UP GHOST STORIES, SUPERNATURAL ENCOUNTERS & URBAN LEGENDS

429 1 0
                                    

Taga-UP Diliman ka kung…” I came across these ghost (etc.) stories shared by several members. Creepy, intriguing, timeless…..enjoy reading!

 1) Sam Serrano: Sa isang UP dorm, Girl #1, natutulog facing the wall. Nagising dahil sa iyak ng isang babae. Takot na takot syang nagtalukbong at nagpilit matulog ulet. Kinabukasan… 

Girl #1: Grabe! Takot na takot ako kagabi. Nakarinig ako ng babaeng umiiyak! Di ka ba nagising?! 

Girl #2: Ano ka ba… ako un!!! Nakita ko kase ung bed mo… NAKAANGAT!!!

2) David John Villena Angeles: Yung isang ikot jeep, iniba ng driver ng ikot ung ruta nya nung mag-isa na lang ung girl na sakay nya. Nag-ask ung girl bakit iba ang dinaanan. Sagot ng driver,”Pagbaba mo, sunugin mo ung damit mo, nakita ko sa salamin wala ka ng ulo. “

3) Vanessa Mei Paderagao : After nung Freshteeg concert, madaling araw naglalakad ako kasama ng friends ko. Then, napansin ko na may naka barong sa harap ng Vargas (museum), tapos parang glow in the dark sya. Nung nilapitan ko, walang ulo!!! Takbo kami haggang Philcoa eh! Nagulat ako kasi ang-saya saya namin nun, tapos biglang pagtapat namin sa Vargas, tumaas lahat ng balahibo ko! Eh, ako naman si gaga, nilapitan ko pa yung mama, yung pala mamaw!

4) Rhyan Regondola: Kwento naman sa Wilfrido Ma. Guerrero Theatre, merun daw naaksidente dun. Faulty wiring daw or something. Basta namatay sa loob mismo ng teatro, but it was kept under wraps kasi nga baka wala nang pumunta dun kapag nalamang may namatay. Then recently, 10+ years later, habang may mga nag-eensayo for a DUP play ng madaling araw, may kumatok daw sa pinto. Pagbukas nila- pizza delivery. Nagtaka daw sila kasi wala naman daw silang pinapadeliver na pagkain, pero since andun na nga napilitan na lang silang kunin at bayaran. Nung tinanong nila kung sino, first name lang ang binigay. At nung tinanong nila yung caretaker kung may alam siya kung sino, nagtayuan na lang daw ang mga balahibo nila, dahil sabi ni Manong, “Ay kapangalan niya yung, namatay dito dati, pero matagal na yun”.

5) Erickson T. Dizon: Naku, isa pa yung teatro na yun! Maraming kwento diyan ang mga Theater majors natin. May alam akong isa. Siyempre, bago magsimula ang show, tahimik lahat ng artista sa backstage. Madilim siyempre dahil makikita sila pag binuksan ang kurtina. Minsan raw, alam nung isang artista na mag-isa lang siya sa lugar niyang standby niya.  Pero may bumulong sa kanya ng “Break a leg.” na malapit a tenga niya. Babae raw yun. same kwento all over, different people….

6) Adrian Mendizabal: I have a strange encounter sa kalay (Kalayaan Dorm for freshmen). Year 2006. Third floor boy’s wing. Hapon nun. Naglalaba ako ng briefs sa washroom. Pinatawag si manong janitor pababa ng office, kakausapin daw ni Ma’am Tirona. Naglilinis sya ng banyo namin nun. Mabilis na dumaan yung manong janitor. Pero di ko lang pinansin kasi busy ako sa paglalaba. Pero, after a few minutes, bumalik sya pero shet! Pabaliktad yung lakad nya at naka-smile sya na tumitingin sa akin. Parang nademonyo! Pero nung tiningnan ko sa CR, wala namang tao. Nung bumalik si manong janitor, tinanong ko kung dumaan sya kani-kanina lang. Hindi naman daw. Matagal daw sya sa baba, dahil nga nakipagusap kay Ma’am Tirona. Tumindig talaga balahibo ko nun!!!

7) Karl Benjamin Fajardo: May prof daw na, against warnings ng mga tao, eh nag overtime sa Educ Bldg. Tapos nung madaling araw daw, may kumakatok or may sound sa labas ng door nya, pero nung sinisilip nya sa door knob, pula lang nakikita nya sa kabilang side. Tapos, nalaman nya na lang kinabukasan na defining trait pala ng multo sa Educ eh yung pula nyang mata. 

 8) Karl Benjamin Fajardo: May dormer sa Yakal na nagising madaling araw. Nagulat siya kasi alam nyang siya lang mag-isa sa room nila. Pero pagtingin nya sa top bunk, may naka-dangle na two sets of feet: isa sa bata at isa sa matanda. Nanigas daw siya sa takot kasi naririnig nya daw silang nag uusap.

WAG ITONG BASAHIN !!!Where stories live. Discover now