#ChainedtothePastWP
Chapter 1
LiaMy head was throbbing in pain the moment I woke up. It was hard for me to see clearly after I opened my eyes. Everything was blurry. A minute had to pass before my eyes were able to adjust.
Saktong paglinaw ng aking paningin ay ang paglapit ng isang batang babae na mukhang kasing edad ko lamang. Bakas sa kanyang bilog na mga mata ang pagkagulat nang magtama ang aming tingin sa isa't isa.
"Na-nanay!" Nataranta na siya at saka tumakbo palabas ng silid. "Nanay! Gising na 'yong babae! Gising na siya!"
While she was out to call her mother, I took that opportunity to let my eyes wander around the small room. The walls were made up of semented bricks. Kung titingnan mo ay mukhang hindi pa tapos gawin ang kanilang bahay dahil wala pa itong pintura. Sa taas naman ay kitang-kita mo ang mga dos por dos na kahoy na nakasuporta sa bubong.
Sa labas ay naririnig ko ang pag-ihip ng hangin at pati na rin ang pagkaluskos ng mga dahon at sanga ng puno. Hindi ko na kailangang sumilip pa sa labas ng bintana para malaman na nasa isang probinsya ako. Wala ako sa siyudad.
It was all a very unfamiliar sight and feeling for me. Pakiramdam ko ay wala ako rito dapat ngayon. Kahit na hindi ko maisip kung saan ang aking pinanggalingan, nararamdaman kong hindi ganito ang aking kinalakihan na kapaligiran.
"Diyos ko! Gising ka na nga!"
Nilingon ko ang bukana ng pintuan. Nakatayo roon ang isang may katandaan na babae na naka tee shirt at saya. Ang batang babae kanina na una kong nasilayan kanina ay nakasilip mula sa kanyang likuran at tila natatakot sa aking presensya.
Habang pinupunasan ang basang kamay sa saya ay lumapit sa akin ang babae nang may ngiti sa kanyang labi. Sa sobrang rahan ng kilos niya, hindi ko alam kung bakit medyo napaatras pa rin ako sa kaunting takot na naramdaman.
"Huwag kang matakot..." mahinahon niyang sabi. "Hindi kita sasaktan."
Because of her reassuring voice and smile, I was able to keep myself calm for a bit. I let her touch my forehead as she was trying to feel my temperature.
"Mabuti naman at wala kang lagnat." Napangiti siya at saka nilingon ang anak na nasa may pintuan pa rin. "Dia, kumuha ka nga ng tubig na maiinom."
Her daughter dashed her way out to obey her mother's order, while she continued to check on me for any possible pain that I was feeling on my body. However, aside from a throbbing headache, I was feeling surprisingly fine.
Hindi nagtagal ay bumalik na ang kanyang anak na may dalang isang baso ng tubig. Nagmamadali siyang iniabot iyon sa babaeng nasa aking harapan at saka patakbong nagtago ulit sa pintuan ng kuwarto. Ayos na sa kanya ang sumilip lamang sa loob.
"Heto..." Maingat na binigay sa akin ng babae ang baso. "Uminom ka muna ng tubig."
Even though I was feeling very hesitant, I accepted the offer and slowly drank the glass of water while being wary of my surroundings. Agad akong nakaramdam ng ginhawa nang makainom. I suddenly had the urge to speak now. Ang dami kong gustong sabihin, ngunit hindi ko alam kung saan at paano ako mag-uumpisa lalo na kung wala akong maisip na dapat sabihin.
My mind was completely blank.
I tried to search for information, but I couldn't provide myself what I needed. Hindi ko alam kung ano ang nangyari o kung bakit ako nandito ngayon. Hindi ko kilala kung sino ang mga taong nakakaharap ko ngayon. And the moment I realized I didn't know my own identity, I got so terrified.
Napaawang ang aking labi at nabitawan ko ang plastik na baso. Umalingawngaw sa maliit na kuwarto ang tunog ng pagbagsak nito sa sementong lapag.
"Ano'ng nangyari? Ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong ng babae. "May masakit ba sa'yo? Sabihin mo sa akin."

BINABASA MO ANG
Chained to the Past
General FictionRegret, guilt and fear are embracing her soul. Throughout the years that has passed, Linette Afia is still chained to the past of the unforgettable tragedy. But despite the burden and heavy feeling, she does not want to find the key to the lock of t...