Chapter 7 - Mahabang Gabi | Part 2

3.6K 195 7
                                    

Nanigas ang braso ni Pepe nang nakita niya ang Aswang Hunter na papalapit sa kanya. Subalit sapat pa rin ang mosyon na nagawa ng braso niya para sumabog ang suka sa kanyang harapan.

"Malamig na hangin," sabi ng Aswang Hunter. Tumigil ito sa paglalakad kasabay ang isang hampas kanyang kanang kamay paitaas. Dumaan ang isang alon ng nakakakilig na hangin sa katawan ni Pepe at nagmistulang yelo na nalaglag sa lupa ang suka na naisaboy niya.

Manghang mangha si Pepe sa bilis ng nangyari at nasaksihan pati na din sa ganda ng babae na nasa harapan, "Hi!" sabi niya. Walang reaksyon ang babaeng nakablack leather coat at pants. Lumampas lamang ito ng lakad gamit ang kanyang itim din na leather boots. Hinabol naman siya ni Pepe ng tingin. Nakita ng aswang na nakatayo sa kabila ng rebulto ang Hunter, ang aswang na galit galit kay Pepe dahil sa nasabuyan niya ito ng kanyang suka. Sumigaw ito at akmang tatalunan ang Hunter, pero natutukan kaagad ito ng kanyang baril na may silencer. Dalawang mahing putok ang nagpatigil sa galaw ng aswang.

Humarap na ang Aswang Hunter kay Pepe at naglakad papalapit. Sa likod nito bumagsak ang aswang at unti unting naging abo.

"Hindi ba sabi ko sayo wag ka ng babalik dito?" sabi ng Hunter habang dinuduldol ng daliri sa dibdib ni Pepe.

"Aray! Teka lang, ang bigat naman ng kamay mo," sagot ni Pepe.

"Umuwi ka na! Delikado dito!" sabi ng Aswang Hunter. Kunot ang noo nito at tumitingin-tingin sa paligid habang kinakausap si Pepe.

"Hindi ako pwedeng umuwi! Nawawala ang kaibigan ko!" Hinawakan ni Pepe ang kanyang dibdib na nasundot ng daliri ng Aswang Hunter habang nakatingin sa mga mata nitong nagtatago sa kumikinang na eyeglasses.

Inilapit pa ng Aswang Hunter kay Pepe ang mukha nito, "Ikaw! Gusto mo din mawala? Ang kulit mo din no?" Bahagyang napaatras si Pepe subalit masyadong mabilis ang mga galaw ng Aswang Hunter at ilang inches na lamang ang agwat ng kanilang mga mukha. Napasinghap si Pepe at napuno ng kaaya-ayang halimuyak ang kanyang ilong. Ngayon ay para siyang lumulutang sa alapaap.

"Bakit ka ngumingiti? Seryoso ako!" sabi ng galit na Aswang Hunter habang nakatitig kay Pepe.

"Si Karl!" nanumbalik ang ulirat ni Pepe sa boses na kanyang narinig. "Kaibigan ko, nawawala siya. Tingin ko kinuha siya ng mga aswang," sabi ni Pepe na napakapit sa malambot na braso ng hunter.

Nawala ang kunot sa noo ng Aswang Hunter at naging kalmado ang mukha nito. Binigyan niya ng espasyo si Pepe at tumalikod. "Kung ang sinasasabi mong nanghuli sa kaibigan mo ay katulad ng humahabol sayo kanina, mali ka. Bal-bal ang mga iyan, mas mahina sa isang Aswang. Walang kakayanan mag-isip para sa sarili at puro kain lang ang alam ng mga iyan gawin."

"Ha? Hindi sila aswang? Eh San nanggagaling ang mga iyan?" sagot niya.

Humarap muli ang Hunter kay Pepe, "Ginagawa nila ang mga bal-bal mula sa mga tao. Ang kaibigan mo, kailan mo siya huling nakita? May picture ka ba?"

"Noong gabing ano! Noong ano?!"

