. Ang bawat activity, school project o mga simpleng assignments ay pinag tutulungan namin para maka kuha ng mataas na grado mula sa aming mga guro. Syempre sa bawat araw at buwan na lumilipas ay mas lalo pang nahuhulog ang loob ko sa kanya, iyon nga lang ay kailangan ko itong itago upang walang mabago sa aming samahan.

Minsan ay naisip ko na sabihin nalang sa kanya dahil may mga oras na parang sasabog ang dibdib ko ngunit natatakot naman ako na bigla siyang lumayo sa akin, mas mahirap iyon at hindi ko kakayanin. "Bakit palaging malalim ang iniisip mo? Kung hindi mo kinakausap yung bubble gum ay tiyak na naka tahimik ka lang. May problema ka ba Jopet?" ang tanong Gabby habang nilalapag ang mga pagkaing binili nya sa mesa.

"Wala naman akong problema, marami lamang akong iniisip tungkol sa mga requirements. Tambak kasi lalo't mag 4th grading period na."

"Naku ineechos mo lang ako no. Alam ko namang si Rycen ang iniisip mo. Namimiss mo lang siya dahil busy sya sa pag ttry out doon sa volleyball team."

"Hindi ahh, bakit ko naman siya iisipin? Sino ba siya?" ang sagot ko naman sabay tungga sa softdrinks.

"Aba e di ko alam kung sino o ano sya sa buhay mo. Basta ang payo ko lang ay mag paka totoo ka sa sarili mo. Oh ayan inumin mo pa tong royal." ang pang aasar nito.

"Oh ayan din. Kainin mo pa yan dahil baka pumayat ka. Mawawalan ng tapakan doon sa cheering squad nyo." pang aasar ko rin sabay abot ng isang balot na cupcake sa kanyang tabi. Agad naman niya itong kinuha at mabilis na kinain.

"Dancer ako no, at ni minsan ay hindi tinapakan" depensa nito. "Kasi naman ikaw Jopet ang boring ng buhay mo. Inaalok kang sumali doon sa chorale tapos ay tinanggihan mo pa. Sayang ang boses mo."

"Wala akong oras sa ganoon, mag aaral nalang muna ako" tugon ko

"Mag f-focus sa pag aaral? O mag f-focus kay Rycen? Tigilan mo nga ako Jopet" pang aasar nito

"Sa pag aaral, kaya mag focus ka nalang dyan sa pag kain. Oh ayan pa yung pancit."

Tawanan..

Nasa ganoong pag uusap kami ni Gabby noong biglang sumulpot si Rycen sa aming likuran. Naka suot ito ng kulay itim na jersey at basang basa ng pawis ang buhok at katawan. "Painom ha." ang wika nito sabay tungga sa softdrinks na iniinuman ko na akin namang ikinagulat. Basta namalayan ko na lang na nilalagok nya yung drink habang naka dikit sa nguso niya yung bibig ng bote.

"Ngii kanina ko pa iniinuman yung softdrinks na iyon. Para na niya akong nahalikan kung iyong iisipin!" sigaw ko sa aking sarili habang naka tingin sa kanyang pawisang katawan at isama mo pa yung manipis na buhok sa kanyang kili kili na halatang patubo pa lamang. Amoy na amoy pa rin ang kanyang pabango habang humuhulas ang pawis. Nakaka adik at nakaka akit siyang pag masdan sa ganoong posisyon.

"Kamusta naman ang try out?" tanong ni Gabby habang abala pa rin sa pag kain.

"Nakakapagod pero ginawa ko ang best ko. Kailangan kong makapasok sa varsity upang mag karoon ako ng scholarship hanggang kolehiyo. Yun lang ang pag asa ko para makatulong kay mama. Di naman kasi ako matalino kaya sa sports ko nalang dadaanin." ang wika nito sabay upo sa aming tabi.

Imbisibol (BXB RomCom 2016)Where stories live. Discover now