Unlichaaaa (March 21, 2015)

211 8 3
                                        

Date:  March 20, 2015

Penname: unlichaaaa

1.      Introduce/describe yourself…

-          Happy kid, minsan #teamwithlife pero kadalasang #teamnolife WAHAHAHA, tambay sa instagram account kasi self proclaimed fashion blogger (@rocelleeee, @unlichaaaa), communication student

2.      When did you start writing?

-          Mga July 2013 yata yun? Or March? Kasi tanda ko, summer vacation nun. ^__^V

3.      Nakakapagod pala mag-English. Kaya… saang tadyang mo hinugot ang penname mo? Ano ang problema mo?

-          Kaya nga eh, napansin ko din yun hahahaha medyo nano-nosebleed na nga ako. Ang mahiwagang penname ko na sandamukal ang ‘A’ sa dulo ay galing sa…. Ehem ehem.. Nung freshmen highschool kasi ako, nauso sa Lasalle yung mga username sa twitter na may “super” “mega” “ultra” kaya ako naman si gaya gaya, naki-gaya! Kaya “unli” tapos yung “cha” galing sa name ko and yung mahaba namang ‘A’, nakuha na kasi yung username na ‘unlicha’ lang kaya ginawa ko nalang 4 na A sa dulo.

4.      Ano ang naramdaman mo noong kinontak ka ng LIB o noong nalaman mong na-approve ang story mo? Alam kong masaya, pero ano ang kuwento?

-          Gaya ng sinabi mo, masaya nga! Kasi hindi ko talaga ineexpect na kokontakin ako ng LIB kaso nung kinontak nila ako, hindi ako agad sumagot hehehe because of some reason na hindi pwedeng sabihin.

5.      Sino ang nagtulak, nanadyak, bumugaw sa 'yo na magsulat? Sino ang mga inspirasyon mo sa pagsusulat?

-          Ang totoo niyan, wala talagang bumugaw sakin magsulat. Bakasyon yun at wala akong ginagawa kaya naisipan kong magsulat. Natatandaan ko pa nga na medyo jejemon yung writing style ko noong una (Kahit naman ngayon ata? Hahaha” Inspirasyon ko yung mga nagbabasa ng mga sinusulat ko, yung mga nagme-message sakin na “Ate, pa-update na please!” at yung ibang nagme-message sakin na sinasabi nilang may mga natutunan daw sila sa mga ginagawa kong storya.

6.      Ano ang routine mo o writing process mo o ritwal mo bago magsulat? Paki-describe, briefly.

-          Nagyo-yoga muna ako. Joke! Hahahaha! Gusto ko kapag nagsusulat ako, gabi! Kasi kapag umaga, wala akong maisip kundi “gusto kong gumala” “gusto kong kumain” “gusto kong manood” tapos feeling ko minsan, gusto ko ng may pangalang kape para makapag-update pero minsan lang yun kasi madalas, wala akong pang-pangalang kape.

7.      Paano mo tini-take ang mga negative comments/feedbacks sa mga story mo—kung meron man? (Sumagot ng nobela, at least 10 chapters. Joke lang.)

-          Uhmm, hindi ko nalang pinapansin kasi yung can’t please everyone. I have to accept the fact that not everyone will like my story and ang mga binabasa ko nalang, yung mga good comments pero minsan, hindi ko din maiwasan na malungkot sandali tapos iisipin ko na bahala nalang sila tapos okay na XD

8.      Bukod sa pagiging writer, ano pa ang isa mga pangarap mo?

-          Pangarap kong maging fashion blogger talaga hahahaha tsaka yung mga nago-organize ng events like rave parties ganon! Pasaway na bata talaga ako. Sorry! Hahahaha! Gusto ko din magkaroon ng business and syempre related siya sa fashion. Ang dami ko nang gusto, ayan tuloy!

9.      Meron ka bang paboriting libro na minsan ay naisip mong ikaw na lang ang nagsulat? Ano 'yon at bakit?

-          Ahh, di kasi ako masyadong book lover and hindi ako mahilig magbasa ng books as in books. Mas gusto kong nagbabasa sa phone pero gusto kong i-try basahin yung “To all the guys I loved before” kasi sabi nila maganda daw yun aaaaaand feeling ko talaga maganda kaya babasahin ko yun! Siguro ayun nalang muna sa ngayon. Hehehe!

10.  Sino ang mga hinahangaan mong Filipino writers? At ano ang impluwensiya nila sa pagsusulat mo ngayon?

-          Si Ms. Jonaxx. The best talaga si Queen J. Yung form of writing niya, the characters, yung mga ginagawa at pinupuntaha ng characters niya ay sobrang cool! Nakaka-inlove yung mga character niyang lalaki. Hindi dahil hot yung pagkakadescribe niya sa story (HAHAHA!) pero dahil dun sa way kung pano niya mahalin yung girl character or kung pano niya habulin (like Rozen) ganun! Super awesome talaga! Naimpluwensyahan niya yung form of writing ko. Kung dati ay parang movie na may..

*tok tok*

Pa akong effects, eh ngayon hindi na at dahil kay Queen J yun. Yung tipong ide-describe lahat ng ginagawa nila kasi narealize ko na sa ganung paraan ay mas lalong naiimagine ng readers yung binabasa nila.

11.  Saan ka kumukuha ng mga inspirasyon sa mga plot mo? (Hindi ko ito ipagkakalat, pramis.)

-          Experience. Experience galing sakin or galing sa mga kaibigan ko or galing sa mga taong nasa paligid ko. Experience is the best teacher kaya experience ang mga magandang isulat syempre dadagdagan nalang ng humor yun para hindi hashtag emo. Hahaha!

 

12.  Titles of your published and to be published book…

-          A Rose between Two Thorns – to be published

 

13.  Ano ang side mo doon sa mga nagsasabing dahil sa wattpad ay marami na ang nabubuntis at nag-aasawa ng maaga?

-          It’s their choice kung gusto nila magpabuntis o magasawa ng maaga. Anong kinalaman ng wattpad sa desisyon nila? Libog lang yan, isasama pa yung wattpad. Edi wow naman!

 

14.   If you will be given a chance (alam kong may chance naman talaga) to step out from your comfort zone, anong klaseng istorya ang isusulat mo?

-          Gusto ko ng mala-Fifty Shades of Grey chos! De, seryoso. Gusto ko mala-erotic novel naman para bago kaso di ko pa carry dahil bata pa ako. 9 months nalang guys! Gagawa na ako ng secret account para sa erotic novels XD

 

15.  Payo mo sa mga aspiring writers?

-          Isulat niyo lang lahat ng naiisip niyo o naiimagine niyo. Wag niyong isipin yung what if’s kasi magiging grudge lang yun. Remember, you’re writing to express, not to impress. Maniwala lang kayo sa sarili niyo na magagawa niyo, paniguuradong magagawa niyo yan! Kayo pa!

Interview With The LIB WritersWhere stories live. Discover now