---/ Mean's POV /---
Sabado.
Nakaayos na kami ni Diane. Sabay na kaming umalis galing sa bahay ko. Ngayon ay naghihintay na lang kami sa may upuan sa may mall. Nauna na kami dahil, bakit nga ba? Ahh...ayaw ni Dianne ng nahuhuli. Pero dahil loves ako ni bestfriend, ayos lang na late ako. De joke lang, binabatukan niya ako pag late ako. Masakit siya bumatok,promise.
"Naku best, excited na akong makita yang boss mo. Laging mong kinukwento sa telepono eh. Sabi nina tito at tita, gwapo daw. Tapos ang tangkad at ang puti daw. Mabait din daw. Ang tagal naman nila. Andyan na kaya sila? Eeeeeeeee...naeexcite na talaga ako." Excited na sabi ni Diane. Ang laki pa ng ngiti nito. Di masyadong halata na excited siya. Bored na bored na nga siya eh.
"Best,hindi ka naman masyadong excited niyan? Saka kasama din si Kurt. Gwapo at matangkad at maputi din yun." Sabi ko dito pero biglang sumimangot ito.
"Mortal enemies kami nun." Sabi nito na nakasimangot pa din. Nag-antay pa kami ng konti pero maya-maya lang din ay may tumawag sa akin. Agad na niLingon ko ito at nakita si Kurt paLa. Kasama nito si Sir. At nakakacasuaL din si Sir. Aba Sir,magcasuaL ka na Lang araw-araw. Lahat ng mga babaeng lumilingon dito ay napapatigil sa ginagawa. Yung iba pati pagsubo ng kinakain nila ay napahinto. Kung ako yun,tinuloy ko pagkain ko. Hahahaha.
"Hala Bess, yan ba yung boss mo? Yung nakawhite na polo shirt. Aba maLi ang sabi nina tito at tita. Sabi nila gwapo. Pero super gwapo pala. Sigurado kang boss mo yan? Kasi parang model eh. Saka kaya pala ang daming naiinLove dyan eh. Hindi ko sila masisi." mahabang sabi ni Diane.
"Oo nga yan yun. Ang haba ng sinabi mo ha. Mukhang wala na akong dapat sabihin." sabi ko na Lang dito. Naikwento ko kasi kay Dianne ang trabaho ko pag nagkukumustahan kami.
"Sorry Mean. Kanina pa kayo?" sabi agad ni Kurt ng makalapit siLa.
Sasagot na sana ako ng biglang nagsalita si Dianne. "Mga 15 minutes na rin kaming naghihintay. At 15 minutes na rin kayong late." sabi ni Diane kay Kurt. Umirap pa. Ito talagang si Diane. May galit pa rin kay Kurt.
"O Hi Diane. Ayaw mo pa rin ng late. Aba,tumangkad ka ha. Tignan mo si Mean, inch la--aray naman!" hindi na natapos ni Kurt yung sasabihin niya dahil sinuntok ko na sa braso si Kurt. Tumawa lang ang kumag. May tumikhim. Naalala ko nga pala na kasama si Sir.
"Oo nga pala Bess, ito nga pala si Sir. Siya yung boss ko. Sir, siya po si Diane. Bestfriend ko po." pagpakilala ko sa dalawa. Nagkamayan ang dalawa. Si Diane,poker face lang,pero deep inside kinikilig yan. Ang higpit na kaya ng hawak niya sa braso ko. Si Sir naman tumango lang dito.
"Ako, Diane, hindi mo man lang ba kakamayan? Matagal din tayong hindi nagkita." bigLang singit ni Kurt. Inirapan lang ito ni Diane.
"Hindi. Hindi kita kilala." pagtataray ni Diane dito. Pero ngumiti lang si Kurt.
"Tara na at magsisimula na ang palabas." yaya ko sa kanila. Mabuti na yun kesa parang aso't pusa sila. Pumunta na rin kami sa sinehan. Pumila at bumili ng ticket. Bumili na rin kami ng popcorn at drinks. Pumasok na kami sa sinehan at sa may bandang taas kami. Yun kasi ang seat na binili ni Kurt. Para daw maganda ang view. Nasa gitna kaming dalawa ni Diane samantalang nasa kaliwa ko si Sir. Nasa kanan naman ni Diane si Kurt. Malapit ng magsimula yung palabas. Excited na ako kasi mahilig ako sa horror films. Si Kurt din. Si Diane naman ay kahit anong palabas ang pinapanood. Samantalang si Sir, ayun hindi na mapakali. Kanina pa kilos ng kilos sa may upuan niya. Nagsimula din ang film. Nakatutok talaga ako. Pero sa tuwing yung eksenang nakakatakot na ay nararamdaman ko na parang may kakaiba sa tabi ko. Akala ko imahinasyon ko lang, pero nung malapit na ang nakakatakot na eksena sa film,inabangan ko ito, at nung nakakatakot na ay lumingon ako. Si Sir lang pala. Napapatalon pala ito sa tuwing ganun na ang eksena. Kahit madilim ay nakikita kong namumula ito. Takot talaga si Sir. Pero sumama pa rin ito. Napatawa ako ng mahina. Lumingon naman si Sir. Kumunot ang noo nito.

YOU ARE READING
Beyond the boundary (Complete)
General FictionThere is aLways a boundary in everything. A boundary between friends and foes. A boundary between truths and Lies. A boundary between Laughters and tears. A boundary between reality and dream. A boundary between hate and Love. This is an early 1970...