JaedelMhae (March 11, 2015)

322 16 0
                                        

 

Date: March 11, 2015

Penname: Jaedel Mae Peralta (LIB), Jaedelicious (Booklat), JaedelMhae (Wattpad)

1.      Introduce/describe yourself…

-          Maingay, madaldal, haliparot kapag kasama ang mga kaibigan. Tahimim lang kapag di feel ang kasama. Madalas walang preno ang bunganga, kung anong naiisip ko bigla ko na lang sinasabi. Walangya din. Minsan walang pakundangan kong pinagtatawan ang kasabay sa jeep kapag nakakatawa talaga, may pag-turo pang kasama. Kadalasan lagalag. Di napirmi sa iisang course. TAMAD. SOBRANG TAMAD. Hanggang tatlong utos lang ang susundin. Ayokong napapagod. MATAKAW. Mahal na mahal ko ang pagkain.

2.      When did you start writing?

-          Nag-start ko magsulat nung 10 years old. Isa ako sa writer ng school publication namin. Kaso sa news writing ako nakalagay. Nag-start lang ako ng mga story talaga nung 11 na ko pero malapit ng mag-12. Power Ranger na may halong Encantadia. Hahaha. Pagpansensiyahan na. Paborito kasi eh.

3.      Nakakapagod pala mag-English. Kaya… saang tadyang mo hinugot ang penname mo? Ano ang problema mo?

-          Yung JAEDEL acronym yan (Jolly, Angelica, Eloisa, Divine, Ella, Leslyn). Pinagsama-sama ko yung first letter ng mga pangalan naming magb-bestfriend. Yung Mae galing sa realname ko. Yung Peralta ah apelyido yan ng crush ko na masarap bwisitin hanggan umusok ang bumbunan at sumigaw ng "Shut Up!" . Yung Jaedelicious kainartehan ko lang yan. Hehehe

4.      Ano ang naramdaman mo noong kinontak ka ng LIB o noong nalaman mong na-approve ang story mo? Alam kong masaya, pero ano ang kuwento?

-          Nagulat ako siyempre, nakagat ko pa yung kamay ko na gamit ko sa pagkain, kumakain kasi ako nun. (Kain PG kasi, naka-kamay) Tapos nung binasa ko ulit ayun nagtatalon ako tapos sigaw ako nang sigaw. Namura pa ko ng tatay ko. Ingay ko daw. Bwitith. Basag trip. Hahaha. Tapos after ko magbunyi bigla akong nagduda kasi nagtext lang si Ms.A nun eh.

5.      Sino ang nagtulak, nanadyak, bumugaw sa 'yo na magsulat? Sino ang mga inspirasyon mo sa pagsusulat?

-          Ako lang. Siguro para talaga ako dito kasi nga bata pa lang ako nagsusulat na ko. Marami akong inspirasyon sa pagsusulat ngayon. Aira Ledesma, Andrea Almonte, Sonia Francesca, Sofia, Arielle, Keene Alicante. Puro tagalog romance novel writer talaga tinitingala ko, di kasi ako masyado sa English novel. Sila yung mga inspirasyon ko. Magaling kasi sila para sa akin. Inspirasyon ko rin ang bawat tao sa paligid ko, kahit hindi ko kilala.

6.      Ano ang routine mo o writing process mo o ritwal mo bago magsulat? Paki-describe, briefly.

-          Maghahanap ng story na hindi kagandahan at bubwisitin ang sarili ko. Kapag asar na ko magsa-soundtrip ako. Makikinig sa radio. Aabang ng mga hugot na kanta. Tapos habang nakikinig mag-iisip ng mga eksena at itatanim ko sa kukote ko na wag umisip ng nakakabwisit na eksena na tulad sa nabasa ko. (Pero minsan feeling ko may corny rin sa sinusulat ko. Hahaha. Feeling ko lang naman, feelingera ako eh). Tapos kapag nakapag-isip na ko derecho dutdot na ko sa phone habang nakikinig pa rin sa radio (Sa phone lang ako nagtatype)

Magugustuhan mo rin ang

          

7.      Paano mo tini-take ang mga negative comments/feedbacks sa mga story mo—kung meron man? (Sumagot ng nobela, at least 10 chapters. Joke lang.)

-          Deadma lang. Bahala sila sa buhay nila, ma-stress sila. LOL. Bukod sa feedback ng PHR nun sa pinasa kong manus na return. Wala pa akong natatanggap na ibang negative comment. Yung sa PHR tinandaan ko yun at kinonsider ko na magagamit sa future para mag-improve yung writing style ko.

