Nayertinker
"Ikaw, Ikaw, Ikaw"
Akala ni Mira, tapos na siya sa lahat ng bagay na may kinalaman sa pag-ibig. Wala na siyang balak masaktan, kiligin, o mahulog-lalo na sa sarili niyang best friend. Pero paano kung sa bawat tawa, asar, at simpleng pag-aalala, unti-unti niyang mare-realize na minsan, kahit anong iwas mo, ang puso mo pa rin ang susuko?
Sa mundo ng street foods, barkadang walang preno, at love na parang laro ng tadhana, matutuklasan ni Mira na minsan, ang hinahanap-hanap mong pag-ibig... matagal nang nasa harap mo.
Kasi sa dulo ng lahat ng kwento niya, isang pangalan lang ang binabanggit ng puso niya-Ikaw, ikaw, ikaw.