“Makulimlim sa labas, ah”, mahina kong sabi. Madilim sa loob ng aming bahay dahil pinatay ko ang ilaw. Sayang kasi ang kuryente. Ako lang ang tao sa bahay, hindi ko alam kung saan silang lahat pumunta.
Muli akong nahiga sa aming lumang sofa at ipinagpatuloy ang panonood ng black and white silent movie. Hindi ko alam ang pamagat ng pelikula. Hindi ko rin alam kung comedy ba ito, action, horror, o drama. Basta’t nagrerelax lamang ako dahil maya-maya ay papasok na ako sa trabaho.
Kinuha ko ang isang balot ng sitsirya na nakalagay sa lamesita sa harapan ko.
“Luma na ata ito,” sabi ko dahil malambot na ang sitsirya at wala ng lasa ngunit nagpatuloy pa rin ako sa pagkain.
“Dong! Dong! Dong! Dong! Dong! Sunud-sunod ang batingting ng maliit naming orasan na nakasabit sa pader, hudyat na alas-singko na ng hapon. Oras na upang maghanda at pumasok sa trabaho. Oras na upang makinig at makipag-usap sa mga kanong laging galit at gustong makipagtalo.
Dahan-dahan akong tumayo at napabuntong-hininga. Nakaligo na ako kanina at nakahanda na rin ang isusuot kong damit. Hinubad ko ang suot kong sando at pagkatapos ay kinuha ang kulay gray na polong nakahanger sa tabi ng cabinet sa aking kanan. Dahil tinatamad, parang ang bigat ng polo ng ito ay isusuot ko na.
Pagkatapos ay isinuot ko ang aking itim na pantalon at ang aking lumang sinturon. Matapos itong higpitan ay sinimulan ko nang magsuot ng medyas. Muli ay sinilip ko ang kalangitan mula sa aming bintana.
“Makulimlim sa labas, ah”, mahina kong sabi. Madilim sa loob ng aming bahay dahil pinatay ko ang ilaw. Sayang kasi ang kuryente. Ako lang ang tao sa bahay, hindi ko alam kung saan silang lahat pumunta.
Muli akong nahiga sa aming lumang sofa at ipinagpatuloy ang panonood ng black and white silent movie. Hindi ko alam ang pamagat ng pelikula. Hindi ko rin alam kung comedy ba ito, action, horror, o drama. Basta’t nagrerelax lamang ako dahil maya-maya ay papasok na ako sa trabaho.
Kinuha ko ang isang balot ng sitsirya na nakalagay sa lamesita sa harapan ko.
“Luma na ata ito,” sabi ko dahil malambot na ang sitsirya at wala ng lasa ngunit nagpatuloy pa rin ako sa pagkain.
“Dong! Dong! Dong! Dong! Dong!” Sunud-sunod ang batingting ng maliit naming orasan na nakasabit sa pader, hudyat na alas-singko na ng hapon. Oras na upang maghanda at pumasok sa trabaho. Oras na upang makinig at makipag-usap sa mga kanong laging galit at gustong makipagtalo.
Dahan-dahan akong tumayo at napabuntong-hininga. Nakaligo na ako kanina at nakahanda na rin ang isusuot kong damit. Hinubad ko ang suot kong sando at pagkatapos ay kinuha ang kulay gray na polong nakahanger sa tabi ng cabinet sa aking kanan. Dahil tinatamad, parang ang bigat ng polo ng ito ay isusuot ko na.
Pagkatapos ay isinuot ko ang aking itim na pantalon at ang aking lumang sinturon. Matapos itong higpitan ay sinimulan ko nang magsuot ng medyas. Muli ay sinilip ko ang kalangitan mula sa-
“T-Teka lang,” bigla akong natigilan. “Parang ginawa ko na ito, ah. Hindi ba’t nagbihis na ako at nagsuot na ng medyas?”
Muli ay tiningnan ko ang black and white na palabas sa TV. Hindi ko pa rin alam kung ano ang pinanonood ko. Basta’t may mga taong naglalakad, titigil, pagkatapos ay lalakad ulit.
Ibinaling ko ang aking tingin sa sitsiryang nasa lamesita. Wala itong tatak. Basta’t isa lamang itong plastic na kulay abo.
Dong! Dong! Dong! Dong! Dong!
Nagulantang ako sa tunog ng orasan, na sa pakiwari ko ay mas malakas pa kaysa sa kanina. Nang tingnan ko ang aking sarili, mas lalo akong nagulat na makitang nakasando at shorts akong muli. Ang aking polo ay pantalon ay maayos na nakahanger malapit sa cabinet sa aking kanan.

YOU ARE READING
WAG ITONG BASAHIN !!!
Paranormal. . . .Sabing wag basahin...hahahaha..makulet!!! ≧﹏≦ So ..nabasa mona nmn..ituloy mona.. READ this stories :)) COMPILATION po ito ng mga TRUE HORROR STORIES :)) nakuha ko lang sa internet//i don't own this :)).hahah.(many sources)