33# - Mamamatay Ka Na

63 0 1
                                    

Genre: Tragedy

Title: Mamamatay Ka Na


***

"Mamamatay ka na," biglang saad sa akin ni Eron at kumunot naman ang noo ko. Kung hindi ko lang talaga 'to kilala at kaibigan baka natakot na ako sa kanya.

"Anong mamamatay!? Huwag mo nga akong pag-trip-an," inis na saad ko at ngumiti naman siya sa akin sabay sabing, "Joke lang! Hindi pa ako handa e."

Palaging ganito ang sinasabi niya at napapairap na lang ako sa tuwing sinasabi niya 'to. Kilalang-kilala ko na siya kasi highschool pa lang kami ay magkaibigan na kami. Parati kaming magkasama at iniisip nga ng iba na kami na pero tinatawanan na lang namin 'yon. Imposible kasi 'yon dahil may boyfriend na ako at mahal na mahal ko 'yon.

"Eron, turuan mo naman ako sa Calculus oh! Suko na ako e!" Pagrereklamo ko.

"Ang hina naman ng utak mo, Jane. Iyan lang hindi mo pa alam? Akin na nga 'yang libro!" Nakangising saad niya at nanliit naman ang mga mata ko sa sinabi niya.

"Ganito lang 'yan oh," saad niya at nag-drawing ng taong tingting sa libro ko. Sinasabi ko na nga ba.

Sabay kaming natawa sa ginawa niya. "Ang talino talaga natin sa Math!" Natatawang saad ko at mas lalo pang lumakas ang tawanan namin.

KINABUKASAN ay patakbo akong pumunta sa room namin dahil late na naman ako. Nang makapasok ako sa room ay bigla akong natisod dahil may nanisod sa akin.

"Eron?" Gulat na saad ko at ngumisi naman siya sa akin.

"Lampa," tila nang-iinis na saad niya pagkatapos niya akong tisurin. Nakaramdam naman ako ng kirot sa puso ko dahil sa ginawa niya. Bakit parang ibang Eron ang nakikita ko ngayon?

Nagsimula na ang klase at sa tuwing sumasagot ako ay kinokontra ito ni Eron kaya napapahiya ako. Inaamin ko naman na mas matalino siya sa akin sa subject na 'yon pero hindi naman tama na ipahiya niya ako.

"ERON!" Tawag ko sa kanya nang makita ko siya sa canteen. Sabay kasi kami laging kumain at dahil magkaiba kami ng subject before lunch ay hinihintay ko siya. Palalampasin ko na lang ang ginawa niya kanina baka kasi may problema lang siya.

"Bakit?" Walang emosyong tanong niya.

"Sabay tayong kakain, 'diba?" Kunot-noong saad ko at bahagyang natawa naman siya.

"Kumain na ako," saad niya bago niya ako talikuran. Naiwan naman akong nakanganga dahil sa sinabi niya! Naghintay ako sa kanya ng matagal tapos nakakain na pala siya!? Tang*na! Sumusobra na siya! Kanina pa siya ah!

"Teka nga, Eron!" Galit na sigaw ko nang maabutan ko siya.

Malamig niya naman akong tinignan bago sabihin ang mga salitang hindi ko inaasahang lalabas sa mga labi niya.

"Mamamatay ka na," malamig na saad niya at ito ang unang pagkakataon na kinilabutan ako sa sinabi niya. Pero sa kabila no'n ay nakaramdam din ako ng takot at lungkot.

"Mamamatay ka na...sa puso ko. Ang sakit na e. Suko na ako," malungkot na saad niya pa bago niya ako talikuran.

***

WRITING BATTLE 2015 ENTRIESWhere stories live. Discover now