Alama Ng Ipis

119 2 1
                                    

ALAMAT NG IPIS

---

Noong una ay mayroong isang lugar na kung tawagin ay Engkantia at doon ay tahimik na nananahan ang mga nilalang na kung tawagin ay mga Engkantino at Engkantina. Sila ay mga lamang-lupa na tagapag-alaga ng kalikasan. Sila ang mga na nakakapagpanatili ng pamumulaklak ng mga halaman at pagkakaroon ng hitik na bunga ng mga puno at isa na sa kanila ay si Elina—isang pangkaraniwang engkantina na nabibilang sa mga mababang uri.

Hindi siya katulad ng iba na elegante ang suot na damit na hinabi pa sa mga gintong sinulid. Nag-iisa na lamang kasi siya sa buhay dahil ang kan'yang mga magulang, sa kasamaang palad ay namatay sa mundo ng mga mortal. Ngunit kahit ganoon ay higit pa sa mga kumikinang na diyamente ang kan'yang kalooban. Parati s'yang tumutulong sa mga nakatatanda at kung may oras s'ya ay nakikipaglaro s'ya sa mga batang engkantino upang turuan ang mga ito na lumipad.

Gabi na ng mga oras na iyon, halos kumakagat na ang hatinggabi pero para kay Elina, 'yon na ang tamang oras upang sila ay magkita ng kan'yang sinisinta na si Habag-Ri. Ilang araw din itong hindi nagpakita sa kan'ya dahil sa hindi ito makatakas sa mga kawal na nagbabantay sa harap ng palasyo.

Inayos muna niya ang kan'yang buhok at tiningnan sa huling pagkakataon ang kan'yang sarili. Nang makakuntento na s'ya sa itsura ay agad s'yang lumabas at gamit ang kan'yang pakpak, lumipad s'ya sa himpapawid at nagsimula na n'yang tahakin ang lugar kung saan sila nagkikita. Sa pusod ng kagubatan kung saan mayroong higanteng kabute. Habang ninanamnam ang hangin, napatingin s'ya sa kalangitan ng Engkantia. Mayroong iba't-ibang kulay ng aurora ang animo'y sumasabog sa kalangitan.

"Napakagandang pagmasdan." Bulong n'ya sa kan'yang sarili. Pagkarating n'ya sa kanilang tagpuan ay agad s'yang nagpalinga-linga. Tahimik ang lugar at tanging ang paghinga n'ya lamang ang tanging naririnig hanggang sa may nagtakip ng kan'yang mga mata.

"Elina." Ang boses na iyon ang dahilan kung bakit bumilis bigla ang tibok ng kan'yang puso. Pakiramdam n'ya ay ilang boltahe ng kuryente ang dumaan sa kan'yang kalamnan. Nakakakaba pero nangingibabaw pa rin ang kasiyahan sa kan'yang kalooban dahil ngayon ay kasama na n'yang muli ang lalaking kan'yang sinisinta.

"Habag-Ri!" Inalis n'ya ang pagkakatakip sa kan'yang mga mata at niyakap n'ya ito ng mahigpit. "Labis akong nangulila sa'yo. Ilang araw kang nawala. Nakakasabik ang maramdaman ang mga bisig mong nakayakap sa aking muli." Tiningnan s'ya ni Habag-Ri sa mga nagniningning n'yang mata.

"Ako rin Elina. Nasasabik akong mahagkan ka at mayakap. Pasensya na. Hindi ako makalabas ng palasyo. Pinagbawalan ako ni ina. Ang gusto niya kasi ay ibaling ko na ang aking atensyon kay Engkanta." Nagbago bigla ang ekspresyon ng mukha ni Elina. Si Engkanta—ang prinsesa ng Engkantia. Ang gusto nitong mangyari ay mapasa-kan'ya si Habag-Ri. Hindi raw kasi nababagay ang lalaking nasa harap n'ya sa kan'ya dahil may dugo itong bughaw. "Elina, bakit nakabusangot ang iyong mukha? Hayaan mo na. Ngayong gabi, magkasama naman tayo." Naramdaman ni Elina ang paghawi ni Habag-Ri sa kan'yang ilang hibla ng buhok at gamit ang kan'yang hinlalaki, bahagya n'yang itinapat ang mukha nito sa kan'ya at sa ilalim ng makukulay na aurora at madilim na hatinggabi, nagdikit ang kanilang mga labi at parehas napuno ng galak at saya ang puso ng dalawa. Walang salita ang makakapagpaliwanag sa nararamdaman nila ngayon. Napaka-perpekto ng gabing ito. Arang pagmamay-ari nila ang buong lugar.

