Edukasyon na binabalewala ng mga ibang kabataan
Edukasyon na hindi sineseryoso ng mga ibang bata
Edukasyon na hindi binibigyan ng pansin ng mga ibang magulang
Edukasyon sinawalangbahala nalang
Alam niyo ba kung anong halaga ng edukasyon?
Una,ang Edukasyon ang magpapa-angat sayo mula sa kahirapan
Pangalawa,sa edukasyon mo matutunan ang mga bagay na dapat mong matutunan
Pangatlo,Ang Edukasyon ang magsisilbi mong yaman kapag natapos mo ito at walang kahit sino ang makaka-agaw at makakakuha sayo nito
At ang pang-huli,ang edukasyon ang solusyon para matupad ang mga pangarap mo.
Wag nating minamaliit ang kayamanan ng edukasyon dahil sa totoo lang,napakalaki na nitong yaman
Dahil ang Edukasyon ang sagot sa pangangailangan natin sa kinabukasan.
Mahirap man sa una pero pag ito natapos natin abot langit ang saya,para na ring nanalo tayo sa lotto ang kaso pinaghirapan natin ito para makuha ang papel na nakalukot at nakasulat roon ang ebidensya na natapos natin ang edukasyon.
At wag nating kakalimutan ang palaging sinasabi ng mga nakakatanda satin.at yun ang..
"Education is the key"
Author's note:kaya kayong nagbabasa nito,pagbutihin natin ang pag-aaral para sa kinabukasan ay tagumpay tayo at walang halong pagsisisi♡

YOU ARE READING
Tula Para Sa Aking Sarili
PoetryIba't-ibang klaseng tula ang iyong mababasa. Tula para sa'ting sarili.