8.      Bukod sa pagiging writer, ano pa ang isa mga pangarap mo?

-          Pangarap ko talaga maging broadcaster eh. Yung tipong ako yung magbabalita ng nagaganap na giyera sa ganung lugar. O kaya yung mga extreme na balita talaga yung irereport. Grade 6 pa lang ako pangarap ko na yun eh.

9.      Meron ka bang paboriting libro na minsan ay naisip mong ikaw na lang ang nagsulat? Ano 'yon at bakit?

-          Yung Bronze Angel ni Arielle. Isa sa Phoenix Saga. Ang astig kasi nung kwento na yun. Action-Comedy-Romance-Mystery. Basta galing na galing ako kay Arielle nun. 8 years ago mula ng mabasa ko yun at tanda ko pa rin hanggang ngayon kasi tumatak talaga sa isip ko yun. Pinangarap ko na nga ring makagawa ng ganoong klase ng story eh.

10.  Sino ang mga hinahangaan mong Filipino writers? At ano ang impluwensiya nila sa pagsusulat mo ngayon?

- Andrea Almonte (Grade 6 akong makabasa ng gawa niya) , Si Aira Ledesma (ka-kyoot ng mga story niya) Sofia, Arielle, Keene Alicante at siyempre Sonia Francesca. Di ko alam anong impluwensiya nila sa akin. Siguro yung pagsusulat ng Romance talaga. Kasi yung sinulat ko na mga dati parang mga kaabnuyan lang talaga ng isang bata eh. Sino ba namang matino na pagsasamahin ang Encantadia at Power Rangers di ba? So yun, siguro dahil sa kanila kaya naengganyo ko magsulat ng romance novel. Tsaka yung novel na 3rd person's POV.

11.  Saan ka kumukuha ng mga inspirasyon sa mga plot mo? (Hindi ko ito ipagkakalat, pramis.)

-          Sa paligid-ligid. Gaya ng sabi ko sa About The Author ko sa libro kong na-publish na. "Everything under the sun can inspire me". May pagkakataon na nanonood lang ako ng liga ng basketball, habang nanonood may makikita akong kung ano tapos bigla mag-iimagine na ko habang nanonood. Minsan sa panaginip. Kapag may panaginip ako na tanda ko pa rin paggising ko, isusulat ko agad kahit saan, kahit sa dingding wag ko lang makalimutan. Kung saan saan lang ako humuhugot ng plot, minsan dahil sa kadaldalan ko nakakabuo na ko ng plot habang nakikipagchikahan.

 

12.  Titles of your published and to be published book…

-          Keep Calm and Love Cool (Published)

-          Scent of Love

-          Set My Heart on Fire

 

13.  Ano ang side mo doon sa mga nagsasabing dahil sa wattpad ay marami na ang nabubuntis at nag-aasawa ng maaga?

-          Jusme naman, parang tanga talaga yung mga nagsasabi nun. Kapatid ko nga ni hindi nagbabasa ng libro nag-asawa agad pagtuntong ng 18. Wala yan sa Wattpad o sa kahit anong libro, nasa tamang pag-iisip yan. Minsan kahit tama ang paggabay ng magulang kung yung bata madaling masulsulan ng mga kabarkada at may katangahan talaga. Delikado talaga yun.

 

14.   If you will be given a chance (alam kong may chance naman talaga) to step out from your comfort zone, anong klaseng istorya ang isusulat mo?

-          HORROR T^T . Matatakutin talaga ako at malakas ang imagination ko kaya hindi ko kinakayang magsulat ng horror.

 

15.  Payo mo sa mga aspiring writers?

-          Sumulat kasama ang puso. Yayy. Deep. Hahaha. Write what your heart desires. Hindi yung susulat ka kasi iyon ang uso. At siguraduhing kapag susulat unahin mong iplease ang sarili mo. Alam ko selfish pero iba yung feeling kapag ikaw mismo ang na-satisfy sa gawa mo. Magaan sa feeling. Marerealize mo na lang na naka-smile ka kasi kinilig ka o naaliw ka sa sinulat mo. Kapag susulat dapat yung gusto mo talagang genre, hindi yung gagawa ka ng SPG kasi yun ang uso at doon maraming nagbabasa. Dapat yung kaya mong panindigan ang obra mo kasi kung makikiuso ka lang at di mo mapanindigan, malalait ka lang ng bonggang bongga. At wag na wag magpapaapekto sa number of reads. Alam ko importante o isa yan sa basehan pero tandaan iba pa rin yung kapag may totoong readers ka talaga. Hindi yung binuksan lang basta yung story mo. Aanhin mo ang million reads kung ang comment at votes ay nasa hundred plus lang? Matutong magtiwala sa sarili.

Interview With The LIB WritersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon