Date: March 10, 2015
Penname: vampiremims
1. Introduce/describe yourself…
- Uhm. Don't know what to say sa part na 'to. Hahahaha! Uh, I'm 21 years old. Future educator. Lol. Self-proclaimed noob. Haha.
2. When did you start writing?
- 2013.
3. Nakakapagod pala mag-English. Kaya… saang tadyang mo hinugot ang penname mo? Ano ang problema mo?
- My mom used to call me Mimi. Tapos my friends called me Mims. Mas kyot daw e. Tapos I am so in love with vampires. Pinagsama ko so ayun. Ice na?
4. Ano ang naramdaman mo noong kinontak ka ng LIB o noong nalaman mong na-approve ang story mo? Alam kong masaya, pero ano ang kuwento?
- Actually, hindi ako naexcite ng bongga. Hahahahahaha! Si Sir Jun ang unang magmessage sa akin. Hindi ko nireplyan. Malay ko ba kasi kung totoo. Huhu. Tapos ang dream ko talaga is SUMMIT. Hahaha. Tapos Miss Agnes messaged me. Ayun na. Nakipag-usap na ako sakanya. Kasabay nun, nimessage na ako ng Summit at Bookware. Hahaha. Pero pinili ko na ang LIB. Kasi feeling ko, masaya sa LIB. Though, may regrets ako ngayon. HAHAHAHAHAHA.
5. Sino ang nagtulak, nanadyak, bumugaw sa 'yo na magsulat? Sino ang mga inspirasyon mo sa pagsusulat?
- My mom, I guess? Ewan ko. Passion ko na talaga magsulat e. Nung dumadami ang readers ko, nagiging part na sila ng dahilan kung bakit ako nagsusulat.
6. Ano ang routine mo o writing process mo o ritwal mo bago magsulat? Paki-describe, briefly.
- Wala e. Kapag trip ko, magsusulat ako. O kaya ano, kinakausap ko sarili ko. Nilalagay ko ang character sa sarili ko. Self talk talaga. Hahaha. Kabaliwan at its finest.
7. Paano mo tini-take ang mga negative comments/feedbacks sa mga story mo—kung meron man? (Sumagot ng nobela, at least 10 chapters. Joke lang.)
- Minsan, sumasagot ako. Lalo na kapag sobra na. Haha. Minsan, dedma. Hindi ko naman mapplease lahat. Try ko na din iblock minsan. Kabwisit e. Nakikibasa nalang, aarte pa. Grrr.
8. Bukod sa pagiging writer, ano pa ang isa mga pangarap mo?
- Makapag-asawa ng mayaman. Echos! Hahahahaha. Maging teacher.
9. Meron ka bang paboriting libro na minsan ay naisip mong ikaw na lang ang nagsulat? Ano 'yon at bakit?
- FSOG. HAHAHAHAHAHAHA. Ang hot ni CG e. Naiisip ko, bakit ba hindi ko naisip 'yun noon. Hahahahaha.
10. Sino ang mga hinahangaan mong Filipino writers? At ano ang impluwensiya nila sa pagsusulat mo ngayon?
- Martha Cecillia. Sofia Francesca. Dior Madrigal. Ang astig kasi nila gumawa ng kwento. Kapag nababasa ko ang gawa nila, naiisip ko, someday, I can be like them, too.
11. Saan ka kumukuha ng mga inspirasyon sa mga plot mo? (Hindi ko ito ipagkakalat, pramis.)
- Experiences. Pero VIRGIN pa ako! Hahahahahaha. Minsan, 'yung gusto kong mangyari sa buhay ko, ganun.
12. Titles of your published and to be published book…
- His Bed Warmer Wife.
13. Ano ang side mo doon sa mga nagsasabing dahil sa wattpad ay marami na ang nabubuntis at nag-aasawa ng maaga?
- Letse sila. Dejoke. Siguro naman, walang kinalaman ang wattpad sa taglay na kalandian ng bata. Sus. Buti sana kung may nakalagay sa stories na gayahin nila kundi magkakabuni sila sa pempem. Hindi naman. They should know their limits, too. Tsaka ang mga magulang, dapat napapayuhan din ng tama ang bata.
14. If you will be given a chance (alam kong may chance naman talaga) to step out from your comfort zone, anong klaseng istorya ang isusulat mo?
- Story about fixing the past. 'Yung makakabalik ka sa past para ayusin ang mali mo. Ganun.
15. Payo mo sa mga aspiring writers?
- Never ever ever write to become famous. Write from the heart and the numbers should not matter. Number lang 'yan. Isulat mo kung ano ang gusto mo at gamitin mo 'yun para maging isang modelo ng mga kabataang babasa ng kwento mo at magbabago ang buhay dahil sa'yo.

YOU ARE READING
Interview With The LIB Writers
RandomKilalanin ang inyong mga paboritong LIB Writers. ^^