---/ Mean's POV /---
"And I hope you'll agree..." medyo alangan na sabi ni Sir.
Hala! Ano kaya yun? Teka,teka. Pakinggan muna natin si Sir. Lalo na at bihira lang mag-ask yun.
"Ano po yun,Sir?" Tanong ko dito. Ngumiti pa ako para mabawasan ang tensyon nito.
"Just like what Diane and Kurt said, I think it's better if you'll call me by my name when it's not working days. Or whenever we hang out like this." Paliwanag ni Sir. Ahh...yun lang naman pala. Iniisip pala ni Sir yun kaya pala walang kibo ito kanina.
"Eh Sir, boss ko pa rin po kayo. Medyo nakakaalangan naman po na tawagin kayo sa pangalan mo lang po. Hindi naman po tayo friends friends tulad nila Diane at Kurt."
Kumunot ang noo nito. Tila nag-iisip ng malalim. Maya-maya lang ay tumingin ito sa akin. "Then...let's be friends." Sabi nito at nilahad ang kanang kamay nito.
"Ha?" Medyo tulala kong tingin dito. May sakit ata si Sir. "Sigurado ka po ba dyan?" Paninigurado ko dito. Tumango-tango lang ito at ngumiti.
"You see, I don"t always get along with other people. Only few get along with me. And you are one of them. Diane and Kurt too. Come on. Are you gonna shake my hand and accept my friendship or not? Cause you see, my hand is hanging like this and it hurts." Sabi ni sir at medyo tinataas baba pa ang braso nito na nasa harap ko.
Paliwanag nito. Medyo alangan ko pang tinanggap. Aba syempre boss ko pa din siya. At ng magkahawak kamay na kami, naramdaman ko na naman yung naramdaman ko nung hawak ko yung kamay niya sa sinehan. Bumilis na naman ang tibok ng puso ko samantalang nakaupo naman kami. Hindi din ako gaanong makahinga. Nasa ganung pag-iisip ako ng magsalita ulit si Sir.
"Friends?"
"Yes Sir. Friends." Sabi ko at ngumiti ng malapad dito. Ngumiti din naman ito. Binawi na din nito ang kamay nito. Pero nandoon pa rin yung nararamdaman ko.
"Now we're friends, you can call me by my name now."
Ha? Ano daw? Teka. Kanina pa ako ha ng ha. Nakakapagod din. Kaya pala nakipagfriends sa akin si Sir. Pero nakakaalangan pa din eh.
"Sige po Sir...pero..."
"But?"
"Medyo naaalangan pa din po ako eh. Kaya naisip ko po na Sir Paul na lang po itatawag ko. Boss pa din po kita at friends na po tayo. Ganun na lang. Pwede na po ba yun, Sir Paul?" Tanong ko dito. Yun lang kasi ang naisip ko para hindi ako alangan na tawagin ito sa pangalan nito.
Kumunot uli ang noo nito. Mukhang mannerism na nito ang kumunot ang noo pag nag-iisip. Maya-maya lang ay tumango ito.

YOU ARE READING
Beyond the boundary (Complete)
General FictionThere is aLways a boundary in everything. A boundary between friends and foes. A boundary between truths and Lies. A boundary between Laughters and tears. A boundary between reality and dream. A boundary between hate and Love. This is an early 1970...