"Hindi mo pwedeng i-kwento kahit kanino ang mga nakita, nagawa at narinig mo kaugnay sa nangyari ngayon at sa akin. Mapapahiya ka kapag sinubukan mong ipagkalat ito."

Narinig muli ni Pepe ang boses ng Hunter sa kanyang isip. "Alam ko na," sabi ng hunter. "Noong unang gabi na iniligtas kita."

"Oo!" sagot ni Pepe sabay abot ng kanyang cellphone para ipakita ang picture ni Karl.

Tinignan niyang mabuti ang picture at saka tumingin kay Pepe. "Sorry, hindi ko siya nakita. Hindi ko rin alam ang hitsura ng mga bal-bal na nakikita ko noong tao pa sila. Worst case scenario, maaring naging bal-bal siya at maaring patay na siya ngayon."

Nanlambot ang katawan ni Pepe sa kanyang narinig, "Pwede bang ibalik sa pagiging tao ang isang bal-bal?"

"Oo, hangga't hindi pa namumula ang mga mata. Ito oh," sabi ng hunter sabay abot ng isang maliit na black bag mula sa loob kanyang coat, "limang shots yan. Intramuscular, Iturok mo lang sa braso pwede na."

Binuksan ni Pepe ang bag at nakita niya ang limang syringe na binanggit ng Hunter. Pagtingin niya pabalik sa Hunter ay naglalakad na ito palabas ng gate. Nataranta si Pepe dahil mayroon pa siyang mga dapat malaman.

"Kailangan mo makita ang Manunugis," pumasok sa isipan ni Pepe ang boses ng matandang lalaki. "Ikaw ba ang Manunugis?" sigaw niya sa Hunter.

Huminto sa paglalakad ang Hunter at lumingon pabalik kay Pepe, "Saan mo narinig yan?"

Natuwa si Pepe nang tumakbo pabalik ang Hunter.

"Ano! Noong isang araw. May mga aswang na nanghabol ng mga tao. Ay mali, mga bal-bal pala yun. Andoon ako kaya tumakbo din ako. Maswerte ako at napa--,"

"WAIT LANG!" sabi ng Hunter, "Kanino mo narinig yan?"

"Sa isang matandang lalaki na hinahabol ng foreigner. Bakit ba ang taray mo?" sagot ni Pepe habang kinukuha sa bulsa ang lukbutan na bigay ng matanda.

"Masyado na akong nagtatagal dito. Maaring may mga taong nagiging bal-bal na ngayon. Kailagan nila ang tulong ko," sagot ng Hunter.

"Bigay ng matandang lalaki sakin ito," dagdag ni Pepe.

Nanlaki ang mata ng Hunter sa nakita niya, "Nasaan na si Amang? Yung matanda?" sigaw niya.

"Nahuli siya nung foreigner," sagot ni Pepe. Napailing ang hunter sa kanyang narinig at napahawak sa kanyang noo.

"Naririnig ko rin ang boses niya kagaya ng sayo. Bakit ba nangyayari yun?" tanong ni Pepe subalit parang hindi siya naririnig ng kausap niya. 

Tumingin kay Pepe ang Hunter. Mata sa mata. Hinawakan din nito ng mahigpit ang dalawang braso ng lalaki. "Makinig ka," sabi nito, "Matagal na nilang hinahanap ang lukbutan na ito. Si Amang ang naatasan magtago nito sa kanila. Ngayon na nasa kamay na nila si Amang at wala sa kanya ang lukbutan, hahanapin ka nila. Saan ka man magpunta, saan ka man magtago, mahahanap nila."

"Ha? Ako? Bakit ako? Sabi lang ng matanda ay ibigay ko ito sa Manunugis. Oh ito na, sayo na!" sabi ni Pepe.

"Hindi ako ang Manunugis. Ilang libong taon na siyang nawawala," sagot ng Hunter. 

Parang nabuhusan ng malamig na tubig ang katawan ni Pepe. Naisip niya ang bigat ng responsibilidad na naatas sa kanya.

"Ano ng gagawin ko ngayon?" sabi niya.

Aswang Hunter | New BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon