Hi! Ikaw lang pumansin sa pa-emote kong stat kaya para sa 'yo 'to ^^
*hulaan nyo nga kung san galing yung characters dyan? whahaha... di nyo napansin noh? :p*
--
GUTOM AKO.
Hindi ako kumain ng hapunan kagabi. Hindi rin ako nakapag-agahan dahil baka ma-late sa work. Ngayong tanghali, iniwanan ako ng mga magagaling kong lunch dates kaya eto ako ngayon... NGANGA.
Nakakatamad naman kumaing mag-isa.
"Jin, di ka kakain?"
"Di na." Sagot ko sa office mate ko na kakagaling lang sa CR para mag-tooth brush. Mag-li-late lunch daw sya eh. Pagbalik ko kanina sa area namin, wala na sya. Kumain na din pala. Ayun, lalo akong nawalan ng gana.
Titiisin ko na lang 'to hanggang makauwi.
Napasulyap ako bigla sa kaliwa ko. Tumayo kase si Joshen. Di ko alam kung kakain na ba sila. Mag-aala-una na eh.
Si Joshen... sya yung office crush ko. Hirap pigilin eh. Kahit anong iwas ko... nagustuhan ko pa rin sya. Sya yung typical na mysterious guy. Tahimik. Hindi papansin. Silent lang na kahit sa mga biruan hindi nasali. Pero wagka, kung makangiti yan... ang gwapo lang. Hehe...
Nag-iwas ako ng tingin ng biglang mapagawi yung mata nya sa 'kin.
"Jin."
"Oh?"
Napamura ako ng mahinang-mahina sa utak ko ng pagtingala ko ay si Joshen na pala yung nakatingin sa 'kin.
"B-Bakit?"
"Kain tayo."
"Ha?"
Wow... seryoso? Inaaya nya 'kong kumain? Ni hindi nga kami nag-uusap o nagbabatian sa hallway tapos aayain nya 'kong kumain?
"Seryoso ka?" Tanong ko ng nahimasmasan.
"Hindi ka pa kumakain di ba?" Pabalik nyang tanong.
"Pano mo nalaman?"
"Nakita ko eh. Hindi mo ginalaw yung baon mo."
Nanlaki yung mga mata ko dun.
"Tinitingnan mo ako?"
"Di ah."
Iwas ng tingin.
"Ngayon lang..."
Tingin sa sapatos.
"Ulit."
Tingin sa 'kin. Yung totoo Joshen... ako ba ang gutom o ikaw? Haha...
"Wala akong gana eh." Sabi ko sa kanya.
"Tss. Baka mag-ka-ulcer ka nyan."
"Meron na ata." Kakasuka ko lang ng may dugo last week. Tsk. Masama na 'to.
Pinanlisikan nya 'ko ng mata. "Tamo 'to."
"Bakit ba parang concerned na concerned ka? 'Wag ka nga. Baka mamaya iba isipin ko."
"Eh di isipin mo yung gusto mong isipin... di naman kita pipigilan eh."
Ngumiti sya. Ang gwapo nya lang talaga...
"Hindi sige. Kumain ka na. Inaantay ka na yata nina George."
"Di ako sasabay sa kanila." Sagot nya.
"Bakit?"
"Para masabayan kita. Halika na."
"Hindi. Wag na. Di ako kakain." Nakakahiya kaya. Ano yun, kaming dalawa lang? Eeee... ayoko. >_<
"Naglakas loob na nga akong ayain ka tapos hindi ka sasama?" May halong tampo nyang sabi.
"Eh kase..."
"Halika na." Hinatak nya ako patayo.
"Uy teka!"
"Wag ka na umangal. Nagugutom na 'ko."
"Wala akong dalang pera!"
Magkahawak kami ng kamay... lalala...
"Libre ko." Hindi nya ako nilingon. Dere-deretso kami hanggang dun sa may kay manong guard na kalalapad ng ngiti. Close kase kami nun. Haha...
"Boss, pabukas. Naiwan ko ID ko." Sabi ni Joshen kay Manong. Sumaludo naman si Manong guard saka binuksan yung pinto.
Paglabas namin, agad pinindot ni Joshen yung down button saka kami nag-antay ng elevator.
"Tagal naman."
"San tayo kakain?" Tanong ko.
"San mo gusto?"
"Jollibee. Gusto ko ng spaghetti."
Umiling sya. "Lagi ka na lang naka-spaghetti. Depressed ka ba lagi?"
Eh? Pati yun alam nya? Kapag kase badtrip o depressed ako, bumibili ako ng Jolly spaghetti.
"Di pwede. Tinola ang kakainin natin."
"Ganun?" Haaay... sige na nga...
Maya-maya, may elevator na pababa na. Hinila nya ako pasakay dun saka pinindot yung G button.
Siksikan pa nun. Nakisiksik lang kami. Humawak sya sa balikat ko dahil nasa likuran ko lang sya. Nakakatawa lang isipn pero kinikilabutan yung balikat ko sa maliit na contact na yun.
"Ground floor."
Pagkabukas ng elevator, lumabas na ako tapos naglakad palabas ng building. Pupunta akong 7-11 para bumili ng Hotta Rice. Yung menudo.
Gutom na gutom na kase talaga ako.
Sa sobrang gutom ko...
Ang lakas ko lang mag-imagine.

YOU ARE READING
Music and Lyrics (one-shots)
Short StoryIto ay mga kwento na dala ng musikang pinapakinggan ko. Enjoy reading. ^^ P.S. I don't accept requests.