-------/ 38th Boundary /------

219 13 4
                                        

--/ Mean's POV /--



Gaya ng dati pa rin ang routine ko sa opisina. Pero dahil may dadating kaming mga investors na galing London ay mas naging abala pa ang kumpanya. Check dito. Check doon. Punta dito punta doon. Kailangan masiguro na maayos ang lahat dahil na rin sa malalaking investors ang mga ito.




"Sir Paul, ito yung mga documents at presentation na iprepresent sa mga investors." Sabi ko at inabot dito ang mga documents. Pero dahil nakatungo ito at nagpipirma ng iba pang papeles ay di sinasadyang nahawakan din nito ang kamay ko.




Bigla akong lumayo. Nakaramdam ako ng ewan. Kuryente ba yun? Hindi ko alam. Basta kinabahan ako bigla. Nakaramdam din ako ng init. Mukhang nagulat din ito at tumingin naman ito sa akin.




"Why? Is there something wrong?" Tanong nito at nakakunot ang noo. Umiling naman ako.




"W-w-wala Sir Paul. Ayos lang." Medyo nabulol pa ako. Ngumiti lang ito.




"Okay. If you say so. But if there is, then don't hesitate to tell me." Nakangiting sabi nito. Biglang namula yung mukha ko. Pero syempre ako lang ang may alam nun dahil ako lang ang nakakaramdam ng init. At sa itim kong to sinong magtutuon ng pansin di ba?




Aalis na sana ako ng biglang tumayo ito at lumapit sa akin. Palapit ito ng palaapit at palayo naman ako ng palayo. Pabilis din ng pabilis ang tibok ng puso ko.




Pero dahil ang legs nito ay parang pinagsamang binti at hita ko sa haba,mabilis na nakalapit ito sa akin at agad na nilagay ang kamay sa noo ko. Kung kanina hindi ko sigurado ang naramdaman ko, ngayon sigurado na ako. Ramdam na ramdam ko ang init at kuryente na nagmumula sa kamay nito. Nilapit din nito ang mukha niya. Ngayon ay mukha sa mukha na kami. Sobrang lapit na pati ang paghinga nito ay ramdam ko.




"Are you feeling well Mean? You seem hot and your cheeks are quite red." Sabi nito at nasa noo ko pa din ang kamay niya. Nilagay naman nito ang isa pang kamay nito sa sariling noo. "Hmm...you seem normal to me." Sabi nito matapos ikumpara ang init nito sa init niya. Tumango tango pa ito. Ganun pa rin ang posisyon namin. Gusto ko ng lumayo. Baka kasi marinig na nito yung tibok ng puso ko sa bilis at lakas.




"Uhmm...paano mo naman nasabi na mainit at namumula ako? Sa itim kong to? Kailangan titigang maiigi." Pabiro kong sabi at tumingin sa sahig. Grabe. Di na ako makahinga.

Beyond the boundary (Complete)Where stories live. Discover now