Aswang

437 1 0
                                    

MABANGIS, nakatatakot ang itsura at kumakain ng tao ang kadalasang paglalarawan sa aswang.

Sila ang mga nilalang sa dilim na sinasabing nagpapalit ng anyo mula hayop sa tao o kabaligtaran. Kilala rin sila sa tawag na “tik-tik,”

“wak-wak” at “soc-soc.” Ang term na aswang ay kalimitang ipinakakahulugan sa babae na may pangit na itsura, may mapulang mata, mahaba ang pangil at nangangain ng mga buntis. Ngunit may mga lalaki ring aswang. Ayon nga sa mga kwento higit na mas mabangis sila kaysa sa mga babaeng aswang.

Ayon sa nagpasalin-saling istorya ang mga buntis ang kanilang pinupuntirya dahil sa sariwa pa ang batang dinadala sa kanilang sinapupunan, Nais nila ng sariwa upang manatili silang buhay at malakas.

Ang mga aswang ay mythical creature sa Philippine folklore. Sinasabing sila ay mula sa pamilya ng mga nilalang na mala-bampira. Ayon pa sa mga nagpasalin-saling istorya ng aswang, ang pinakamarami ay sa ating bansa.

Maraming beses ng nasulat sa libro, sa internet at maging sa kwento ng mga matatanda, ay kilala ang kuwento ng mga aswang sa rehiyon ng Western Visayan na kinabibilangan ng Iloilo, Antique at Capiz. Ang mga nabanggit ay sinasabing bayan ng mga aswang.

Maraming haka-haka at kuwento tungkol sa mga aswang. Maski noong panahon pa ng mga Kastila ng sakupin nila ang Pilipinas. Ayon sa kanila, ang mga aswang ang pinakanakakatakot na nilalang sa Philippine folklore.

Ayon na rin sa mga ilang kakilala na naninirahan sa may Visayan region ay totoong may aswang at sila ay may kaniya-kaniyang kwento tungkol sa karanasan nila sa nasabing nilalang.

Iba-iba ang bersiyon ng kwento ng mga aswang depende sa lugar o sa mga taong nagkuwento kaya walang nakakaalam kung ano talaga ang kanilang itsura.

May nagsasabin din na sila ay namumuhay rin kagaya nating mga tao tuwing umaga. Marami rin ang nagsasabing hindi sila basta-basta nananakit kagaya ng napapanood natin sa telebisyon at pelikula. Ngunit ayon naman sa mga filmmakers ay hinango

lamang nila ang kanilang istorya sa pagsasaliksik at pag-i-interview sa mga tao mula sa lugar na nababalitang may aswang.

May ilan ding nagkukwento na sila ay maaaring nakasalamuha mo na. Dagdag pa, sila daw ay namumuhay kasama ng mga normal na tao. Sila ay nakakapankit lamang kapag sila ay nagawan ng masama ng mga tao. Halimabawa daw ay kapag nagalaw o nasira ng tao ang kanilang bahay o tirahan o kaya ay kapag sila ay nilait o sinaktan.

Totoo man o hindi ang kuwento ng mga aswang ay dapat nating igalang ang ating paligid at isiping may ibang nilalang na nabubuhay kasama natin sa mundong ipinagkaloob ng Diyos.

WAG ITONG BASAHIN !!!Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz