roseaki_05
Simula ng pinanganak ako at nagkaroon ng muwang sa mundo lahat ng bagay pilit kong inintindi. Sa murang edad pinag aralan ko mga bagay kung paano kumilos ang isang matanda at kung paano sila mag isip.
Pinilit kong itago ang mga natutunan ko para sa ikatatahimik ng buhay ko. Dahil pakiramdam ko ang pagkakaroon ng walang alam ay paglayo sa mga bagay na maaring makasakit sakin.
Sa sulok ng bahay namin kung san ako madalas na nakakaramdam ng kasiyahan ay siya ring lugar ng aking kalungkutan.
Kahit anong gawin kong pag iwas sa maaring makasakit sakin. Dumarating ako sa punto na tumutulo pa rin ang mga luha ko. Walang tigil sa pagpatak. Tanging luha ko lang ang aking naririnig . Gusto kong sumigaw. Gusto kong magalit.
"Ahhhhhhhh!!!! TIGILAN NYO NA KO GUSTO KO NG MAMATAY! Pakiusap layuan nyo na ko. SAWANG SAWA NA KO SA INYONG LAHAT."
Kahit anong gawin kong mabuti sa ibang tao wala man lang nangyayari sa aking maganda. Kahit isa wala.
Matapos kong ilabas ang aking mga hinanakit . Isang yabag ang narinig ko. Kasabay nun ang paglabo ng aking mga mata. Pakiramdam ko bigla akong inantok. Gusto kong tingnan ang paparating ngunit unti unti na kong nilalamon ng dilim. Kasabay nito ang pagbagsak ko sa malamig na simento.
Palapit siya ng palapit. Unti unting lumalakas ang kanyang mga yabag.
Ito na po ba ang hinihintay ko? Kukunin nyo na po ba ko? Matatahimik na ba ako?
Matapos tumulo ang huling luha ko ang siya ring tuluyang pagpikit ng aking mga mata.
Isa lang palang panaginip. Ang lalaking papalapit sakin ay isa lang palang panaginip. Ngunit hindi ko alam sa sarili ko kung bakit ganito ang aking pakiramdam
Hindi siya maalis sa isip ko.
Dejavu...
Doon ko siya unang nakikilala. Sa aking panaginip. Ang taong gugulo sa buhay ko at siya ring umayos. Ang taong hindi ko inasahang magiging kadugtong ng aking mga huling sandali sa mundo. Ang taong tutupad sa last wish ko.