#21 Best Thing I Never Had by Beyonce

34.8K 890 101
                                    

Kasal ko na...

Sa wakas, makalipas ang mahabang-mahabang panahon ng pagiging in love ko sa 'yo... nakalaya na rin ako. It's a bittersweet feeling really. Halos buong buhay ko, minahal kita. Ikaw ang una kong nakilala, unang minahal, unang inalagaan at unang iniyakan.

Akala ko habambuhay na tayo.

Hindi pala...

 

"It's settled then. Magkita tayo after 9 years. Kapag wala pa tayong asawa by then, tayo na lang... okay?"

 

Yan ang huling salitang binitawan mo bago mo ako tuluyang iwan. Sana pala pinigilan kitang umalis noon. Who knows, right? Baka maging tayo ulit.

Pero syempre pa hindi ko ginawa. Halata namang gusto mo ng makawala sa 'kin eh. Gusto mo ng maging malaya. Will you be happy kung itatali kita sa 'kin?

Hindi naman di ba?

Kaya hinayaan na lang kitang umalis. Kase alam mo ba? Hindi na rin kaya ng mata ko. I couldn't hold back my tears anymore.

But I held on to that deal.

Only to be shattered once more after nine years. Hinintay kita ng siyam na taon. Umasa akong may babalikan pa ako. Umasa akong magiging tayong muli. Alam mo ba kung gaano kasakit na makita kang masaya knowing that it's not me who made you happy?

Kasabay ng paglilibing sa papa ni Kuya Atom, inilibing ko na rin ang pagmamahal ko sa 'yo.

Hindi ko ikasasaya ang paghihintay sa taong hindi naman talaga nakalaan para sa akin. I should move on. Wala na akong ibang pupuntahan. Hindi na ako pwedeng mag-retrace ng steps dahil hindi ka na babalik sa 'kin.

Wala na akong relasyong babalikan.

So I moved on. I tried to. And thank God... because finally, he showed me the way to him.

 

I must admit that he's not my greatest love. Kase ikaw yun eh. Kung meron mang best... ikaw yun. Ikaw ang pinaka. Wala ng makakapantay sa pagmamahal na meron tayo dati. Sure, he was my lesser love. Kase compared to you... mas mahal kita kesa sa kanya.

Pero... hindi ibig sabihin nun na hindi ko sya mahal.

He helped me move on. He was there when I badly needed a new air to breathe. He was there to nurse my broken heart.

And thank God that he was there... kase kung wala sya, hindi ko alam kung paano pa ako makakatagal.

And now here we are... already getting married. Matapos ang tatlong taon nyang paghihintay sa 'kin... sa wakas ay natutunan ko na rin syang mahalin ng buong-buo.

Sa wakas... nakalaya na rin ako sa 'yo.

 

From across the room during the reception, nginitian mo 'ko. Gumanti ako ng ngiti sa 'yo. Kung masaya ka... mas masaya naman ako.

Matapos ang panahong ginugol ko kaiiyak sa 'yo... ngayon ay may iba na akong dahilan para umiyak.

Iiyak ako sa sobrang saya. Sobrang saya na kahit nandito ka, hindi ko na nararamdaman yung mga emosyon na nararamdaman ko dati.

Bumalik na tayo sa simula. Mag-best friend.

Hindi mo nga akalain di ba? Ikaw pa ang ginawa kong best man. Ako rin eh... hindi ko akalain na at the age of 41 eh ikakasal pa ako. Akala ko tatanda na akong dalaga at miserable.

Hindi pala.

Salamat sa 'yo, natutunan kong pakawalan yung bagay na hindi naman talaga para sa 'kin. What we had was nostalgic, magical and pure... but it was not meant to last.

Music and Lyrics (one-shots)Where stories live. Discover now