Chapter 12

29.3K 1.1K 66
                                    

#ChainedtothePastWP

Chapter 12
Fool

The delicious aroma of the food he made filled my nose. Based on the food's presentation, it looked delicious. I'm just not sure how it tastes though. Hindi ko alam kung puwede na ba akong magsimulang kumain hangga't wala siyang sinasabi. And I felt like it's rude to start eating without the host on the table.

I remained sitting quietly on the dining chair after Alastair asked me to sit as he was done preparing our food. Siya naman ay bumalik sa kusina para magtimpla ng juice. Hindi rin naman nagtagal ay bumalik din siya sa hapag.

"Hindi ka pa nagsimulang kumain," puna niya nang makitang hindi ko pa nagagalaw ang pagkain.

"Hinihintay kita..."

He casually sat in front of me then poured juice on my glass.

Napanguso ako habang pinapanood siya. Kanina lang ay iritadong-iritado siya sa akin dahil sa panghihimasok ko sa kanyang buhay, pero ngayon ay inaasikaso niya pa ako.

Sino ba talaga ang totoong Alastair?

When he finished pouring me juice, he glanced on my empty plate before fixing his gaze on me. "Do you want me to put food on your plate too?"

Napaawang ang aking mga labi. Mabilis akong umiling at kumilos para kumuha ng pagkain. Nang matapos ako ay siya naman ang naglagay sa kanyang pinggan.

Tahimik kong pinulot ang mga kubyertos para makapagsimula nang kumain. I could feel Alastair's eyes on me when I cautiously took a bite of his dish. Bahagyang nanlaki ang aking mata. Hindi ko naitago ang naging reaksyon sa kanyang nilutong ulam.

One bite and the flavors burst like fireworks inside my mouth. It's not just edible, but it tasted incredibly delicious.

Masarap magluto si Nanay, ngunit hindi ko maitatangging kayang tapatan ni Alastair ang mga luto niya. Ganoon ito kasarap! Hindi ko nga lang masabi sa kanya na sobrang sarap ng luto niya dahil nahihiya ako kaya nagpatuloy na lang ako sa pagkain.

"I thought you're not hungry."

I stopped midway from getting another scoop of rice when he suddenly spoke. Napalunok ako bago nahihiyang nag-angat ng tingin sa kanya. His brows were shot up while looking at me.

"Uh... Gutom pala ako," sabi ko na lang at saka binaliwala ang mapang-inis niyang tingin sa akin.

Before I pulled my stare away from him, I saw how his lips twitched to suppress his laughter.

"If you want more rice, I'll get more from the rice cooker."

Mabilis akong umiling. "H-hindi na! Masyado na akong madaming nakain."

Alastair just smirked and shrugged his shoulders as he continued eating. Now, I got conscious trying to finish my meal because he was watching me eat. Kaya ko sanang kumain nang mabilis lalo na kapag masarap ang pagkain pero dahil sa kanyang pagsulyap-sulyap na talaga namang nakakailang, bumabagal tuloy ako.

Nang maglakas ako ng loob at nag-angat ng tingin sa kanya, hindi man lang niya iniwas ang kanyang tingin sa akin. He held my stare like he wasn't afraid that I would know he's watching me. Halos mabulunan tuloy ako.

I coughed and tapped my chest using my fist. Inabot naman agad sa akin ni Alastair ang juice at wala kong pag-aalinlangang inubos ang isang baso.

"You should stop being so tensed around me," he suddenly said, and I realized that he knew I was having a hard time being comfortable around him.

Siguro ay natutuwa siyang inisin ako kaya wala siyang tigil kakatitig sa akin kanina. Alam niyang hindi ako kumportable dahil naiilang ako sa kanya.

Chained to the PastWhere stories live. Discover now