Faithed Destiny 7: Yakap

677 20 2
                                    

Yakap

~~~~

Jared POV

"Ughm... May mali po ba?"tanong ko ng di sila nag salita.

"Jared Iho--"

"KIKA!" May narinig kaming sumigaw sa labas ng bahay nila. Agad na lumabas si Kika kaya naman naiwan ako dito kasama ang mga magulang ni Kika at tatlo niyang kapatid.

"Jared iho, nabigyan mo na ng trabaho ang mga anak namin at nabayaran ang utang namin kila Gato. Sapat na sa amin yun."sabi ng papa ni Kika, ngumiti ako.

"Napaka buti mong bata iho, pero sapat na sa amin ang tulong na ibinigay mo, hindi na namin kailangan ng bahay dahil sapat na sa amin ang bahay na ito."sabi naman ng mama ni Kika kaya napa buntong hininga ako.

"Hoy Kika! Kelan kayo mag babayad ng utang? Kung di niyo kayang mag bayad ng utang at upa sa bahay na ito ay lumayas na kayo!" Napa lingon ako sa pintuan nila Kika ng marinig ko ang mga salitang yun. Tumayo ang mama ni Kika kaya sumunod ako.

Nakita ko ang isang babae na medyo katabaan at gurang. Mukhang mang kukulam.

"Aling Leni, mag babayad naman po kami--"

"Mag babayad, kelan pa yan ha ni wala pang perang napupunta sa kamay ko! Lumayas na kayo!" Sigaw nito kay Kika.

Agad namang humarang ang mama ni Kika.

"Leni, isang buwan pa maawa ka naman sa amin." Sabi ng mama ni Kika kaya napa lunok ako.

"Lusing puro kayo isang buwan. Eh naka ilang buwan na kayo dito di pa kayo nag babayad!"sigaw sa kanya nong babae.

"May trabaho na ang mga anak ko kaya mababayaran na namin ang mga utang namin sayo."sabi nito kay Gurang.

"Oh? May trabaho na? Ano? Tricycle driver? Taga diliver ng dyaryo?! Eh mga walang silbe naman yang mga trabaho na yan pano niyo ko mababayaran kung kakarampot lang ang kinikita niyo?!"sigaw sa kanya nong gurang.

"Wag niyo naman po sigawan ang nanay ko."singit ni Kika.

"Wag kang mange- alam dito ha!" Sigaw nong babae kay Kika.

"Palibhasa kasi mga bobo at inutil kayo!" Pinag titinginan na sila ng mga kapit bahay nila kaya di ko na napigilang sumabat.

"Mag kano ba utang nila para sigawan at maliitin mo sila ng ganyan?"singit ko kaya napa tingin sa akin ang gurang at nanlaki ang mga mata. Lumabas ako sa bahay nila Kika saka tumabi sa nanay ni Kika at tinignan yung gurang.

"Mr Velasquez." sabi nito. Tinignan ko lang siya.

"Umabot na na sa milyon ang utang nila para maliitin mo sila ng ganyan? Saka ikaw ba ang may ari ng bahay na to?"tanong ko saka tinuro yung bahay nila Kika.

"Opo Mr Velasquez." Tumango tango ako.

"Kaya pala ang panget ng bahay kasi kamukha ng may ari."sabi ko saka nilabas yung wallet ko.

"Magkano utang nila?"tanong ko.

"7,500 po." Sagot niya. Kinuha ko yung 8,000 sa wallet ko saka binigay sa kanya.

"May sobrang 500 jan, pagawa mo tong bahay ha. ang penget eh. Kung umasta ka parang palasyo tong bahay mo eh kulungan nga lang ata ng aso to eh." Sabi ko saka tinago ang wallet ko.

"Yan, wala na silang utang ha. At di na sila mag kakautang sa inyo kasi lalayas na talaga sila dito."Sabi ko at tinignan siya taas baba.

"Makapag salita ka ng inutil at bobo. Ano bang natapos mo? Grade school? Mag sorry ka."sabi ko. Nagulat siya sa sinabi ko pero tumingin din siya kila Kika at sa mama niya.

"Sorry."naka yukong sabi nong Gorang.

"Oh alis na, maligo ka naman ng kuminis at pumuti naman ang batok mo."sabi ko saka siya tinalikuran. Tumingin ako sa mga nanunuod na kapit bahay nila Kika.

"Oh? Tapos na ang palabas ano pang tinitingin tingin?"tanong ko kaya nag si alisan sila.

Hinarap ko yung mama ni Kika saka ngumiti.

"Aling Lusing, sa nakita ko po di na ako papayag na mangyare yun ulit kaya uuwi lang po muna ako para kunin yung malaki kong sasakyan at maisakay ko kayong lahat papunta sa bago niyong bahay. Pwede po kayo don tumira kahit kelan niyo gusto. Wag na po kayong tumanggi kasi pag tumanggi pa po kayo sisingilin ko kayo sa lahat." Pananakot ko at natawa saka ngumiti.

"Jared." Napa lingon ako kay Kika ng tawagin niya ang pangalan ko. Nanlaki ang mga mata ko ng yakapin niya ako.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko at nagka dayariya. May kung anong gumagalaw sa tyan ko, shit.

Anong nangyayare sa akin?
Sinasaniban na ba ako? O may sakit na din ako? Kailangan kong kumonsulta kay Dr Jermaniah Velasquez.

~~~

Tweet me @redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Instagram: rediousinpaper

Faithed DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon