Faithed Destiny 5: Kitalia Katherine Talluline Creed

778 19 2
                                    

Kitalia Katherine Talluline Creed

~~~~

Jared POV

Matapos ang swabeng eksana sa tatlong adik kanina ay nag punta kami ni one hundred peso girl dito sa Manila Bay.

Di ko alam kung saan ko dadalhin yan, mukhang wala namang alam na ibang lugar yan.

"Oh."sabi ko saka binigay sa kanya yung ice cream.

"Wag kang mag alala, libre yan."sabi ko. Kinuha niya naman yun saka ngumiti. Ang creepy nya talaga pag ngumingiti. Nawawala yung mata.

"Salamat."sabi niya.

"Hoy, kung iniisip mo na sweet ang ginawa ko kanina pwes wag mo ng isipin. Ginawa ko lang yun dahil nakaka awa ka."sabi ko saka sumandal sa baby ko at kumain ng ice cream.

Pati mga basher ko iniisip na sweet yun. Dapat pala hinayaan ko nalang si One hundred peso girl na masampal.

"Hindi ko naman iniisip eh. Isa pa ang iniisip ko kung pano ka babayaran."sabi niya habang naka tingin don sa dagat.

"Nawala nga utang ko don sa tatlo nadagdagan naman ng kalahating milyon sayo."sabi niya saka tumingin sa akin.

"Babayaran kita wag kang mag alala.araw araw kitang huhulugan ng isang daan."sabi niya kaya natawa ako.

"Alam mo one hundred peso girl,  kahit bayaran mo ng tig isang daan yun araw araw. Sasayangin mo lang ang oras ko dahil hindi mo mababayaran yun kasi--"

"Wala akong trabaho? Bobo ako? Alam ko na yun." Natatawa niyang sabi kaya natahimik ako.

"wala naman akong sinasabi eh, ang akin lang naman. Di mo na kailangang bayaran yun."sabi ko kaya napa tingin sya sa akin.

"Oh? Pero pera mo yun at pinag hirapan mo yun makuha."sabi niya kaya natawa ako.

"Yung isang Milyon na yun barya lang yun sa akin, saka isang segundo ko lang yun nakukuha."sabi ko at kumain ng ice cream.

"Oh? Anong trabaho mo?"tanong niya.

Tumingin ako sa kanya.

"Trabaho? Wala."sagot ko kaya kumunot ang nuo niya.

"Ang trabaho mismo ang nag tratrabaho sa akin."sabi ko at ngumisi.

"Oh? Ang cool naman non."sabi niya saka tumingin sa dagat.

"Talagang cool, kasi ako si Jared Velasquez ang pinaka Sexy at pinaka gwapo sa buong mundo."sabi ko at pumikit pa.

"Di kaya."sabi niya kaya iminulat ko ang mga mata ko at tinignan siya ng masama.

"Mas gwapo parin si Zayn."sabi niya saka kumain ng ice cream.

"Pwet ko lang yun."sabi ko at inirapan siya.

Pag kumpara ba naman ako sa international singer eh.

"Oo nga pala, wag kang mag alala dahil babayaran ko yung one Million mo. Pati yung mga nasira ko sa kotse mo."sabi niya kaya napa tingin ako sa kanya.

"Pero mag hahanap muna ako ng matinong trabaho, rumaraket lang kasi ako kaya isang daan muna ibibigay ko sa iyo."sabi niya at binigay sa akin ang one hundred niya. Kumunot ang nuo ko.

"999,900 nalang utang ko ha." Sabi niya saka tumalikod.

Akmang mag lalakad na siya palayo sa akin ng mag salita ako.

"Hoy One hundred peso girl!"tawag ko kaya napa lingon siya sakin.

"Kitalia Katherine Talluline Creed." Sabi niya kaya kumunot ang nuo ko.

"Huh?"

"Kika for short."sabi niya kaya inirapan ko nalang siya.

"Hoy Kika Keyboard. Ihahatid na kita."sabi ko. Ngumiti lang sya at umiling.
Nawawala talaga mata niya ano?

"Wag na, di kasya ang Lamborghini mo don sa amin."sabi niya saka tumalikod.

Napa irap ako sa hangin saka lumapit sa kanya at kinaladkad papasok sa baby ko.

"Woi kaya ko namang umuwi eh."sabi niya pero di ko siya pinakinggan. Tinulak ko siya papasok sa baby ko saka sinarado ang pinto. Sumakay na ako sa loob saka tumingin sa kanya.

"Alam mo naman na siguro ang seatbelt? Isuot mo na."sabi ko saka sinuot ang akin pag katapos ay sinimulan ko na mag maneho.

"Saan ang daan?"tanong ko at nilingon siya.

"Sige deretso lang."sabi niya.

"Hanggang kanto ka lang ha, madami kasing mga loko loko sa amin baka pag diskitahan ang sasakyan mo."sabi niya kaya nilingon ko siya.

"saan ka ba naka tira?"tanong ko.

"Ughm... Sa squatter area."sagot niya kaya napa lunok ako at natahimik.

walang nag salita sa aming dalawa, tinuturo niya lang ang daan papunta sa kanila at sinusunod ko lang iyon.

"Dito nalang."sabi niya kaya inihinto ko ang sasakyan ko sa tabi ng isang malaing gusali. Nag simula na niyang alisin ang seatbelt niya saka tumingin sa akin.

"Salamat ah."sabi niya habang naka ngiti saka sinimulang lumabas. Inalis ko din ang seatbelt ko saka sinarado ang pinto ng baby ko at sinundan siya.

"Hoy Kika saglit."sabi ko kaya napa tigil siya at lumingon sa akin.

"Oh? May nakalimutan ba ako?"tanong niya.

"mukha bang may dala kang gamit?"tanong ko kaya natawa siya at nag peace sign.

"Practice lang."sabi niya. Tumingin ako sa harap.

"Saan jan ang bahay niyo?"tanong ko.

"doon pa yun sa looban. Wag ka ng sumunod baka kasi pag tripan ka."sabi niya.

"No sasama ako. Boring kung uuwi agad ako."sabi ko saka naunang mag lakad sa kanya.

"hoy kuya wag ka ng--"

"Jared." Sabi ko at tinignan siya.

"Jared ang pangalan ko. Wag mo nga kong tawaging kuya di naman kita kapatid."sabi ko at inirapan sya. Pumantay siya sa pwesto ko.

"Oh eh di Jared, wag ka ng makulit baka kasi--"

"Tara na." Sabi ko at hinawakan ang kamay niya saka hinila.

~~~

Tweet me @redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Instagram: rediousinpaper

Faithed DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon