Ako si Jaycee, ako 'yong tipo ng lalaking kabaliktaran ng perfect dream guy ng mga pabebeng mga babae na feeling mga prinsesa. Mabarkada ako at mabisyo. Ginagawa ko ang lahat ng maisipan kong gawin. Madalas uminom ng alak at mag-yosi kasama ang mga tropa ko na mas malala pa sa'kin ang patapong buhay. Tumatambay kami sa iba't ibang school para mang-chix o sumipat ng mga hayop sa puti at kinis na mga hita at binti ng mga babaeng perpekto ang mga hubog ng katawan.
Nakikipag basag-ulo sa mga kapwa namin siga sa kung saan saang lugar. Nakikipag-talik sa mga babaeng nakikilala namin. Ayaw ko ng commitment, hindi kagaya ng mga tropa ko na may kanya kanyang girlfriend na pero nakikitikim pa sa putahe ng iba. Ang sarap daw kasing makitikim.
Pero kahit ganito kami... pumapasok parin kami ng paaralan. Ako nga pumapasok lang dahil sa allowance ko. Sayang din kasi 'yon, panggastos sa trip naming magto-tropa.
Hindi naman ako ganoon kasama, naa-appreciate ko naman ang paghihirap ng nanay ko sa pagtatrabaho sa ibang bansa, kaya kahit papaano nag e-exert din ako ng efforts sa paaralan para mabigyan ako kahit pasang awang grado lang. Gumagawa naman ako ng assignments kapag trip ko. Nakikipag participate minsan kapag may group activities... kapag nasa mood ako. Medyo matulungin at masunurin naman ako sa mga teachers kapag hindi ako badtrip sa kanila. Lahat kasi sila mga kontrabida. Feeling mga D'yos, akala alam lahat. At ipinagmamalaki ko rin na always present ako kahit na madalas tulog sa klase kaya madalas din akong napagagalitan. At kung minamalas... naiga- guidance ako. Sermon dito sermon diyan. Syempre ako naman pasok sa isang tainga, labas sa kabilang tainga.
Nasa huling baitang na ako ng high school. Akalain ninyo 'yon? Malapit na akong grumaduate...
Kung ga-graduate pa kaya ako? haha! Mukhang sawa na kasi 'yong buong faculty member sa akin hahaha! Pero sana ipasang awa parin nila ako para hindi ko na makita ang mga pagmumukha nila at hindi ko na marinig pa ang mga walang kwentang sermon at pangungutya nila. At para hindi sila paulit ulit sa pagpapaalala na "Sana hindi ka na lang pumasok! Sakit ka lang namin sa ulo!" Di ba? Ang bubuti nilang guro. Nang uudyok na huwag na raw akong pumasok. Isa pa, ayaw ko ng mag-aral dahil nakakatamad na, lalo pa ang mga guro ay may kanya kanyang paborito.
Ganoon ako dati...
Ganoon ang mga paniniwala ko noon...
Ganoon ako katarantado at walang kwenta...
Pero sinimulan kong magbago...
Nang dahil sa isang babae,
Si Leancee.
Nakilala ko siya dahil sa kaibigan niya ang girlfriend ng isa sa tropa ko. Kagaya ko, sa isang private school din siya nag-aaral. Pareho kaming graduating na. Kilala siya sa buong campus nila dahil siya ang student council president. Maliban sa katalinuhan niya, maganda rin siya. Hayop sa ganda! Ang lakas ng appeal lalo na kapag nakangiti na ang mga labi niyang masarap halikan. Unang kita ko pa lang sa kanya noon, bigla akong nakaramdam ng kakaibang pakiramdam sa puso ko. Iyon yata 'yong tinatawag na 'Love at first sight?'
Noong una balak ko lang siyang ikama para tikman pero noong makumpirma ko sa sarili kong gusto ko talaga siya kaagad kung sinabi iyon ng walang paligoy ligoy pa. Mga bakla lang ang nagpapaliguy-ligoy!
Pero 'yon nga... medyo nakaramdam ako ng pagkadismaya ng sagutin niya lang ako ng nakakalokong tawa niya.
"Tinatawanan mo ba ako para magpacute sa'kin? o tumatawa ka dahil pareho tayo ng nararamdaman... gusto mo rin ako, tama ba?" sabi ko na ikinangiti na lang niya at ikina-iling ng konti.
"Tinatawanan kita kasi nakakatawa ang joke mo," tapos bahagya uli siyang natatawa.
"Tanga ka ba? Sa itsura kong 'to sa tingin mo nagbibiro ako? Gusto kita... sa tingin ko nga mahal na nga yata kita." seryosong sabi ko. Tatanga tanga e. Nagtatapat na nga ako tapos ginagawa lang niyang katatawanan ang feelings ko. "I love you." with feelings pang sabi ko sa kanya.