"Habag-Ri, sandali." Pinutol n'ya ang pagpapalitan nila ng halik. "Paano kung malaman nila ang ginagawa natin—" Ngunit agad na inilagay ni Habag-Ri ang kan'yang daliri sa labi ni Elina upang ito ay patahimikin.

"Elina, hayaan muna natin sila. Huwag mo munang isipin ang iba, huwag mo munang isipin ang iyong mga pag-aalinlangan. Pwede bang kahit ngayong gabi lang, kasiyahan muna natin ang itatak natin sa ating isipan? Pwede bang tayo muna?" May bakas ng lungkot sa boses ng lalaki. Alam ni Habag-Ri na ipit na ipit sila sa sitwasyon. Hindi makatanggi si Habag-Ri sa gusto ng kan'yang ina dahil alam nito na kung tatanggi s'ya ay papatawan nito ng kamatayan ang babaeng iniibig—bagay na hindi alam ni Elina.

"Sige Habag-Ri." Nagpalitan silang muli ng mahihigpit nay aka at nilamon sila ng katahimikan ngunit,

"Mga taksil!" Napakalas silang dalawa sa pagkakayap dahil nakita nila si Engkanta na punong-puno ng galit ang mukha. Agad na nanuyo ang lalamunan ni Elina at walang lumabas sa kan'yang utak.

"Engkanta, bakit mo ako sinundan?!" Bulyaw ni Habag-Ri dito.

"Dahil nagdududa ako at tama lang pala. Nakikipagkita ka pa rin sa Engkantina na iyan! Ano ba ang nagustuhan mo sa kan'ya?!" Bulyaw nito sa kanila.

"Nakikipagkita ako dahil mahal ko pa rin s'ya. Tutal ay nandito ka na rin naman, sasabihin ko na. Huwag mo ng ipagsiksikan ang sarili mo sa akin! Huwag mong nang ipilit ang iyong sarili."

"Ganoon?" May halong pait sa pagsasalita n'ya. "Sige. Kunin n'yo s'ya!" At mula sa kan'yang likuran ay dalawang kawal ang lumabas. Ikinadena nila ang braso ni Habag-Ri upang hindi na s'ya magpumiglas pa.

"Ano ito?! Pakawalan mo ako! Huwag mong sasaktan si Elina!" Ngumisi lang ang prinsesa. "Bitawan n'yo ako."

"Tutal andito ka na rin naman, ipapakita ko na sa 'yo kung paano magiging isang insekto ang Elinang 'yan! Simula sa gabing ito sa ilalim ng madilim na kalangitan, isinusumpa ko na ang babaeng ito ay magiging isang insekto na kakatakutan ng lahat, mortal man o Engkantino! At hindi d'yan natatapos ang sumpa dahil pati ang susunod mong salinlahi ay mapapagaya sa 'yo! Hindi matatapos ang sumpa! Hindi!" At matapos 'yon ay malakas na dumagungdong ang kulog at kasunod niyon ay ang pag-iibang anyo ng magandang dilag. Nagkaroon s'ya ng nakakadiring itsura at pakpak.

Simula ng gabing 'yon ay nabuhay si Elina sa kahihiyan. Walang tumanggap sa kan'ya maski ang kan'yang mga tinulungan. Labis s'yang pinandirian pati ng mga mortal. Ilang libong taon na ang lumipas ngunit pati ang kaapo-apuhan ni Elina ay hindi tinigilan ng sumpa. 'Di lumaon ay tinawag silang ipis—mga insektong peste at apak-apakan.

h>[FA0

WRITING BATTLE 2015 ENTRIESWhere stories live. Discover now