Kuya
~~~~
Jared POV
2 weeks later.
Iminulat ko ang mga mata ko at ang sea grean na kisame ang aking unang nakita, napa buntong hininga ako saka umupo sa kama ko. Nilingon ko ang Baby ko na nasa tabi ng kama ko.
"Good morning Jason." Bati ko sa baby ko saka tumingin sa orasan.
6:45 AM na.
Dalawang linggo na ang lumipas ng maka uwi kami galing sa America.
Bumili kami ng mga gamit don saka namasyal, nag stay na din kami don para mamasyal at isa lang ang nararamdaman ko.Namimiss ko na si Kuya.
Naging sobrang close ako sa mga pamilya ni Kika, lalo na kay Kika na laging binubwisit ang araw ko.
"Jared?" Napa tingin ako sa pintuan ng kwarto ko at nakita si Kika.
"Oh?"
"Kain na daw."sabi niya saka tuluyang pumasok sa kwarto ko.
"May pupuntahan ka?"tanong ko.
"Oo, mag tratrabaho na ako sa mall mo diba?"sagot niya.
"Samahan mo muna ako."sabi ko saka tumayo sa kama ko.
"Saan tayo pupunta?"tanong niya.
"Basta."sabi ko at nag lakad.
Matapos naming mag ayus at kumain ay nag pasama na ako kay Kika sa sementeryo.
"Oh? Anong ginagawa natin dito?"tanong ni Kika. Tumingin ako sa kanya.
"Dito ka lang."sabi ko at bumaba. kinuha ko yung bulaklak na binili ko kanina saka yung kandila.
Lumapit ako sa puntod ni Kuya saka sinindihan yung kandila at nilagay ang bulaklak sa gilid.
"Kuya.... Long time no see, pero wag ka mag papakita ha." Sabi ko saka inalis yung dahon na naka harang sa lapida niya.
"Kumusta ka na kuya? Ako kasi ayus lang ako, medyo nasanay na ako na wala kayo ni mama at papa. May bago na din akong mga kasama. Yung pamilya mo naman ayun ayus naman sila."sabi ko at ngumiti.
"Kuya ikamusta mo naman ako jan kay mama at papa."sabi ko at agad na tumulo ang luha ko.
"Wait niyo ko ha, susunod ako jan."sabi ko at ngumiti.
"susunod ka?"napa lingon ako sa likod ko at nakita si Kika na naka tingin sa akin.
"diba sabi ko wag kang aalis don?"inis kong tanong.
"May sinabi ka ba? Wala naman eh."sabi niya saka pumantay sa akin.
"Siya ang kuya mo?"tanong niya kaya muli kong binalik ang paningin ko sa lapida.
"Oo." Sagot ko saka huminga ng malalim.
"Kuya, si Kika, Kika si kuya."pakilala ko.
"hi po kuya ni Jared. Wag niyo po munang kukunin si Jared ha." Sabi niya kaya napa tingin ako sa kanya.
"Di pa po kasi nag kaka girlfriend yan kaya wag niyo po muna kunin."dagdag niya.
Abnormal.
"Jared, anong kinamatay ng kuya mo?"tanong niya kaya napa tingin ako sa lapida ni Kuya.
"Brain Cancer."sagot Ko.
Tumango tango siya.
"Nasan nga pala ang mama mo? or papa mo? Di ko pa sila nakikita."sabi niya kaya napa buntong hininga ako.
"Si papa namatay dahil sa Cancer at Heart problem, si mama naman namatay matapos ang dalawang araw na pagka matay ni Kuya, na depress si mama at na stroke then sabay na umataki ang blood pressure niya at stroke kaya ayun. sama sama silang tatlo."sabi ko. Natahimik siya.
Nagulat ako ng hawakan niya ang kamay ko. Napa tingin ako sa kanya na naka tingin sa lapida ni kuya.
"Kuya ni Jared, wag po kayong mag alala, aalagaan po namin tong kapatid mo. Kahit araw araw mainit ulo nito sa akin."sabi niya sa lapida ni Kuya saka humarap sa akin. Napa iwas ako ng tingin.
"di mo sinabi na mag isa ka nalang pala sa buhay, wag kang mag alala. Nandito naman kami ng pamilya ko para iparamdam sayo na di ka nag iisa." Napa tingin ako sa kanya. Ngumiti siya dagilan para bumilis ang tibok ng puso ko.
Inalis ko ang pagkaka hawak niya sa kamay ko saka hinarap sya.
"No need, i still have my babies. After all sila parin ang mas tinuturing kong pamilya."sabi ko saka tumingin sa lapida ni kuya.
"Kuya, we need to go. Bye." sabi ko saka nag simulang mag lakad. Napa pikit ako ng tatlong hakbang palayo palang sa kuya ko ang nagagawa ko.
Damn, i felt so lonely.
Binuksan ko ulit ang mga mata ko saka pumasok sa baby ko.
Pumasok na din si Kika kaya naman sinimulan ko ng paandarin ang kotse ko.
"May pupuntahan ka pa ba?"tanong niya kaya nilingon ko siya saglit.
"Wala na. Ihahatid nalang kita sa mall tas uuwi na ako sa bahay." Sabi ko at nag simulang mag drive.
"Di muna ako papasok sa mall."sabi niya.
"Eh di umuwi na tayo."sabi ko habang naka focus sa daan.
"Tambay muna tayo, may alam akong lugar."sabi niya.
"Wala ako sa mode, gusto kong mapag isa."sabi ko.
"Pwede mong ilabas lahat ng lungkot mo don." Napa lingon ako sa sinabi niya. Seryoso ang mukha niya kaya natawa ako.
"Then let's go to that place." Yan lang ang sinabi ko saka muling binalik sa daan ang tingin Ko.
~~~~
Tweet me @redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Instagram: rediousinpaper

ESTÁS LEYENDO
Faithed Destiny
Romance|Complete| Velasquez Series 1 Lamborghini is life until i met her. Date Started: May 4 2019 Date Finished: May 30 2019